CHAPTER 56 - Reason HINDI na ako nabigla pa nang maingay na binitiwan ni Risk ang hawak niyang mga kubyertos nang makita ang pagpasok ko sa dining room. Pinunasan niya ang gilid ng labi gamit ang puting panyong nasa mga hita niya bago tumayo. Masama ang tingin niya sa akin bago lumipat kay Zen. "Why did you bring her here?" "Papakainin ko na sana." "Hindi siya rito dapat na kumakain, Zen." Sumulyap sa akin si Zen bago bumalik ang tingin kay Risk. "Ayaw niyang kumain sa kwarto niya. "Then, let her starve to death. Wala akong paki." Bumaba ang ulo ko sa naririnig na pag-uusap nila. "You're too kind to her, Zen." Narinig ko ang malalim na buntong hininga ni Zen. "I'm sorry." Nang biglang manahimik ang dalawa, dala ng kuryusidad ay muli na akong nag-angat ng tingin ngunit agad din

