Chapter 2: Andre's Face

1434 Words
AMARA: Tahimik akong nakaupo sa swivelling chair habang kinakapa ang ibaba ng leeg ko kung saan nakamarka ang halik ng hindi ko kilalang lalaki. Kahit hindi ko iyon nakikita at nakatago sa turtle neck na suot ko ay tila alam ko pa rin kung saan ito kakapain. Kahit kahapon nang umuwi ako galing sa condo nina Chloe ay hindi na ako mapakali, feeling ko pinagsamantalahan ako, although it was just a kiss and few touch... Still I can't remember who is he. Unfortunately I'm the one who insisted to kissed him, and its crazy! Bukod sa kaalaman na nakipaghalikan ako sa hindi ko kilalang lalaki, hindi pa ako mapakali mula kahapon dahil hindi ko alam kung paano ko itatago ang kiss mark na 'to sa kuya ko. Kahit 25 na ako ay sobrang higpit pa rin niya sa akin, isama pa ang bunso namin na mas matanda ako pero daig pa si Kuya Flo kung magpaka-Kuya. Siguradong malilintikan ako sa kanila kapag nalaman nila ang nangyari. Not so good influence to our baby brother. "Ms. Sanchez, pinahanga mo talaga ako nang makuha mo ang oo ng Villenueva..." Sa ngayon ay hinihintay ko pa rin ang tawag ni Landon tungkol sa IT na kinausap niya kahapon. Ang sabi niya ay kailangan pa raw nilang ihingi ng permiso ang kagustuhan na makita ang CCTV footage sa Village nina Tita Celine. Gusto ko sanang awatin si Landon nang sa ganoon ay hindi niya na ako problemahin, pero gusto ko rin kasing malaman kung sino ang lalaking iyon. Tinanong ko kahapon kay Tita Celine via phone call kung bukod sa akin ay may nakapapasok pa ba sa bahay nila, pero ang sabi niya ay wala na. Ako lang ang binigyan niya ng spare key dahil ako ang tumutulong sa kaniya sa pag-aasikaso sa anak niya. Hindi ko naman siya matanong nang diretso dahil hindi ko alam kung paano. Mas mabuti na siguro ang way na naisip ni Landon. "Amara Sanchez!" Napatingin ako sa TL namin nang kumatok ito sa long wooden table na nasa harapan namin. Sa sobrang pagka-okupado ng utak ko ay halos nawala na sa isip ko na ipinatawag nga pala ako ng supervisor namin para mailahad ko ang napag-usapan namin at kung ano ang nangyari sa meering namin ng Villenueva. Ang Villenueva ay isang kompanya na gumagawa ng mga iba't ibang model ng new brand gadgets, at ako ang pinapunta nila roon upang mag-offer ng partnership para ang publishing company namin ang mag-publish ng kanilang magazine features. Kumurap-kurap ako at napatuwid ng upo. "Sorry po, Sir." "Is there any problem?" tanong ng aming Chief in Editor na mabilis kong inilingan. "Sorry po, jetlag lang po," pagdadahilan ko kahit na hindi naman ganoon kahaba ang byahe ko noong isang araw. Nakuha ko pa ngang mag-bar. Bumaling ako sa TL ng marketing nang magsalita ito. "Kaya nga hindi ka na pinapasok kahapon, e." Humingi na lang uli ako ng paumanhin at pilit ibinalik ang focus ko sa trabaho. Hindi ko puwedeng hayaan na pestehen ng alaalang iyon ang trabaho ko. Kailangan ko siyang iwaksi sa utak ko. Matapos kong ilahad lahat ng naging do and dos ng Villenueva, at ang mga kailangan namin ilagay sa contract ay ni-dismissed na rin ang meeting. Kaagad na bumalik ako sa aking upuan at napabuntong-hininga. Sakto namang ring ng cellphone ko. Nagmamadali tuloy na naisagot ko iyon bago pa marinig ng TL namin. Pasimple kong ikinabit sa tainga ko ang headset at sinaksak ko sa cellphone ko. Si Landon iyon, ang kanina ko pa hinihintay. "What's the news?" bungad ko sa mahinang boses, lumilinga-linga pa ako para tingnan kung paparating ang TL. "Bad news," may buntong-hininga niyang sabi na nakapagpakunot-noo sa akin. "Bakit? Hindi pumayag na makita ninyo ang CCTV?" "Worst," anito. "Pumayag naman, at nakita naman namin. But somehow, mukhang na-hack ang CCTV." "What?" bulalas ko, pinipigilan na laksan ang aking boses. "Base sa monitor ay walang nangyayari, it was peaceful, at maging ako ay inakala kong iyon nga iyon, but then I realised na kahit ang pagdating natin sa village ay wala sa footage. We started at 7:00 PM, at sigurado ako na around 8:30PM ka namin hinatid, pero umabot na kami ng alas onse ay wala pa rin talaga tayo sa footage. Ang sabi ng IT na kasama ko ay mukhang na-hack daw, at para hindi mapansin ay inilagay nila sa monitor ang isang footage ng village na maaring nangyari sa ibang oras," mahaba niyang paliwanag. Halos nagulo ko ang buhok ko kaya kumawala ang bangs kong nakasama sa half knotted kong buhok. "Paanong nangyari 'yon? Is that a coincidence? Talagang na-hack nang mga oras na 'yon? Nang makita ko si Andre na gising na gising?" halos mabiyak ang boses ko sa pagka-frustrated ko. May nanloloko ba sa akin? Pinaglalaruan ba ako? Ano bang nangyayari? "Hey, Amara, relax. Don't worry, I'm not gonna stop till I get the answer," dama ko ang panic at pag-aalala sa boses ni Landon. Huminga ako nang malalim upang pakalmahin ang sarili ko. "No, you don't have to do anything. Let it go." "No! That guy-" "Please!" pakiusap ko. "Just let this go," tanging nasabi ko na lang at pinatay na ang tawag. Pumikit ako upang pakalmahin ang sarili ko. Sa ilang oras ay pinilit kong ibalik ang composure ko, kahit gustong-gusto kong sumabog sa pagkairita at sakit sa dibdib kong hindi ko na alam kung saan nanggagaling. Nang matapos ang office hour ay mabilis akong nagligpit at umalis. Sinubukan pa akong pigilan ng ilan kong katrabaho na nakapansin sa pagkaaligaga ko, pero nangako akong bukas ko sila haharapin at pilit na kumawala sa kanila. Dumiretso ako sa ospital at nagtungo sa kuwarto ni Andre. Walang tao roon, tanging ang tunog lang ng machine ang ingay. Mabibigat ang mga hakbang na nilapitan ko siya, at halos dumausdos ako paupo sa malapit na silya. Hindi ko na napigilan ang mapaiyak kaya yumukyok na ako sa kamay niya. Siguro kung gising siya ay hinahaplos niya na ngayon ang ulo ko para tumahan. Best friend ng mommy ko si Tita Celine, kaya naman bata pa lang ako ay kilala ko na siya. Si Andre ang naging best friend ko mula bata ako, kahit na mas matanda siya sa akin ng ilang taon ay hindi naging dahilan iyon upang malayo ang loob namin sa isa't isa. He was always been there for me, he never left me, he never let me to get hurt... But now I'm hurting, because he's not here. "Andre, gumising ka na, please. Kailangan kita..." bulong ko kahit alam kong hindi na ako maintindihan kakaiyak ko. "Sorry kung ang kapal-kapal ng mukha ko para hingin ang presensya mo, samantalang sinaktan lang naman kita at binigo. Pero alam mo namang mahal din kita, hindi ba? Mahal kita sa paraang alam ko..." Iniangat ko ang mukha ko nang matingnan siyang mabuti sa kaniyang mukha. Hinaplos ko ang pisngi niya habang hawak ko ang isa niyang kamay. "Miss na miss kita, at natatakot akong dumating ang araw na hindi ko na maalala ang boses mo, ang tawa mo. Natatakot akong dumating pa ang ilang okasyon na kailangan iyon matapos nang wala ka." Inilagay ko sa labi ko ang kamay niya, tuloy pa rin ang aking hikbi. "Bumalik ka na sa akin, sa amin. Papayag na akong magpakasal sa 'yo... Gumising ka lang." Ilang minuto akong nakatitig sa kaniya, hinihintay at hinihiling na igalaw niya manlang ang mga daliri niya, pero wala. Tahimik na lang akong napaiyak doon. Bahagya lang akong natigilan nang maramdaman ko ang pagbukas ng pinto. Mabilis akong dinaluhan ni Tita Celine at iniangat ang mukha ko patungo sa kaniya. "Hija, bakit ka umiiyak?" Umiling ako at mariin na pinunasan ang luha ko. Maski ako ay hindi ko na maalala kung saan nanggaling ang emosyong bigla-bigla na lang sumasakop sa buong sistema ko. "Nami-miss ko lang po si Andre..." Nakita ko ang pangingilid ng luha ni Tita Celine. "Naiintindihan kita, kasi miss na miss ko na rin siya." "He's lucky, then..." Gulat na napatingin ako sa may amba ng pinto, kung saan may biglang nagsalita. Boses na sobrang pamilyar sa akin. "Shaq," ani Tita Celine na parang hindi naman nagulat. Samantalang ako ay halos mapatulala at napatayo nang makilala ko ang lalaki. Mahaba at nakalugay ang kulay tsokolate nitong buhok na hanggang balikat. Matangkad na siyang bumabagay sa matipuno nitong katawan na hapit sa long sleeve shirt nito. He... He has Andre's face. "Amara, siya si Shaqkobe, kakambal ni Andre."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD