Sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip kong ano ang pakay ng mamang sumusunod sa amin, o akin?
Kong si Wilder ang dahilan, bakit? Ilang araw na nga siyang gumugulo sa isipan, ngayon dumagdag na naman. Wala na ang kirot sa pagitan ng mga hita ko, pero pakiramdam ko tuwing pipikit ako naramdaman ko ang mapagparusa niyang haplos. Ang dinulot niya na kakaiba at bago sa pakiramdam ko, ang nagliliyab niyang pagnanasa. Mga labi niyang eksperto.
Kahit ipikit ko ngayon ang mga mata ko, nakikita ko ang mukha niyang nakadungaw sakin na puno ng pagnanasa. Ang mapanukso niyang tingin at boses. Hays!
Tumayo ako at paikot ikot dito sa kwarto. Ano ba, patahimikin mo ako!
Lumabas ako sa kwarto at nakasalubong ko si Aemie na mugto ang mga mata.
"bakit?" nag aalala kong tanong. Humarap siya sakin.
"Si Julien, nakita daw ng ka workmate ko na may kasamang babae sa bar." umiyak ulit siya.
"Baka kaibigan lang."pag aalo ko sa kanya.
"Naghahalikan daw" at ma's lalo siyang umiyak.
"samahan mo ako besh, puntahan natin" hinawakan niya ang kamay ko at hinila.
"teka mag bihis ka muna, naka pantulog kapa." tumango naman ito at tarantang pumasok sa kwarto at sumunod ako sa kanya,kinuha ko ang jacket ko at sinuot. Naka white sleeveless ako at naka maong short kaya jacket lang ang sinuot ko.
"Tara na!" yaya niya kaya sabay kami lumabas hanggang sa garahe at pumasok sa kotse. Siya ang nag drive, alam ko naman mag drive pero mas Ok na siya, alam niya ang pupuntahan namin.
Umabot ng 30 minutes ang beyahe namin, wala namang traffic pero may kalayuan lang talaga,!
Huminto ang kotse sa harap ng isang bar at nakaramdam ako ng takot. Dahil ang bar na ito, dito ko na meet si Wilder. Chineck ng guard ang mga I'd namin at pinapasok kami.
Maingay at magulo, may nagsasayawan meron din simpleng umiinom lang mag isa, mag babarkada na mukhang mga mayayaman dahil halos naka office attire, meron hindi pero bakas ang pagiging galante. Meron naka upo sa couch, at may mga nakalingkis na mga babaeng hindi din magpapatalo sa palabasan ng cleavage, hita at makakapal na make up. May hahalikan, may naghihipuan.
Nagulat ako sa isang malakas na tunog,,,malakas na tunog ng sampal! Di ko na pala namalayan nasa harap na kami ng couch, at may mga grupo ng lalakihan at may may babae ding kasama.
"Manloloko!" sigaw ni Aemie sa harap ni julien.
"Love, let me explain!" gulat na gulat ito, sinusubukan niyang hawakan ang kamay ni Aemie pero iniiwas ito.
"Explain mo sa pagmumukha mo! Hindi ako naniwala sa mga narinig ko noon paman, kahit kanina may nagsabi sa akin,,, hindi parin ako naniwala. Pero pucha! Makikita kita dito nakalingkis sa babae yan at naghahalikan kayo!" isa pang malutong na sampal pagkatapos niyong dinuro duro ang lalaki.Nakita ko ang walang tigil na pagdaloy ng kuha sa mga mata ni Aemie. Nasasaktan rin ako para sa kanya.
"Love, walang ibig sa bisihin ito."pagmamakaawa ni julien
"what, love? Nagugulahan ako, ako ang girlfriend mo right? But why are you explaining to her?" nakapamaywang ito.
"please shut up your f*****g mouth Anna!" nagulat naman 'Yong Anna sa pagsigaw ni julien at naging matapang ang aura.
"Haha" mapait na tawa nito. "4 years julien—"
"Anna!" pagbabanta ni julien.
"Why?! " matapang na tanong nito. Si Aemie naman ay nakatunganga lang sa kanila na gulong gulo.
"4 years diba?" sigaw ni Anna. "4 years mo akong ginawang tanga Julien!" napaluha na ito.
"4 years?" pangkukumpirma ni Aemie,at bumaling siya kay Julien. At napailing. "ako 2 years Julien, sa loob noong 2 years pinagsabay mo kami? Saan ako doon? Saan ang lugar ko sa 2 years na iyon?" hagulhol nito.
Isang malakas na sampal ang natanggap ulit ni Julien, pero galing naman kay Anna. Pinasundan ulit ito ng tatlo pang malalakas na sampal.
Durugin niyo ang pagmukmukha niyan!
"4 years, Julien! Giver of warmth and comfort in bed for your personal needs, I endured for four years because I love you., I was blinded because I still love you. But what is it?you have a two years relationship? Bullshit! ? I did everything I could to make you happy just so you wouldn't have to think about finding someone else. Manloloko ka! Ginamit mo lang ako! "lumuluha na rin ni Anna pero andon parin ang galit. Mas na awa ako kaya sa kanya,akalain mong apat na taon siyang ginago.
"Anna" pilit na inaabot ni julien ang kamay ni Anna pero iniiwas ito ng babae. pa tuloy rin ang pagbiyak ni Aemie habang naka takip sa bibig niya at piling iling.
Durugin niyo!
"I chose you more than my dream. Chosen than the parents. I thought you were the right thing in my life,,, I hold on to your love. Because that’s all I know has done right to myself,,, why julien?" namumula din ang mga mata ni julien pero sa nakikita ko parang Di niya alam kong ano ang sa sabihin, at gagawing desisyon.
Nakita kong nilapitan ni Aemie si Anna at niyakap at hinimas himas sa likod." I'm sorry, Kong alam ko lang na andiyan ka, 'Di ko na sana minahal si julien. I'm sorry "
Kumalas si Aemie sa pagyakap dito at ngkatitigan sila sandali at bumaling si Anna kay julien.
That my Aemie. Kahit nasasaktan rin siya dadamayan ka rin.
"Sana ito na ang huling pagkikita natin, gusto ko hanapin ang sarili ko at buo-in muli.Dahil ngayon simot na simot na ako" pagkasabi nito at nilagpasan niya kami at dumeretso siya sa paglakad paglabas sa bar na ito.
"Anna!" tawag ni julien at hahakbang sana paalis pero bumaling ito kay Aemie.
"Aemie—"
"Habulin mo siya, kahit nasasaktan ako pero alam kong mas triple ang sakit na nararamdaman niya ngayon." sabi nito na deretsong nakatingin sa mata mata ni julien habang lumuluha. Bumuntong hininga ang lalaki at nag umpisang tumakbo paglabas. Niyakap ko Aemie at humagulhol siya lalo, nilobot ko ang mga mata ko doon ko namalayan na andami pala naming audience.
Natapunan ng tingin ko ang isang lalaking pamilyar sakin, kumurap kurap pa ako para ma kumpirma kong 'di ako namalik-mata lamang.
Pero totoo nga, siya talaga! Kumalas ako kay Aemie ang tuningnan niya akong ng may pagtataka at pagtatanong.Imbes na sagutin ko siya hinila ko ya sa dereksyon palabas.