Chapter 7 - Argument

2141 Words
CHAPTER 7 - Argument MASYADONG mabilis ang pangyayari. Nang sapakin ni Domino ang sariling kaibigan ay mabilis itong bumangon at sinubukang makaganti, pero bago pa man tumama ang kamao niya sa mukha ni Domino ay nasipa na siya nito sa tiyan. Kaya sa huli, bumagsak na naman ito sa lupa habang namimilipit sa sakit ng pagkakasipa sa kanya ni Domino. Tulala ako at hindi makaimik sa nangyari. Hindi ako makapaniwala habang pinagmamasdan ang nakahandusay na lalaki sa harapan ko. Dahil din sa nangyari ay nakakuha na kami ng atensiyon ng mga tao sa paligid, ngunit ni isa ay walang nangahas na lumapit o pigilan ang nangyayaring gulo. Tila ba takot silang kalabanin si Domino. Nang dahan-dahan kong ibinaling ang tingin kay Domino, naabutan ko siyang humuhugot ng mabibigat na hininga. Tila ikinakalma ang sarili. Nang tuluyang magtama ang tingin namin ay naging matalim ang mga mata niya. Nabigla na lang ako nang muli niya akong hawakan sa aking palapulsuhan at hinatak palayo. Parang bata akong nagpatangay sa kanya. Ni hindi ko na sinubukang umalma o magtanong kung saan niya ako dadalhin. Matapos ng mga nangyari, wala na rin talaga akong planong manatili pa sa party na 'yon. Ayaw kong saluhin ang kahihiyan sa nangyari. Tumigil siya sa paghila sa akin nang makarating na kami sa labas ng bahay kung saan nakaparada ang kotse niya. Nakilala ko agad ito dahil ilang beses ko na itong nakikita. Nang bitiwan na ako ni Domino, akala ko ay iiwan na niya ako. Pero nagkamali ako. Matalim niya akong pinagmasdan sa harapan niya na nagdulot sa akin ng matinding takot. "Nakita mo ba ang ginawa mo?" asik niya. Ang takot ko para sa kanya ay unti-unting napalitan ng pagtataka. "Anong ginawa ko?" "Kakukulit mo sa akin, nabastos ka na sa loob." "Sa tingin mo ba ay ginusto ko 'yon? I was so scared earlier! Even now, I'm still shaking because of what happened!" Naging sunod-sunod ang paghugot ko ng malalalim na hininga nang sabihin 'yon. Tila biglang nag-init ang ulo ko sa sinabi niya ngayon sa akin. "Kung tinigilan mo na lang kasi ako, hindi na 'to nangyari pa." "No, mali ka! Kung sa simula pa lang ay pinansin mo na ako, hindi ito mangyayari!" Pareho kaming nagsukatan ng matalim na tingin dahil sa sinabi ng bawat isa sa amin. Pero sa huli, siya ang unang nag-iwas ng tingin at marahas na bumuntong hininga. "I told you, you're not my type." "Are you blind? Can't you see that I changed myself for you? Tapos ngayon, sasabihin mong hindi mo pa rin ako type?" Sarkastiko siyang natawa sa sinabi ko at ibinalik na ang tingin sa akin. "Did I tell you to change yourself? Hindi, 'di ba? Kaya wala na akong paki kung para sa akin ang ginawa mong pagbabago." Umawang ang bibig ko sa narinig. Ngayon ay talagang napatunayan ko ang magaspang na pag-uugali ng lalaking ito. Kahit maliit na appreciation man lang ay hindi niya magawa. Umiwas ako ng tingin at puno ng sarkasmong natawa, pilit na hindi ipinapahalata na bahagya akong naapektuhan sa sinabi niya. "Sino ba kasing nagsabing sapakin mo ang kaibigan mo? Kung magkakaganito ka, sana ay hinayaan mo na lang ako." "Wow, kasalanan ko pang tinulungan kita? Anong gusto mo, hayaan kitang mabastos doon?" Tumango ako. "Oo, ano bang paki mo? 'Di ba, wala kang paki sa akin kasi hindi ako ang tipo mong babae?" "Kung wala akong paki sa 'yo, sa tingin mo ay sasapakin ko ang sarili kong kaibigan?" balik niyang tanong sa akin. Natigilan ako at napatitig sa kanya, pero kinalaunan ay pinilit ko ang matawa. Hindi ako naniniwala sa kanya! "Bakit ka magagalit sa kanya? E 'di ba, pareho lang naman kayong ganoon sa mga babae?" "What do you mean?" "Ganoon! Laruan lang ang tingin nyo sa babae, kaya binabastos-batos nyo na lang." Nagkaroon ng asar na ngiti ang labi niya. Hindi niya ako makapaniwalang pinagmasdan at iniling pa ang ulo. "I'm not like that asshole. Ako, kusang sumasama sa akin ang babae. Hindi ko sila kailangang pilitin. Kaya walang nangyayaring pang babastos." "Pero pareho lang kayo, mga gago!" giit ko pa rin. Natigilan ako nang mapansing kong humakbang siya palapit sa akin. Hinuli niya ang siko ko at inilapit sa kanya. Kahit tila mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin ay wala pa rin akong nararamdamang sakit. "Don't act like you know me. Mukha man akong gago at walang respeto sa mga babae, but I still have some respect for them. I'm not like what you think." After he said those words, he let go of me. Tiningnan niya pa ako ng masama bago tinalikuran. Tinungo niya ang kotse niya at sumakay na roon. Wala akong nagawa kundi ang tingnan na lang ang pag-alis ng kotse ni Domino. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako kumakalma. Pakiramdam ko ay sa akin niya isinisisi ang nangyari. I never want that to happen! Walang babaeng gugustuhing mabastos. Isa pa, bakit niya pa ako tinulungan kung galit din naman pala siya sa akin. Kung makatanggi pa siya akala mo ay hindi siya kagaya ng kaibigan niya. Natigilan ako sa pag-iisip nang tila bigla ko na lang muling narinig sa isipan ko ang huling sinabi ni Domino bago siya umalis. 'I'm not what you think.' That was what he said that keeps on bugging me. "Haelynn!" Napakurap-kurap ako at mabilis na nilingon ang pinanggalingan ng boses. Tumambad sa akin ang kaibigan kasama si Hunter. Bakas sa mukha ni Xia ang pag-aalala nang tuluyang makalapit sa akin. Sinuri niya pa ako ng tingin na tila inaalam kung nasaktan ba ako o hindi. "I heard what happened," aniya at malalim na bumuntong hininga. "Dapat nakisapak ka rin sa lalaking 'yon!" Napipilitan na lang akong ngumiti. Bakas na ngayon kay Xia ang matinding galit. Nawala lang ang atensiyon namin sa isa't isa nang mapansin ang presensiya ni Hunter. Bakas sa mukha niya ang matinding hiya. "I'm sorry for what happened. Masyado yatang nalasing ang kaibigan namin, pero kahit ganoon ay hindi sapat na dahilan 'yon para bastusin ka niya," ani Hunter na tila hiyang-hiya sa nangyari. Ngumiti ako at tumango. "Ako nga ang dapat mag-sorry sa 'yo, mukhang nagulo ko ang party mo." Mabilis siyang umiling. "No, you don't have to say sorry. Dahi kung kaharap kami ng ibang mga kaibigan ko nang mangyari 'yon, hindi lang si Domino ang bubugbog sa kaibigan naming nangbastos sa 'yo. Pati na rin kami." Bumakas ang pagkabigla at pagkagulo sa mukha ko nang sabihin niya 'yon. Kahit si Xia ay naging ganoon ang ekspresiyon sa mukha. Nang mapansin ni Hunter ang reaksiyon namin, nahihiya siyang humawak sa batok niya at awkward na tumawa. "Siguradong hindi kayo maniniwala sa sasabihin ko." Wala kaming naging imik ng kaibigan kaya nagpatuloy siya sa sinasabi. "Kaming magkakaibigan, kahit mukhang mga gago kami at babaero ay may respeto pa rin naman kami sa mga babae. Hindi namin sila binabastos o pinipilit sa mga bagay na ayaw nila, lalo na si Domino. Kaya sa tuwing may ganoon kaming kaibigan, napagpasyahan naming bubugbugin ito nang magtanda at tigilan na ang ganoong pag-uugali. Para bang naging rules namin 'yon lahat. Alam kasi ng bawat isa sa amin ang kahalagaan ng consent." Tuluyan na akong nawalan ng imik. Bumaba ang tingin ko sa sementadong lupa at tila biglang bumalik sa akin ang lahat ng sinabi ni Domino. Ang buong akala ko ay kaya lang niya 'yon sinabi ay para magmalinis, pero hindi ko inaasahang ganoon pala talaga ang pag-uugali niya. Nanggaling na ito mismo sa kaibigan niya. Isa pa... napatunayan kong may paki pala talaga siya sa akin. MABILIS kong iniligpit ang mga gamit nang marinig ang pagtunog ng bell. Nagbigay pa ng paalala ang professor tungkol sa mga gawain namin bago ito tuluyang nagpaalam at umalis na sa harapan namin. Isa-isa nang nagtayuan ang mga kaklase ko mula sa kinauupuan nila. Tumayo na rin ako at isinukbit sa isang balikat ang shoulder bag ko. "Mukhang masama ang mood mo ngayong araw," ani Xia na inaayos na rin ang gamit niya. Ilang segundo pa siyang nagtagal sa kinauupuan bago tumayo na rin. Hindi ko pinansin ang sinabi ng kaibigan at naglakad na palabas ng classroom. Mabilis naman siyang sumunod sa akin. "Iniisip mo pa rin ang nangyari kagabi?" pagdadaldal na naman ni Xia. Mukhang wala siyang planong tigilan ako. Marahas akong bumuntong hininga at tumango. Ewan ko ba kung bakit, pero hindi ako pinapatahimik ng mga nangyari kagabi. Paulit-ulit ko rin binabalikan ang naging sagutan namin ni Domino. I hate to admit this, but he was right. Hindi ko naman talaga siya kilala, pero heto ako at masyado siyang hinuhusgahan na tila sa buong buhay ko ay kasama ko na siya. Pero masisisi ko ba ang sarili ko? Sa tuwing magtatagpo ang landas namin ni Domino, puro ang magagaspang na ugali niya ang napapansin ko. Nangunguna na roon ang pagiging arogante niya at suplado. Walang preno ang bunganga niya at masyadong matalas ang dila. Madalas, lahat ng mga salitang lumalabas sa bibig niya ay nakakapanakit ng damdamin. Kaya sino ang mag-aakalang may kabutihang itinatago ang gagong 'yon? Tumigil ako sa paglalakad dahilan para matigilan din si Xia. Pinukol niya ako ng naguguluhang tingin. "Let's go to the ice cream shop," anyaya ko, walang buhay pa rin. Naguguluhan pa rin ang mukha niya nang itango ang ulo. "Okay?" Iniwas ko na ang tingin sa kaibigan at muli nang nagpatuloy sa paglalakad. At kahit na nangunguna ako kaysa sa kanya, ramdam ko pa rin ang pagtingin niya sa akin. Nang makarating kami ng kaibigan sa isang ice cream shop na malapit lang sa unibersidad, nag-order muna kami bago umukupa ng table para sa dalawang tao. Matapos nito, wala kaming pansinan at tila may sari-sariling mundo. Habang ako ay abala sa pagkain ng ice cream at pag-iisip ng kung ano-nao, si Xia naman ay nakikita kong nakatutok sa phone niya. Halos hindi niya maalis ang tingin dito. Dahil sa inaakto ng kaibigan, nakuha niya ang buong atensiyon ko. Kaya habang kumakain pa rin ng ice cream ay sa kanya na ako nakatutok. Kumunot ang noo ko nang makitang may ngiti ang sumilay sa labi niya, tila kinikilig. Ngunit nang matanto niya ang ginagawa ay mabilis siyang nagseryoso. "Why are you smiling like that?" tanong ko nang hindi na napigilan ang sarili. Mabilis na bumaling ang tingin sa akin ng kaibigan. Nakakunot ang noo niya nang iiling ang ulo. "Who's smiling? I'm not." Umikot ang mga mata ko sa ginawa niyang patanggi. "I saw it with my own eyes, Xia. You just smiled while you're busy with your phone." Natigilan siya sa sinabi ko. Mabilis niyang pinatay ang phone at inilapag ito sa lamesa. Ngayon ay umaakto na siyang kakaiba sa harapan ko. "May ka-text lang ako na kaibigan." Sumandal ako sa kinauupuan at humalukipkip. "Sino ang kaibigan na 'yan?" makahulugan kong tanong. Kadalasan sa mga bagay-bagay ay wala akong alam, pero malakas naman ako makakutob. Kaya tila alam ko na kung sino ang taong ka-text ni Xia, pero gusto ko pa rin ito marinig mismo sa kaibigan. Nahihiyang ngumiti si Xia sa harapan ko. "Si Hunter..." Tumamad ang mukha ko at napailing. I knew it. Malakas talaga ang pakiramdam ko sa dalawang ito. "Hindi kita pipigilan sa kung ano man namamagitan sa inyo, pero mag-ingat ka. Kalahi 'yan ni Domino," paalala ko sa kaibigan. Mahina siyang natawa sa sinabi ko. "Ikaw ang dapat mag-ingat, Haelynn. Mismong si Domino ang tina-target mo. Isang tingin pa lang sa kanya, alam mo nang mas matindi siya kaysa sa mga kaibigan nya." Hindi ko na sinubukang umalma sa sinabi niya, dahil kahit ako ay iyon din ang nakikita kay Domino. Parang may kakaibang bagay sa kanya, kaya kahit kasama niya ang mga kaibigan niya ay umaangat pa rin siya. Siya pa rin ang kapansin-pansin. "Nga pala, nasabi sa akin ni Hunter na nakausap na nila 'yong kaibigan nila na nangbastos sa 'yo. And he wants to say sorry to you." Bahagya akong nabigla sa narinig. "Talaga?" She nodded her head. "Mukhang may nangyaring away sa grupo nila. Nasabi kasi sa akin ni Hunter na bahagyang sumakit ang kamay niya." Tumaas ang isang kilay ko. "Parang napakarami naman ng sinasabi sa 'yo ni Hunter. Nire-report ba ang lahat ng galaw?" "Crazy." Pareho kaming natatawa nang bumalik na sa pagkain ng ice cream, pero nakuha ng nakalapag na phone ni Xia ang atensiyon namin nang tumunog ito. May nanunuksong ngiti ako sa labi nang panoorin ko si Xia na kinuha ang phone niya. Saglit niya itong tiningnan at nagtipa bago ibinalik ang atensiyon sa akin. Kumunot ang noo ko nang mapansing may kakaiba siyang ngiti sa labi. "Gusto mo bang puntahan ang Domino mo? Alam ko kung saan sila nakatambay ngayon." Ipinakita niya pa ang screen ng phone niya sa harapan ko habang nagtaas-baba ang kilay. Saglit akong natahimik at napaisip, pero kinalaunan ay tumango.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD