Prologue

1034 Words
AMARA: "Do you really wanna hear my opinion?" taas kilay na tanong ni Chloe, habang nakatingin sa akin gamit ang rear view mirror. Halos walang lakas na nakaupo ako sa backseat ng sasakyan ng boyfriend niyang si Landon na siyang nagmamaneho sa tabi niya sa front seat, hinihintay ang magiging opinyon niya. "You're not responsible for any of these, Amara. Naaksidente si Andre dahil lasing siya, hindi dahil nasaktan mo siya," aniya at nailing. Umiling ako at pumikit ng mariin nang makaramdam ako ng hilo dala ng alak na ininom ko kanina sa bar. Galing ako sa Cebu para sa project marketing na ipinaasikaso sa akin ng boss ko. Apat na araw ako roon at kaagad na dumiretso sa joined business ng magkarelasyon kong kaibigan. Wala naman akong balak uminom, ang kaso ay nadala ako sa usapan namin kanina. Masyado iyon mabigat at kinailangan ko ang tulong ng alak nang sa ganoon ay maisa-salita ko ang mga nilalaman ng dibdib ko. "Pero hindi siya iinom kung hindi dahil sa akin..." namamaos ang boses ko nang magawa kong magsalita. Pagmulat ng mga mata ko ay nakita ko kaagad na nakalingon na sa akin si Chloe, tila hindi nagustuhan ang sinabi ko. "Stop self blaming. Ihahatid ka na lang namin sa bahay mo." Umiling ako. "I told you, sa bahay ni Andre!" tutol ko. Gusto kong puntahan ang bahay ni Andre, gusto kong ipaalala nito sa akin kung bakit kailangan kong ituloy ang desisyon ko. Nagkatinginan silang dalawa. Tanging pag-iling na lang ni Chloe at buntong hininga ni Landon ang naging tugon nila. Makaraan ang ilang minuto ay huminto na nga ang sasakyan, at sa labas ng bintana ay nakita ko na nga ang bahay nina Andre. "Salamat sa paghatid," huling sabi ko bago lumabas ng sasakyan. Bumaba ang salamin sa bintana ni Landon at sinilip ako. "Kaya mo ba?" Tumango lang ako, kaagad na naabot ang pintuan bilang alalay sa sarili. Hindi sila umalis hangga't hindi ako nakapapasok nang matiwasay sa bahay. Ang akala ko ay kakailanganin ko pa ng susi, pero nagulat ako nang nakabukas na ito kaya madali akong nakapasok. Pagkasara ko ng pinto ay natigilan kaagad ako nang may nakita akong lalaking nakatagilid sa gawi ko. Nakatali ang kaniyang mahabang buhok na hanggang balikat. Mabilis na tumibok ang puso ko nang makilala ko iyon. Hindi makapaniwalang humakbang ako palapit kaya napalingon siya sa akin, gulat. "Andre..." Nangunot-noo siya at pinagmasdan ako. Nakaramdam ng init ang puso ko. Hindi ko alam kung dala lang ba ng alak ang nakikita ko, pero sigurado akong si Andre ang nasa harapan ko. Hindi pa ako ganoon kalasing para makabuo ng ganito ang imahinasyon ko. "Gising ka na," nangingiyak kong sambit. Umiling siya. "I'm sorr-" Hindi ko na siya pinatapos. Mabilis kong hinakbang ang distansya namin at hinagkan siya sa labi. Naramdaman ko ang paninigas niya, pero hindi nagtagal ay napahawak na siya sa may panga ko at hinalikan ako pabalik. Mabilis na nagbalik sa alaala ko ang mga nangyari. Halos isang buwan na ang nakalilipas nang aminin sa akin ni Andre, ng best friend ko ang tunay niyang pagtingin sa akin. Mahal ko si Andre, at ayokong mawala siya sa akin, pero hanggang magkaibigan lang ang kaya kong ibigay. Nang gabing iyon ay hindi ko tinanggap ang pag-ibig niya. Kinabukasan ay nalaman ko na lang na naglasing pala si Andre at naging sanhi ng kaniyang aksidente habang nagmamaneho. Ilang linggo na siyang walang malay dahil sa coma. Ang huling balita ko ay nakaratay pa siya sa hospital, bago ako umalis papuntang Cebu. Hindi ko akalain na nagising na pala siya... Pero bakit hindi nabanggit nina Chloe sa akin? Halos mapapikit ako nang mariin nang lumalim ang kaniyang halik. It isn't my first kiss, but this is my first time to be kiss like this. It was different. His lips were to soft, I can feel it on my lips. Unti-unting bumagal ang kaniyang halik hanggang sa binitiwan niya ang aking labi. Habol pa namin pareho ang hininga namin na tumatama sa paggitan namin, nang imulat ko ang aking mga mata. May kung ano akong naramdaman sa loob ko nang magtama ang aming mga mata. May kung ano sa mga mata niyang para bang ngayon ko lang nakita, ganoon pa man ay naghatid iyon ng kakaibang t***k ng aking puso na hindi ko maalalang ni minsan ay naramdaman ko sa kaniya. Hindi ko maintindihan, pero ito na ba ang sinasabi nila na 'malalaman mo lang ang halaga ng isang tao kapag nawala na ito sa 'yo? Kaya ba ganito na ang nararamdaman ko ngayong nasa harap ko na ulit siya at may malay? "You-" Umiling ako. "Inaya mo akong magpakasal bago ka maaksidente, hindi ba? I'm sorry kung nasaktan kita, I'm sorry for rejecting you, but Andre..." hinawakan ko siya sa may pisngi upang abutin ang paningin niya. He's taller than few weeks ago. "But now I'm willing to marry you. I will love you, no matter what happen." Umawang ang labi niya, para bang hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin. "Are you drunk?" Umiling ako. Nakainom man ako ngayong gabi pero ang desisyon kong ito ay napag-isipan ko noong nasa Cebu pa lang ako. Napagpasyahan kong ibibigay ko ang buong sarili ko sa kaniya pagkagising niya. Muli ay hinalikan ko siya. Ipinulupot ko ang mga braso ko sa balikat at batok niya. Para namang otomatikong niyakap niya ako sa aking baywang. Buong lakas ko siyang itinulak paupo sa mahabang sofa, at nang nagtagumpay ako ay umupo ako sa kandungan niya, hindi ipinaghihiwalay ang aming labi. "Oh, s**t! Lady, I can't stop myself," nagawa niyang masabi sa paggitan ng aming mga halik. Binitiwan niya ang labi ko at ipinagapang ang labi niya sa leeg ko. Napaungol ako dahil sa mainit niyang halik. Napasabunot pa ako sa kaniya nang kapain ng isa niyang kamay ang pang-upo ko. "My God, who are you?" bulong niya sa aking dibdib na kasalukuyan niyang hinahalikan kahit na nakapaggitan pa ang damit ko roon. Namula ako nang pakiramdam ko ay nalalakihan siya roon. Hindi iyon ganoon kalaki, pero maipagmamalaki. "Andre..." "Sshh!" nilagay niya ang isa niyang daliri sa labi ko. "Don't call me Andre..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD