5-Drunk

1956 Words
Tinignan ko ang orasan dito sa loob ng kwarto ko. Naka-recieve kasi ako ng chat mula sa kanya na sinasabing nandoon na siya. Pero kanina pa 'yun, mga around 2 PM, ngayon mag 9 PM na. "Umalis naman na siya siguro noh?" kagat labi kong bulong. Bakit ba iniisip ko kung nandoon pa siya? In the first place, wala naman akong balak sumipot kasi wala naman kaming dapat pag-usapan. Napatingin ako sa phone kong hawak ko lang ng mag-vibrate ito. Ewan ko ba pero mabilis ko itong binuksan at tinignan. "Kainis naman!" inis kong sabi ng mabasa ang chat niya. Mukhang wala na siya sa mall dahil ngayon nasa bar na siya. Mukha kasing hindi siya ang nag-chat dahil sa pakiusap na natanggap ko mula sa kanya. Laman kasi nito ang pakiusap na iuwi ko na raw siya kalakip ang picture na nakaubob ang mukha niya sa mesa. Sino naman kaya ang nangialam ng phone niya? "Ano namang ginagawa niya roon?" kunot noo kong tanong sa aking sarili. Malaki na siya para isipin ko pa at isa pa, lalaki siya kaya wala namang mangyayari sa kanyang masama roon. "Tama... matutulog na lang ako--kainis naman!" Tumayo ako sa pagkakaupo sa kama ko at dumiretso sa aparador para kumuha ng jacket. Pagsuot ko nito, pinalitan ko ang suot kong pajama ng jeans saka sinuot ang sapatos ko bago kunin ang wallet, phone at susi ng bahay. "Bakit kasi ako pa ang chinat niya?" nakasimangot kong sabi. Nang masiguro kong naka-lock ng maayos ang bahay. Pumara ako agad ng taxi na unang dumaan sa kalsada. "Sa Eclipse bar po," sabi ko sa taxi driver pagpasok ko pa lang. Tinanguan naman ako nito at pinaharurot na ang sasakyan papunta roon. Habang nakasakay ako, hindi ko maalis ang tingin ko sa phone na hawak ko. Nakakainis lang kasi nag-aalala ako sa taong hindi naman dapat alalahanin pa. "Magkano po?" tanong ko nang makarating kami sa labas ng bar. "145 pesos po." Naglabas ako ng pera mula sa wallet ko at inabot ito sa kanya. "Ahmm... manong pwede po bang pakihintay ako saglit dito? Kukunin ko lang po sa loob ang kaibigan ko," pakiusap ko na sinang-ayunan naman niya agad. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at mabilis akong lumabas ng taxi at pumasok sa loob. Pagpasok ko pa lang, hinanap na ng mata ko kung nasaan siya. Ilang lakad pa ang ginawa ko bago nahagip ng mata ko ang isang table kung saan may nakaupo roong isang lalaki. "Excuse," sabi ko habang dinadaanan ang mga taong pasali-sali sa daan. Pagdating ko sa mesa niya, sinilip ko ang itsura nito. Pulang pula ang pisngi niya habang nakapikit. "Ilang bote ba ang ininom nito?" bulong ko. "Kayo po ba si Ms. Miriana?" biglang sabi ng kung sino na ikinalingon ko sa kaliwa ko. Nakita ko ang isang waiter na may hawak-hawak na tray. "Ah... oo. Ikaw ba ang nag-chat sa'kin gamit ng account niya?" "Opo ma'am kayo lang po kasi ang paulit-ulit niyang tinatawag kaya kayo po ang kinontak ko." "Ah... ganun ba? Sige salamat. Pwede mo ba akong tulungang ilabas siya rito?" "Oo naman po sandali lang po." Umalis siya sa harapan ko dahil mukhang ibibigay niya ang laman ng tray na hawak-hawak niya. At kung saan? 'Yun ang hindi ko na alam. "Sir Castriel..." tawag ko rito na tinapik tapik siya ng mahina sa pisngi niya. Pero kahit anong tapik at tawag ko rito, mahimbing siyang natutulog. "Tulungan ko na po kayo ma'am," sabi ng waiter pagbalik nito. Binulsa ko muna sa suot kong jacket ang phone niya na nakalapag sa mesa bago simulang itayo ito sa pagkakaupo. Buti na lang at wala na masyadong pasali-sali sa daanan namin ng inilalabas namin siya sa bar. "Salamat. Ito para sa pagtulong na--" "Hindi na po ma'am, regular customer naman po namin si sir Castriel dito," pagtanggi niya ng bibigyan ko na sana siya ng pera. Regular? Iba rin ah, mukhang inaaraw araw ang pagpunta rito. "Sige. Salamat ulit." Nginitian niya ako bilang sagot kaya pumasok na ako sa loob taxi para umalis doon. "Saan po ang punta natin ngayon ma'am?" tanong ng taxi driver. Muntik pa akong mapatampal ng ma-realize na hindi ko alam ang address niya. Alanganin akong napatingin sa taxi driver bago sumagot. "Sa pinagsakyan ko po." 