4-Apology

2069 Words
"The votes are final, Ms. De Guzman will be the class representative of your block," sabi ni sir Castriel ng hindi tumitingin sa akin. Isang malakas na buntong hininga ang nagawa ko. Mukhang ayaw ata ng tadhanang ilayo ako sa kanya at gusto pa akong ilapit. Like please... stop. This is not funny at all. "After class pumunta ka sa office ko for instructions regarding sa mga activities ng block ninyo. 'Yun lang, class dismissed." Napasabunot ako sa buhok ko't inis na tinignan si Dale. "What? Mukha kang mangkukulam dahil sa buhok mo," inosenteng sabi niya na mas lalo ko lang ikinakainis. "Thank you sa'yo sa pag-encourage na iboto ako ng mga classmate natin. I really appreciate it," sarcastic kong sabi bago isubsob ang mukha ko sa mesa. Mababaliw ako sa mga nangyayari. Ayoko kasing magkaroon ng dahilan para mapalapit kay sir Castriel. Pero heto ako't mukhang araw-araw pang makakasama siya. Kung bakit naman kasi ang dami pang nalalaman ng school na ito. Ano kami? Nasa high school? "Bakit? Hindi ba dapat maging thankful ka kasi mapapalapit ka sa crush mo?" "Thankful? Mukha ba akong thankful?!" may pagtataas kong sabi na ikinatawa niya lang. "Chill sis. This is just a gift for you before graduation. Bakit? Nagbago na ba ang gusto mo? Si Richard na ba ang gusto mong makasama everyday?" bulong niya sa tenga ko na mas lalong nagpapasira ng araw ko. "Kainis. Kainis ka talagang bakla ka." "Alam ko sis, 'wag mo ng ipagkalandakan." Tumawa pa siya kaya tinakpan ko ang aking tenga dahil parang isang sumpa sa buhay ko ang binabaeng ito. Never in my life na in-imagine kong maiinis ako ng ganito sa kanya. Ngayon lang. Ngayon lang talaga. ▪▪▪ Pikit mata akong kumatok sa pinto bago ito buksan at pumasok sa loob. Pagpasok ko, una kong nakita ay ang ibang studyante na kinakausap si sir. Nakahinga ako ng maluwag dahil dito. At least may kasama ako at hindi kaming dalawa ang maiiwan. "That's all you may all go. Make sure na maibibigay niyo 'yan sa mga classmates niyo." Nagpantig ang tenga ko nang marinig ang sinabi niya. Bigla akong kinabahan ng pa isa-isa silang umalis ng office. Mali ata ang akala ko. Kainis naman. "You're late Ms. De Guzman," sabi niya ng kaming dalawa na lang ang natira. Hindi na ako nagulat ng tawagin niya ang apilyedo ko. Like come on... aasahan ko pa bang tawagin niya ako sa pangalan ko after what I did? No, of course. "Nag-extend po kasi ng time ang last professor ko," pagdadahilan ko. Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko dahil wala akong balak na lapitan siya. Mahirap na. "Paano ko sasabihin sa'yo ang mga kailangan ng block niyo kung ang layo mo sa'kin?" nakahalukipkip niyang tanong. Nakangiti na siya ngayon habang nakatingin sa akin na nakakainis. 'Bat ba ngumingiti na naman siya?' Isang buntong hininga ang ginawa ko bago naglakad palapit sa mesa niya. Nilapag ko muna sa tabi ng upuan ang bag ko bago umupo sa mismong upuan. Puro iwas ang ginagawa ko dahil ayokong makitang nakangiti siya. I hate it. "Next week may reporting kayo regarding sa mga topics na ibibigay ko mamaya. It's by group, to be fair it is better if ikaw na ang mamimili ng groupings nila according sa surnames. Five minutes lang dapat ang reporting, all of you can use powerpoint or any materials na pwede niyong gamitin para sa reporting. After that, we will have an evaluation per group para makita kung sino ang tumulong o nakisama lang. The leaders will be in charge of the evaluation na ang member ng groups ang mamimili kung sino ang magiging leader nila," mahaba at tuloy-tuloy niyang explanasiyon. Pinanood ko siyang kunin ang folder sa shelf na nasa likuran niya at iabot ito sa'kin. "Laman niyan ang topics na kakailanganin ng groups. Any questions?" Kinuha ko ang folder na inabot niya pero hindi na ako nag-abalang tignan ang loob dahil gusto ko ng makaalis dito. "None sir," nakayuko kong tugon. Tumayo na rin ako at kinuha na ang bag ko. "Mauuna na po ako," muling sabi ko na tumalikod na para sana umalis. Pero bago pa man ako makahakbang, hinawakan niya na ang kamay ko para hindi ako makaalis. "Pwede ba tayong mag-usap?" sincere niyang tanong. 