CHAPTER 27 - Special HABANG nasa bangka kami ni Domino ay napag-usapan namin ang resort. Napag-alaman kong hindi pala ito ang unang beses na makapunta siya rito. Taon-taon sa tuwing kaarawan ni Hunter ay nsgpupunta silang magkakaibigan dito sa Batangas para mag-celebrate. Kaya hindi kataka-taka na pamilyar si Domino sa lugar. Alalay ako ni Domino habang bumababa ako ng bangka. Hawak-hawak ko naman ang laylayan ng bestida upang hindi ito mabasa. Nang makita ang lugar na pinagdalhan niya sa akin ay agad itong naging pamilyar sa akin. Isa ito sa mga napag-aralan namin ng kaibigan, ang Fortune Island. "Let's go?" anyaya ni Domino dahilan para makuha niya ang atensiyon ko. I smiled and gave my hand to him. Ngumiti siya at tinanggap 'yon. Magkahawak kami ng kamay ni Domino habang naglalakad

