CHAPTER 28 - Enjoy "ARE you ready?" Mabilis kong itinigil ang pagtingin sa sarili sa salamin at bumaling sa pintuan. Napalunok ako nang mapansing nakatayo roon si Domino at nakahilig pa. Hindi ko napansin ang presensiya niya dahil sa pagiging abala ko sa sarili. Bumuntong hininga ako at muling bumalik ang tingin sa salamin. Hindi ako sigurado sa suot kong black two piece. Pakiramdam ko ay hindi naman bagay sa akin. Tinulungan pa ako ni Xia sa pagpili nito nang mamili kami sa mall. Bumalik kay Domino ang mga mata ko nang marinig ko ang mga yabag niya. Isinara niya muna ang pinto bago nagtungo sa harapan ko. "What's wrong?" tanong niya nang mukhang napansing tila may mali sa akin. "Hindi ako sigurado sa suot ko. Parang hindi bagay sa akin." Sa sinabi ko ay pinasadahan niya ako ng ting