'Wag kang lumingon Miriana. 'Wag.' "Kung hindi po tungkol sa school works mauuna na ako," pagmamatigas ko. Pilit kong inalis ang kamay kong hawak niya na binitawan naman niya agad. "I'm sorry," paumanhin nito na nagpahinto sa'kin sa paglalakad. 'Sorry for what?' "Meet me tomorrow sa mall, hihintayin kita sa malaking fountain," dagdag niya pang sabi na hindi ko na pinasin pa. Mabilis akong naglakad paalis sa office niya at nakahinga lang ng maluwag ng makalabas ako. "Miriana?" Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko. "Oh... Richard." Inayos ko ang sarili ko bago naglakad palapit sa kanya. "Anong itsura 'yan?" natatawa niyang tanong na ikinairap ko. "Wala ako sa mood para makipagbiruan sa'yo." "Okay... okay... masyadong mainit ang ulo. Pauwi ka na ba? Kasi ako pauwi na, gusto mong ihatid kita?" Napatingin ako sa wrist watch ko, maggagabi na at paniguradong wala na namang masasakyan sa labas. "Sige, para makalibre ako ng pamasahe." "Hahaha. Tara na." Kinuha niya ang bag ko at nagpauna ng maglakad. Napailing na lang ako at hinayaan siyang kunin 'yun. Pero bago pa man kami makalayo ng tuluyan doon, nahagip ng mata ko si sir Castriel na binuksan ang pinto kung saan tinignan niya kaming dalawa palayo roon. ▪▪▪ "At anong ginagawa mo?" nakapameywang kong tanong ng pumasok si Richard sa loob ng bahay. Una niyang pinuntahan ay ang mahabang sofa sa maliit kong sala kung saan umupo siya rito. "Hindi ba pwedeng tumambay muna rito saglit? Mga one hour?" nakapikit niyang sabi. Kinuha ko ang bag ko na nasa tabi niya at hinayaan na lang siya sa gusto niya. Kahit na itaboy ko 'yan, hindi 'yan makikinig sa'kin kaya hayaan na lang natin. Dumiretso ako sa kwarto ko para magpalit. Kahit na sanay na ako sa uniform namin na palda at blouse, mas gusto ko pa rin magsuot ng kumportableng damit. Nilapag ko sa upuan ang bag saka lumapit sa aparador para kumuha ng damit. Nang makakuha, isa-isa kong inalis ang damit ko para magpalit. Nasa kalagitnaan na ako ng pagpapalit nang maramdaman kong parang may nakatingin sa akin. Paglingon ko sa pintuan, nakita kong pinapanood ako ni Richard habang nakasandal siya sa gilid. "Hi," nakangiti niyang bati. Tinapos ko na ang pagpapalit saka siya nilapitan para sipain sa paa. "Bastos," masungit kong sabi na nilagpasan lang siya. Rinig ko ang tawa niya kahit na sinipa ko na siya lahat-lahat. Kahit kailan talaga, parehas sila ni Dale. "Bakit? Nakita ko naman na lahat 'yan nahiya ka pa. I even ki--" "Sige ituloy mo. Makakatikim ka sa'kin," pagbabanta ko pero kinindatan niya lang ako at nilapit pa ang sarili sa'kin. "Makakatikim? Pwede na ba nating simulan?" Mabilis kong tinakpan ang bibig niya ng balak niya akong halikan gamit ng aking kamay. Tinulak ko rin siya palayo bago dumiretso sa kusina para magluto ng pagkain. "Miriana..." mapanukso niyang tawag sa pangalan ko. Hinarap ko siya sandali para samaan ng tingin. Pero kinindatan niya na naman ako bilang sagot. "Kung gusto mong magtagal dito, umayos ayos ka. Baka hindi ako makapagtimpi at buhusan kita ng kumukulong mantika." "Ito naman hindi maloko, makikikain ako, ah." Narinig ko ang yabag niya palayo pero hindi na ako nag-aksayang tignan pa siya. Paniguradong manonood 'yan, hayaan na natin kaysa 'yung kung ano-ano ang ginagawa. Ginawa ko na ang dapat gawin, una kong ginawa ay ang magsaing sa rice cooker para sakto kapag tapos na akong magluto ng ulam. Balak kong mag-beef steak dahil 'yon ang hinahanap ng sikmura ko. May na-marinate ng karne kaya ang gagawin ko na lang ay ang iluto ito. Kung nagtatanong kayo kung saan ko kinukuha ang pera para sa pang araw-araw kong pagkain, pamasahe at iba pang bayarin like kuryente. Kinukuha ko ito sa monthly allowance na kasama ng scholarship ko. As long as hindi bababa sa 85 ang grade ko, eligible pa rin ako at makakatanggap ako ng pera every month hanggang sa maka-graduate ako. Minsan, kapag after semester nagsa-sideline ako online. Nagtututor ako para pandagdag gastusin