'Yan ang nagagawa ng pagkuha ng responsibility Miriana. Kainis! ▪▪▪ Pabagsak akong umupo sa sahig ng maihiga ko si sir sa sofa. "Dapat kasi natulog na ako," pagod kong sabi. Umupo muna ako ng ilang minuto bago napagdesisyunang tumayo para kumuha ng kumot. Hindi ako ganun kasama para iwan siya diyan sa sofa na walang kumot. Malamig din tuwing gabi rito, baka mamaya ako pa ang maging dahilan ng pagkakasakit niya. "Kung pwede lang alisin ang konsensya sa katawan, kanina ko pa ginawa," bulong ko ulit pagkakuha ko ng kumot. Pagbalik ko sa sala, mahimbing pa rin siyang natutulog kaya ako na ang nagbuklat ng kumot para ikumot sa kanya. Inayos ko rin ang pagkakahiga nito para naman hindi sumakit ang batok niya paggising. "Gaano ba karami ang ininom mo? Daig mo pang iniwan ng jowa." Napailing ako sa itsura niya, masyado siyang wasted. Dapat ba sinipot ko na lang siya kanina? Kaysa 'yung kinuha ko siya sa bar? Or mas maiging pinabayaan ko na lang siya? In the end? Mas nanguna pa rin ang konsensya. "Miriana?" antok na tawag niya na nagpalingon sa'kin sa mukha nito. Mapupungay ang mata nito at halatang inaantok pa. Sandaling tinignan ko ang wrist watch ko para tignan ang oras. Nagbabakasakaling maaga pa para maipahatid ko siya sa bahay niya. "Ikaw ba 'yan?" Napabuntong hininga ako ng makitang gabi na at wala na masyadong sasakyan sa labas. Para kasing nasa loob ako ng village at ang main gate or sabihin na lang nating entrance ay sinasara nila. Binubuksan lang nila 'yun in case may emergency or papasok na resident. "Dito na lang po muna kayo ngayong gabi dahil walang sasakyan na maghaha--" "Ikaw nga." Ngumiti siya na ikinatigil ko sa pagsasalita. Ewan ko kung lasing ba siya o ano. Pero isa lang ang alam ko, ayokong nakikitang nakangiti siya. Masyado itong maganda sa paningin. "Kung may kailangan po kayo, nasa kwarto lang ako," pag-iiwas kong saad bago mabilisang tumayo. I need to distance myself to him. Wala akong narinig mula sa kanya pagpasok ko ng kwarto. Napalakas pa ang pagsara ko rito dahil sa kaba na nararamdaman ko. Bakit ba tuwing nakakasama ko siya kinakabahan ako? Aish! Whatever... why would I even care? "Napakamalas ko talaga." Inalis ko muna ang suot kong jacket dahil naiinitan ako pero agad ding napahinto nang muntik ko ng mahulog ang mga nasa bulsa nito. Inalis ko muna ang laman nito na nilapag ko sa mesa bago tuluyang alisin dahil nga naiinitan ako. Hinanger ko ito at sinabit sa clothing rack na nasa gilid bago umupo sa kama. Wala akong klase bukas dahil linggo. Hindi ko alam kung dapat ko ba 'yong ikatuwa o hindi. Dahil mas gugustuhin ko pang pumasok kung nandito lang din siya sa bahay ko. Hihiga na sana ako ng mahagip ng mata ko ang phone niyang nilapag ko sa mesa. Para bang may nagtutulak sa'kin na tignan 'yun kaya in the end? Hawak-hawak ko na ito. "Bakit ko ulit hawak ito?" sabi ko sa sarili ko habang tinitignan ang kabuuan nito. Pinindot ko ang power button nito at ang unang bumungad sa'kin ay ang lockscreen niyang nakangiti siya ng sobra-sobra. Para siyang bata dahil sa maamo niyang mukha. May pagka-singkit ang mata niya, matangos na ilong, maputing balat dahil may dugo siyang korean, half-half kumbaga. Hindi man ganun kapula ang labi niya pero bumabagay ito sa hazelnut brown eyes niya na kapag tinitigan, maaakit ka talaga. Halata rin sa katawan niyang nagwo-work out siya. He's almost perfect but I know nobody in this world is perfect. Mabait siya at may magandang ng-- "Tama na," pagtitigil ko sa sarili ko sa sobrang pag-iisip. Binalik ko sa mesa ang phone niya saka humiga ng tuluyan para magtalukbong. Matutulog na lang ako. Tama... matutulog na lang ako para mabilis na lumipas ang oras. Aalis din naman siya rito bukas. ▪▪▪ Naalimpungatan ako ng maramdaman kong nauuhaw ako. Napatingin pa ako sa orasan dahil nakalimutan ko pa lang patayin ang ilaw. "Tulog naman siya siguro noh?" inaantok kong sabi. Sinuot ko muna ang tsinelas ko bago lumabas ng kwarto. Napakamot pa ako sa ulo ng pati ilaw sa sala ay hindi ko man lang napatay. Hindi ko na lang 'yon pinansin at dumiretso na sa kusina. Pagkakuha ko ng baso, kinuha ko ang pitsel na nasa mesa at nagsalin ng tubig sa baso. Mabilis kong ininom ang laman nun kaya naglakad din ako pabalik sa kwarto matapos kong maubos ang tubig. Pagdaan ko sa sala, nilingon ko si sir Castriel na mahimbing pa ring natutulog. Nahuhulog na ang kumot nito sa sahig kaya lumapit muna ako para ayusin ito. "Sir!" gulat kong sabi ng hawakan nito ang kamay ko. Unti-unti siyang nagmulat, and the next thing I know. Yakap-yakap na niya ako. Una kong naramdaman ay ang init na nagmumula sa kanya. Pati ang paghinga niya na tumatama sa balat ko ay napakainit na nagpapakaba sa'kin ng sobra-sobra. "Akala ko wala ka ng pakialam sa'kin..." bulong niya sa tenga ko na nagpahigpit ng yakap niya sa'kin. "Uhm... sir, pwede niyo na po akong bitawan," lakas loob kong sabi. Lumuwang ang pagkakayakap niya sa'kin kaya kinuha kong pagkakataon 'yon para lumayo sa kanya. Pero hindi pa ako ganoong nakakalayo ng hilain niya ako ulit. Sa pagkakataon na ito, napaupo na ako sa kanya. Mabilis ang pangyayari kaya hindi ko man lang namalayang nakaupo na pala siya sa sofa. At nasa ibabaw niya pa ako! Pinulupot niya ang dalawa niyang kamay sa bewang ko na nagpakabog pa lalo ng aking dibdib. Nakahawak ako sa balikat niya dahil sa paghila niya kanina sa'kin. "Akala ko hindi ka na darating," mahina niyang sabi kasunod ng paglapit ng mukha niya sa akin. "Si--" siniil niya ng halik ang labi ko kaya hindi ko na natapos ang gusto ko sanang sabihin. What am I gonna do?! Epilogue Author's POV. (Mall) Maagang dumating si Castriel sa sinabi nitong lugar kay Miriana. Kahit na hindi siya sigurado kung sisiputin ba siya nito'y maaga pa rin siyang dumating. May dala siyang isang palunpon ng bulaklak habang sa kabilang kamay nito ay hawak niya ang isang paper bag na may lamang tsokolate at isang medium size brown teddy bear. Pag-upo niya sa isang upuan, nilabas nito ang phone niya para i-chat si Miriana. Matapos nito ay hinintay niya ang reply ng dalaga. Kinakabahan siya na hindi alam kung ano ang dapat gawin para makumbinsi ang dalaga na makipagkita sa kanya. "Sana dumating ka..." kabado nitong bulong bago muling i-chat ang dalaga. Tanging seen lang ang nakikita nito na kanyang ikinalungkot kaunti. Ilang oras din siyang naghihintay, nakaupo lang sa upuan. Halos bilangin na niya lahat ng taong dumadaan dahil sa pag-asang baka isa sa mga taong dumadaan sa harap niya ay si Miriana. Naghintay pa muli siya ng isang oras hanggang sa nagdesisyon na itong tumayo. "Ah, Ms. sa'yo na lang ito," sabi nito sa unang kababaihang dumaan sa harap niya. Paglingon ng dalaga rito, agad namula ang kanyang pisngi. "Para saan ito?" pigil kilig niyang tanong. Tinignan lang siya ni Castriel ng blanko. Hindi na nagsalita pa ang binata at binigay ang bulaklak at paper bag. Napanganga ang babae sa nangyari na pinanood pang maglakad palayo si Castriel. 'I don't think I will have the opportunity to say my sincerest apologies.' Umalis si Castriel sa mall na 'yon na may bigat sa kanyang dibdib. Kaya naisip niya na lang na tumungo sa bar na malapit dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD