AMARA: Isang linggo ang lumipas ay nabayaran na nga ang mga dapat bayaran na damage. Nakipag-areglo na ang pamilya ng mga nadamay sa aksidente, although mukhang masama pa rin ang loob ng ginang na naka-encounter namin sa restaurant noon pero tinanggap niya na ang pakikipag-areglo namin. Panay ang pasasalamat ko kay Attorney Zai dahil sa serbisyo niya. Mabait siya at marespeto, at mukhang alam na alam ang ginagawa niya, matalino. Kung katulad niya lahat ng nasa YA's ay hindi na ako mag-aalala sa kapatid ko, dahil palagi niya sa akin sinasabi na someday kapag agent na nga si Jackson ay sisiguruhin niyang mapupunta ito sa mabuting kamay. Gusto niya ay under sa kaniya si Jackson. Sa loob ng isang linggo ay naging kaibigan ko na rin si Zai, although hindi ako nagtatanong, o wala akong alam t