dito sa bahay. Kung tutuusin sila Dale at Richard ang nagbigay nitong bahay dahil umuupa lang ako noon. Balak pa sana nilang bigyan ako ng mas malaking bahay pero aanhin ko 'yun kung mag-isa lang ako? "Ang bango naman niyan!" sigaw na sabi ni Richard nang simulan ko ng igisa ang karne. Katulad kanina, hindi ko siya pinansin at tinutukan ko ang pagluluto. Nang ayos na at luto na ang karne, sinilip ko ang kanin dahil mukhang luto na rin. Inalis ko na ang saksakan ng rice cooker at hinayaan itong nakabukas para sumingaw ang init nito. Naglabas din ako ng dalawang plato na nilapag ko sa maliit kong mesa bago kunin ang ulam at kanin. Kumuha ako ng tubig na nakalagay sa pitsel at dalawang baso at kutsara. "Kain na," tawag ko rito na mukhang narinig niya. Narinig kong pinatay niya ang t.v saka naglakad papunta sa kusina. "Hmm... mukhang masarap 'yan, ah." Umupo na siya sa harapan ko kaya ako na ang nagsandok ng pagkain niya. Ganito kami kapag pumupunta sila sa bahay, minsan nagdadala sila ng pagkain. Pero mostly ako ang nagluluto, dahil hindi nila alam magluto. Buhay rich kids nga naman. "Kamusta naman ang first day mo sa school?" tanong ko ng magsimula na kaming kumain. "Ayos lang naman, nakakatawa lang ang mga studyanteng lapit ng lapit sa'kin." "Given na 'yun." "Dahil gwapo ako?" Natigil ako sa pagnguya sa sinabi niya. "Dahil mahangin ka." Tanging ngiti ang sinagot niya. Oo gwapo siya, pero lamang pa rin talaga ang hanging dala niya araw-araw. "Ano pa lang balak mo bukas? Wala kang klase diba?" pag-iiba niya ng usapan. "Bukas? Wala dito lang ako sa ba--" hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng maalala ang sinabi ni sir Castriel. "So may balak ka? Hindi mo tinapos ang sasabihin mo." Inalis ko sa isipan ko ang naalala ko. "Wala dito lang ako sa bahay. Bakit mo natanong?" "Gusto ko sanang lumabas tayo bukas. Treat ko." "Pass. Ikaw na lang." Sumimangot siya sa sinabi ko na lagi niyang ginagawa. Akala naman niya ang cute niya. "Sige na..." parang bata niyang sabi na ikinaamang ko kaunti. Nasabi ko na ba sa inyong may ganito siyang ugali? Ngayon alam niyo na. "'Wag mo akong daanin sa mga paganyan-ganyan mo." "Miriana naman..." Naramdaman kong dinidikit niya ang paa niya sa paa ko. More on papunta ang paa niya sa gitna ng legs ko kaya bago niya pa man matuloy ang balak niya, sinipa ko ito ng malakas. "Aray ko naman!" daing niya na hinimas himas ang kanyang paa. "Baka gusto mong lumpuhin ko 'yang paa mo?" Mas sumimangot siya at inirapan ako. "Ang sungit mo talaga," parang bata niyang sabi at pinagpatuloy ang pagkain. Napailing na lang ako't kumain na rin. Hindi naman siya maghihintay bukas doon diba? Epilogue "Pwedeng makikain ulit dito?" parang batang tanong ni Richard. Nakasandal pa ang ulo niya sa balikat ko dahil nandito kami sa sala. Gusto niya pa raw tumambay ng mas matagal. Kaya heto kami't nanonood ng cartoons. Oo cartoons, isa ito sa dahilan kaya kami magkasundo. Favorite kong pinapanood ang Grizzy and the Lemmings. Natutuwa kasi ako sa katangahang ginagawa nila. "Bahala ka. Basta sa susunod magdala ka ng pagkain, napapagod akong magluto." Kumuha ako ng chips na nasa harap lang namin. Nagdala rin siya ng naka-can na drinks pero siya lang ang umiinom. Umalis siya sa pagkakasandal sa'kin, ramdam ko ang pagtitig niya na hindi ko na pinansin pa. Naramdaman ko na lang na lumapit siya ulit sa'kin at sinandal ang baba niya sa balikat ko. "Paano kung meron naman na ang pagkain ko rito? Magdadala pa ba ako?" Siniksik nito ang kanyang mukha sa'king leeg kaya sa tuwing hihinga siya'y tumatama sa leeg ko. "Pagbilang ko ng tatlo at hindi ka pa lumalayo hi--" hindi na niya pinatapos ang aking sinasabi dahil mas mabilis pa siya sa kidlat kung lumayo. Tinignan ko siya habang may subo akong chips. "Subukan mo ulit Richard na maging ninja alam mo na ang mangyayari sa'yo." Isang ngiwi ang binigay niya. Tinuon na lang nito ang kanyang sarili sa harap ng t.v at uminom. Ninja 'yan. Mabilis kumilos pagdating sa kalokohan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD