CHAPTER 32 - Reality I SMILED as I felt someone kissing me. Bakas pa sa akin ang pagkaantok nang magmulat ako ng mga mata. Mas lumawak ang ngiti sa labi ko nang mas pinaulanan pa ako ng mga halik ni Domino sa buong pagmumukha ko nang mapansing gising na. "Good morning," malambing niyang bati. Katulad ko ay nakarehistro sa mapula niyang labi ang isang matamis na ngiti. Nagsumiksik ako sa kanya. "Good morning too, handsome." It's our third day here in Batangas. At sa bawat umaga ng tatlong araw na 'yon, ganito ang palaging tagpo ang gumigising sa akin. Si Domino, papaulanan ako ng halik habang binabati ng magandng umaga. Hindi ko alam kung may mas gaganda pa ba sa umaga ko kung palaging ganito ang bubungad sa akin. Ang masama pa, baka hanap-hanapin ko na ito. Bumakas sa akin ang pagtata

