Chapter 57 - Heart

2865 Words

CHAPTER 57 - Heart MAS lalong kumabog ang dibdib ko sa takot nang bitiwan na ako ni Risk at malakas na isinarado ang pinto ng kwarto. Mabilis akong napaatras palayo sa kanya. "I know what you're doing, Haelynn!" sigaw niya na mas lalong nagpanginig ng mga tuhod ko. Huminga ako nang malalim habang pilit na ikinakalma ang sarili. "Wala naman akong ginagawa... ayaw ko lang magpakulong sa kwarto kaya—" "Sa tingin mo ay maniniwala ako sa 'yo?" Natahimik ako at napatitig na lang sa kanya. Ang pagiging kalmado niya nitong mga nakaraang araw ay biglang naglaho. Ibang-iba siya ngayon sa paningin ko. Pakiramdam ko ay may apoy na pumapalibot sa kanya dahilan para magbaga siya sa galit. "Ganito ba ang ginawa mo noon sa kakambal ko?" Nabakasan ng pagkagulo ang mukha ko sa narinig na tanong niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD