Chapter 06

1815 Words
CZARINA NAALIMPUNGATAN ako nang maramdamang may yumuyugyog sa balikat ko. Pagmulat ko ng mga mata ay agad ko ring naipikit iyon nang tumama sa mukha ko ang liwanag ng araw. Napangiwi ako nang sunod namang maramdamang may kumurot sa aking tagiliran. "Gumising ka na. Tanghali na!" Nang marinig ang boses ni nanay ay parang binuhusan ako ng malamig na tubig at kagyat na bumalikwas ng bangon. Nasapo ko ang ulo na bigla na lang ding sumakit. Hindi ko na halos matandaan kung anong oras ako nakatulog kagabi, pero ang tanging natatandaan ko ay pabangon-bangon ako sa kama hindi ako dalaw-dalawin ng antok. "Aray naman, 'nay. Wala naman akong pasok ngayon." Sabado iyon pagkakaalam ko. Wala kaming Saturday class sa school. "Miski na! Wala ka sa bahay at hindi ka na dalaga ngayon kaya masanay ka nang gumising palagi nang maaga kahit walang pasok." Wala akong nagawa kung hindi tuluyan nang umahon sa kama. Oo nga pala. Hindi na ako ang dating Czarina na malaya. May asawa na nga pala at nag buwan na rin kaming kasal. Nag-inat-inat ako ng katawan bago dumeretso ng banyo para maghilamos at toothbrush. Paglabas ko ay naroon pa rin si nanay sa kuwarto ko at kasalukuyang inaayos ang pinaghigaan ko. "Good morning, 'nay." Lumapit ako rito at niyakap ito mula sa likuran. Kahit nagtampo talaga ako rito noong nakaraan ay hindi ko pa rin magawang magalit dito. She's still my momat hinding-hindi ko makakalimutan ang lahat ng sakripisyo at pagmamahal nito sa amin ni Patricia mula pa nang mga bata kami. Even if she was alone, hindi kami nakulangan sa kalingang ipinaramdam nito sa amin. "Good morning ka diyan. Bilis na't mag-ayos ka na ng sarili mo. Mag-aalmusal na kayo." Bigla ang pagbangon ng kaba sa dibdib ko nang maalala ang mga nangyari kinagabihan lang. I had met the only son of my husband na sobrang nakakainis at antipatiko. Isang buwan daw nito planong mamalagi roon but Richard wished for him to stay a little longer because they had a lot of catching up to do. At iyon nga pala ang ikinapapraning ko at ikinahirap katulugan kagabi. I was thinking of the nightmare that annoying man might bring upon me. "Dalhan mo na lang kaya ako ng breakfast dito, 'nay. M-Medyo masakit ang mga paa ko." "Magtigil ka!" Pinanlakihan ako ng mga mata ni nanay. Obvious na hindi binibili ang palusot ko. "Bilisan mo na't kanina pa sila naghihintay. Alas-otso y media na, nakakahiya kang bata. Nariyan pa naman ang anak ni Richard." Iyon nga ang talagang gusto kong iwasan. Noong wala naman ito ay wala akong ikinaiilang pagbaba uwing umaga. Richard and I would casually have a breakfast together na parang border lang na magkasama sa iisang bubong. Pagkatapos kong kumain ay aakyat na akong muli sa aking silid kapag walang pasok at doon magpapalipas ng oras hanggang sa magtanghali na at kailangan na naman naming kumain. Ganoon ang routine hanggang sa dumating ang gabi at magdi-dinner na kami. Kung minsan naman, nagpapaalam ako kay Richard na kung puwede ay umuwi ako ng bahay. Pumapayag naman ito ngunit dalawang beses ko lamang iyong nagawa dahil si nanay naman ang kumokontra sa akin. Pinauuwi ako agad. May kasama pang panenermon. Makisama lang daw ako sa asawa ko, iyon ang palagi nitong sinasabi. Palagi nitong pinagdudulan sa isip ko ang utang-na-loob namin kay Richard. Kahit asawa ko na ang amo nito, pinipilit pa rin ni nanay na manilbihan sa mansyon. Hindi ko alam kung dahil nahihiya ito o dahil sadyang binabantayan ako Tuwing umaga lang ito nagpupunta roon. Sa gabi, alas singko, minsan alas-sais ito umaalis ng mansyon. "Hay..." Napabuntong-hininga na lang ako saka walang siglang kumilos para magbihis. Pinili kong hindi na lang magsalita dahil batid kong wala rin namang patutunguhan. Isang puting blouse at maong short ang pinili kong suutin. "May sinabi pa si Travis sa akin tungkol sa 'yo." Natigilan ako. Sumbungero talaga ang isang 'yon. "N-Nagpaalam naman ako kay Richard. S-Saka malay ko ba na darating pala 'yon?" "Makitungo ka nang maayos sa anak ni Richard. Matagal niyang hinintay na bumalik 'yon." Wala itong sinabi tungkol sa pag-iinom at amoy-sigarilyo ko, mukhang hindi naman ako isinumbong nang buo ng lalaking 'yon. "Tara na," pag-iiba ko ng usapan. Sinuklay ko lang ang buhok ko at hinayaan iyong nakalugay. Medyo mahaba iyon. Lagpas balikat. Medyo humaba na rin ang bangs na pinalagay ko three months ago kaya iniipit ko na lang sa magkabilang gilid. Wala akong inilagay na miski ano sa mukha. 'Pag aalis lang at papunta sa school ako naglalagay ng liptint. Isa pa wala naman akong pagagandahan doon dahil wala naman doon ang crush ko. Crush ko na habangbuhay ko na lang sigurong magiging crush. Schoolmate ko. "Mauna ka na. Marami pa akong gagawin dito." Sinisimulan nang i-vacuum ng nanay ang sahig ng kuwarto. "Sige po." Lumabas na ako. . . . . . TRAVIS "SO KUMUSTA naman ang buhay mo sa America, iho? I've been trying to communicate with you. Ilang beses akong nagtungo roon para makipagkita sa 'yo but you kept on avoiding me. There were a lot of things I wanted to tell you. Alam kong galit na galit ka sa akin at ako pa ang sinisisi mo sa nangyari sa mommy mo. I wanted to apologize for everything at makabawi pero palagi mo akong nire-reject kapag naroon na ako." "Because what you did was unforgivable," walang emosyong sagot ko. Naubos ko nang lahat ang laman ng tasa ng kape ay hindi pa rin kami nagsisimulang kumain. Naiinip na ako. Pinagigising pa raw kasi nito ang 'mahal' nitong asawa para tatlo kaming sabay-sabay na magbe-breakfast doon sa garden. Pero halos kalahating oras na ang lumilipas ay hindi pa rin bumababa ang feeling 'prinsesa' na iyon. "But I really regretted everything. Humingi naman ako ng tawad sa mommy mo bago siya nawala. At napatawad niya ako." "But not me," matigas na sabi ko. "Kahit lumuhod ka sa harapan ko at lumuha ng dugo, hindi kita patatawarin. You killed my mom. You were the reason why she fell ill. The reason of her sudden death." During his prime, daddy had a lot of affairs. Alam ko 'yon dahil hindi lang iisang beses ko itong nakita. Una ko itong nakita when I was in highschool. In a restaurant, may kasama itong babae na niregaluhan pa nito ng alahas. Nang sundan ko ang kotse nito ay sa isang hotel nagtungo ang mga ito. Kaya pala minsan nakikita kong tulala at namumugto ang mga mata ni mommy. Maybe she was already aware of my father's doing pero pinili lang kimkimin ang sama ng loob. Then when I was already in college. Sa Manila ako nag-aaral noon dahil doon may mas magaganda at medyo advanced ang turo sa kolehiyo. Graduating na ako noon and I took my OJT doon mismo sa kompanyang pag-aari ng daddy. Katatapos lang ng duty and I was privileged to rest and even sleep in that penthouse. But even before I reached the living area ay naririnig ko na ito at ang halinghing ng babaeng kasama. I saw it right in my very eyes how he was making out with his young secretary. Na balak ko pa naman sana noong ligawan. That's when I started confronting my mommy if she knew everything. And she admitted it. Hindi lang ito nagko-complain kay daddy dahil takot daw itong iwan nito. Because dammit, she loved this maniac very much. "I've been blaming myself too. I know my mistakes. Kaya sana ngayon, pagbigyan mo akong makabawi sa 'yo." But even if he looked sincere, hindi ko pa rin makapa ang lambot sa puso ko para rito. Mommy fell ill, unti-unting nilamon ng depresyon ang sistema nito. Humina ang resistensya nito until she was diagnosed of breast cancer. Ang sabi ng doctor, she could have acquired it by taking a lot of those antidepressant pills. She refused to undergo chemotherapies. She refused to take her meds. Hanggang sa mas lalong lumala ang sakit nito. It was too late when I had finally, successfully, convinced her na magpagamot. We went America para doon siya magpagamot. Pero ang katawan na nito mismo ang umayaw sa mahabang gamutan. She passed away after two years of battling. Eight years ago. "You ruined my mother's life. Kung hindi mo pala kayang maging tapat sa kaniya, hindi mo na lang dapat siya pinakasalan." Tumungo ito. "But believe me, I loved her." Natawa ako. "Love? So that is your way of showing her you love?" Kahit ako ay hindi na rin naniniwala sa salitang 'yon. Noong unang panahon na lang yata talaga iyon nag-e-exist. At hindi ngayon, not even for the last ten to twenty years. Buwisit na inilapag ko ang wala nang lamang tasa ng kape sa lamesa. "Damn! Where is your so called 'wife'?" Ayoko nang patagalin ang pag-uusap na iyon. Akmang tatayo na ako para ako na mismo ang kumaladkad sa paimportanteng babaeng iyon nang saktong lumabas na ito mula sa maindoor. Simple lang ang ayos nito, bare face with no trace of makeup; a white rounded-neck blouse na naka-tuck in sa maong short nito, giving satisfaction to the eyes of the beholder upang mapagmasdan ang bilugan pero katamtaman lang na laking mga dibdib, maliit na beywang at may pagkalapad na balakang. For me, she was petite even if she heighs at least 5'3''. She had well-shaped legs. Hindi sobrang puti, pero hindi rin naman matatawag na morena. She looked like a teenager, but I know she was twenty, innocent and untouched but nowadays, looks can be deceiving. Hindi lahat ng may mukhang inosente at maamo ay totoong inosente at mahinhin. Example na ang babaeng ito. Sinong matinong bata ang papatol sa isang singkwenta anyos na lalaki? Malamang kung hindi lang talaga sa pera ng aking ama. "Good morning, Czarina!" Tumayo pa talaga ang matanda para salubungin ang asawa nito. My daddy looked youthful I must admit. Bukod sa alam kong alaga nito ang sarili, I think I know other reasons. Because even at his age, his sexlife was still active and doing fine. And it was all because of this slut in front of us. "Good morning din." At talagang hindi ito nahihiyang bumeso sa aking ama. Well, magtataka pa ba ako? At night, for sure, iba't ibang posisyon pa nga ang ginagawa ng mga ito. "Let's eat. What took you so long? Napuyat ka ba kagabi?" Pinaghila pa ito ng daddy upuan sa tabi nito. Tumango-tango ang babae. "Oo eh. I'm sorry kung medyo tinanghali ako ng gising." "It's okay. Wala namang pasok ngayon." The woman intentionally did not throw attention in me. Parang hindi ako nag-e-exist sa harapan nito. Bagay na lalong ikinainit ng ulo ko. "O, Travis? You're done already?" takang sita ng daddy sa akin nang makita akong tumayo. Mariin kong pinunasan ng table napkin ang bibig. "Kayo na lang. Nawalan na ako ng ganang kumain." Saka ako nagmamadaling umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD