Chapter 26: Please

1753 Words

AMARA: Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nakatanga sa ceiling. Magmula nang iwan ako ni Shaq at hinayaang makapagpahinga ay naging malalim na ang pag-iisip ko, para bang ayaw magproseso sa utak ko ng mga sinabi ni Shaq. So gusto niyang magkaanak at si Jennie ang handang magbigay sa kaniya niyon? Wala silang relasyon pero balak nilang magkaanak? Bakit? Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang ganoon ang setup nila, pero hindi ko naman makuhang magtanong. Hindi ko sigurado kung puwede akong magtanong. Malalim na ang gabi. Pagod ako pero hindi ako makatulog kahit gusto ko nang magpahinga. Parang gusto kong itaktak ang ulo ko sa sobrang dami ng laman. Ang napag-usapan lang naman namin ni Shaq ang iniisip ko pero parang punong-puno ito. Napipilitang bumangon na ako. Baka kailang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD