Chapter 1: Mysterious Night

1338 Words
AMARA: Nagising ako sa ilang tapik sa balikat ko. Marahan lang iyon pero sapat na para magising ako. Nang imulat ko ang aking mga mata ay ang nag-aalalang mga mata ni Tita Celine ang sumalubong sa akin. "Diyos ko, akala ko kung ano nang nangyari sa 'yo. Bakit hindi mo sinabing darating ka?" para bang nakahinga siya nang maluwang nang magtagumpay siyang gisingin ako. Kahit nahihilo ay pinilit ko pa ring bumangon, at laking pasasalamat ko sa kamay niyang umalalay sa akin. Nang ilibot ko ang paningin ko ay kaagad kong nakita ang sofa, coffee table, TV at mga family frame na nakapatong sa kanilang pasemano. I'm still at their living room. "Biglaan lang po kasi ang dating ko," sagot ko at muli siyang binalingan. "Nasaan po si Andre?" Malungkot siyang ngumiti. "Siyempre, nasa ospital pa rin. Siguradong miss ka na niya." Tumagilid ang ulo ko. "Nandoon po uli siya?" Nangunot na ang noo ni Tita Celine at kaagad iyon napalitan ng pag-aalala. "Ayos ka lang ba, Hija? Paano naman uuwi si Andre, ang anak ko? Alam mo namang naka-coma pa siya. Kung nagising na siya ay sa iyo ko naman iyon unang ipaaalam." Naguguluhan na iniwas ko ang paningin ko, at pilit inalala ang mga nangyari. Hindi ako puwedeng magkamali, si Andre iyon! Pero paano kung wala pa siyang malay hanggang ngayon? Panaginip lang ba? Tiningnan ko ang sarili ko. I'm still wearing my clothes, but I still can feel his touch, his kisses. Is it possible to feel him from my dream? Halos manginig ang tuhod ko nang tumayo ako. Nakita ko naman si Tita Celine na sumunod ang tingin sa akin. Nandito siya, ibig sabihin ay maghahanap nanaman siya ng part time job niya. Ganito siya tuwing umaga, at sa gabi ay magbabantay siya sa anak niyang si Andre sa hospital. Walang regular na trabaho si Tita Celine, matanda na rin ito para makahanap pa ng trabaho. Hindi naman iyon problema dahil magmula nang makapagtapos ng pag-aaral si Andre ay ito na ang nagtrabaho para sa kanilang pamilya. Unfortunately kailangan niyang magtrabaho para mabayaran ang bills ng hospital. Tumutulong naman ako pero hindi ko kayang saluhin lahat iyon dahil may sarili rin akong gastusin. "I'm sorry po Tita, but I have to go," paalam ko. Tango pa lang ang isinasagot niya sa akin ay mabilis na akong lumabas. Saktong may nakahintong taxi sa harap ng kapit-bahay nina Tita. Nang makita kong paalis na iyon ay pinara ko kaagad at sumakay. Ibinigay ko kaagad ang direksyon ng Hospital kung nasaan si Andre. Pilit ko pa rin inaalala ang mga nangyari. I still can't believe that it was just a dream. Ramdam ko pa rin siya. It isn't just an imagination. I still can feel his touch all over my body. How is that even happened? Nagbayad kaagad ako sa driver pagkahinto namin sa harap ng hospital makalipas ang halos kalahating oras. Tinakbo ko ang pagpasok ko roon. Hindi ko pinansin ang mga nadadaanan kong nagtitinginan sa akin. Alam kong magulo pa ang buhok ko dahil hindi na ako nakapagsuklay. Buti na lang at kahit papaano ay diretso lang ang natural kong buhok. Kahit ang makeup ko ay siguradong kumupas na. Pero wala akong pakialam dahil gusto ko lang ay makita si Andre. Nang marating ko ang kaniyang silid ay huminga na muna ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili ko, nang sa ganoon ay tahimik akong makapasok doon. Nang buksan ko ang pinto ay kaagad kong narinig ang maliliit na tunog ng mga machine na nakakabit sa kaniya. Mabilis na kumirot ang puso ko nang makita kong nakaratay pa rin siya roon. Iba't ibang suwero ang nakakabit sa kamay niya at sa ulo, pati ang oxygen na nasaksak sa bibig niyang nakaawang. Napahikbi ako nang abutin ko ang kamay niya. Tulog siya pero wala akong makitang kapayapaan sa anyo niya. Para bang maging siya ay hirap na rin. Ang kasiyahan na bumalot sa akin nang makita ko siya kagabi ay parang biglang hangin na tinangay ng hangin. Napalitan iyon ng pangungulila at takot na baka hindi ko na siya makitang may malay. "Akala ko nasabi ko na sa 'yo, pero panaginip lang pala," bulong ko. Hinaplos ko ang buhok niya, na kaagad nakapagpakunot-noo sa akin, nang maalala ko ang imahe niya kagabi. Hindi nga mahaba ang buhok niya... Bakit hindi ko kaagad iyon naisip? Napabitiw ako sa kaniya at umiling-iling. Pilit kong inisip ang nangyari kagabi, pero kahit anong isip ko ay mukha talaga ni Andre ang nasa alaala ko. "I'm not gonna take this chance, so you won't have to regret this night when you wakeup..." Sa halip na maisip kung sino ang nakasama ko kagabi ay isa pang alaala ang bumalik sa akin. Nang bitinin niya ang aming halikan at inihiga ako sa sofa, inehele niya ako sa kaniyang dibdib. Is he real? Pero bakit mukha ni Andre ang nakikita ko? Dahil sa gulong umiikot sa isipan ko ay dumiretso ako sa condo nina Chloe. Alas otso lang nang ihatid nila ako sa bahay ni Andre, at ang sabi nila ay didiretso sila ng uwi at iniwan ang kapatid ni Landon para magbantay sa bar. Kaya naman alam kong hindi sila puyat. Good thing ay gising na nga sila nang dumating ako, at bukas taingang nakinig sa akin. "Kung alam ko lang ay hindi ako pumayag na iwan ka namin," mukhang nanggigigil na sabi ni Landon. Naihilamos ko lang ang palad ko sa mukha ko. Ayaw nilang maniwala na panaginip lang ang nangyari, pinipilit nilang may ibang lalaki akong naka-makeout, at sinamantala ang pagiging lasing ko. "Imposible! Kung talagang ibang tao iyon, bakit si Andre ang nakikita ko?" Umirap si Chloe. "E, mas imposible na panaginip lang iyon? Or else naka-lucid dream mo si Andre?" "Baka dala ng kalasingan kaya si Andre ang nakita mo kagabi?" opinyon pa ni Landon. Napailing ako. "Alam ninyong hindi ganoon karami ang ininom ko, hindi ba?" "But still, mas imposible na panaginip lang iyon. Try to think more, pilitin mong ibalik ang alaala mo-" "Wala akong nakakalimutan, okay! Lahat naaalala ko pa," halos manlumo ako sa katotohanang iyon. Kahit gusto kong isipin na lasing lang ako kaya ko ginawa iyon, hindi! Alam kong nasa wisyo ako nang mga oras na iyon. Ang hindi ko maintindihan ay kung paano nangyari iyon! "This is bullsh*t! Doppelganger man o imahinasyon man na si Andre ang kasama mo kagabi, we have to make sure," sabi ni Landon at kaagad na tumayo. Mabilis naman siyang pinigilan ni Chloe sa braso sa may nangungusap na mga mata. "I'll call an IT, we have to see their CCTV footage at that place." Hindi pa ako nakakapagsalita ay iniwanan na nga kami ni Landon sa living room at pumasok sa kanilang kuwarto. Pumangalong-baba si Chloe. "You know that we can't stop him, right?" Tiningnan ko siya at napabuntong-hininga. She's right. Hindi ko nasisisi si Landon. Kaibigan at barkada na kami mula high school, at mula pa noon ay over-protective na siya sa akin, kahit kay Chloe noong hindi pa sila magkarelasyon. Hindi ko siya masisi kung nanggagalaiti siya ngayon sa lalaking nanamantala ng kalasingan ko kagabi... But did he? Ni hindi ko nga alam kung panaginip lang ba ito o kung totoo? Andre is still laying on his bed, and that guy isn't blurred. I know he's Andre. Naguguluhan na naihagod ko ang buhok ko pataas. "I hope it was just a dream..." "I'm afraid it's not," sabi niya sa gulat na tono. Napatingin ako sa kaniya. "Why?" "Because a dream won't left a mark," sabi niya, titig na titig sa leeg ko. Napahawak ako roon at napatayo upang tingnan ang sarili ko sa kanilang human size na salamin. Laglag ang pangang napatitig din ako sa leeg ko, may marka ito ng halik. "Oh my God..." "He's real!" siya na ang tumapos ng sinasabi ko. Nanlulumo na tiningnan ko siya. So... I really kissed a stranger, and let him touch and kiss me...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD