AMARA: Mula kay Shaq ay nalipat ang tingin ko kay Tita nang gumalaw siya. Tumikhim si Shaq nang tuluyang magising si Tita at napabangon nang makita si Shaq. Halata ang gulat sa mga mata niya at nagawa pang maggusot ng mga mata na para bang sinisiguro kung tama ba ang nakikita niya. Hindi ko masisisi si Tita Celine. Kahit ako ay hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayong nandito siya. Alam kong kailangan kong umakto ng normal, pero hindi ko alam kung paano. "Shaq? Nandito ka!" gulat pa rin si Tita at tumayo para yakapin ang anak. Nag-iwas ako ng tingin. Siyempre ako lang naman ang galit sa bigla niyang pagkawala, para kay Tita ay walang kaso iyon. "Uh," narinig kong daing ni Shaq at bahagyang inilayo sa kaniya ang ina. Mukha naman biglang natauhan si Tita kaya siya na ang lumayo.

