Czarina
PAGDATING sa loob ay nabungaran ko si Richard sa may sala. Tila naghihintay na ito roon sa akin, nang makita ako ay biglang ngumiti.
Alanganin akong tumugon. This was the first time na umuwi ako nang gabing-gabi. Past 8 already. But at least ay nagpaalam naman ako rito.
"Mabuti naman at nakauwi ka na, iha. Wala si Selmo kaya ang --"
"Pasensya na. M-May importante lang kasi kaming pinuntahan ng mga kaklase ko," putol ko sa mga sinasabi nito. Agad akong lumapit kay Richard at kunwa'y nagbeso rito. Sinadya ko iyon dahil batid kong nakasunod sa akin ang anak nito. Gusto kong ipakita sa antipatikong iyon na 'mahal' ko ang ama nito. Nang mabawas-bawasan naman ang porsyento ng pagiging oportunista ko sa isip nito. Unang beses ko lang din iyong ginawa kay Richard. In-imagine ko na lang na ama ko ito na binabati sa pag-uwi. Tutal sa loob ng isang buwan na maging mag-asawa kami, he never acted like my husband. We were always civil, and he was more likely a father figure to me.
"Pinasundo kita sa anak ko dahil wala ang driver. I'm hoping that you two have finally introduced yourself to each other."
Aawang pa lang ang bibig ko para magsalita nang lumitaw na nga sa eksena ang anak nito.
"Not yet, daddy. I have not yet properly introduced myself to my stepmom."
Ngayon mas naging malinaw ang detalye ng mukha at kabuan ng anak ni Richard sa mga mata ko. He sure looked so much like his dad pero mas prominente ang aura nito. Unang tingin ko kay Richard, nakita ko agad kung gaano ito ka-approachable na tao. Magaan ang awra nito hindi tulad ng anak nito na palaging patuya kung tumingin. Parang hinuhusgahan parati ang kaharap kung makatitig. He looked like a predator awaiting for the right timing to dominate its prey. Ewan kung bakit ganoon ang tingin ko rito. Too late to notice that I was a bit shaking.
"Ganoon ba? Pero mabuti't sumama siya sa iyo. Czarina, this is my only son, Travis. I have not yet mentioned is name to you before, but I believe I have already told you about having a son." Tumango na lang ako. "And Travis, anak," bumaling ito rito. "Please meet my new wife, Czarina. I know I can't replace your mother in your heart, but I hope you will respect her just how you respect your mom."
So Travis is his name?
"Nice to meet you stepmom," anito.
Sandaling nagkatitigan kami ni Travis bago ito nakakalokong ngumiti at naglahad ng kamay sa akin. Parang ayokong abutin iyon. Pinapawisan ang aking kamay dahil sa magkahalong nerbiyos at inis dito. Nandoon na naman kasi ang nakakabuwisit na paraan ng pagtitig nito sa akin. Sarcasm was manifested on his handsome face. And I know he wouldn't do it just what his father said. He would never respect me just like his mom.
Nang bigla akong may maalala. Hindi ko tinanggap ang pakikipagkamay nito.
"A-Ah, R-Richard..." I gazed at my husband and saw his immediate reaction. Nagtatanong ang mga mata nito.
"May problema ba, Czarina?"
I bit the back of my lower lip saka huminga nang malalim. Makakaya ko bang tahasang sabihin dito? Sa loob ng isang buwang pananatili ko roon, he never said anything that might offend me. Sure I didn't want to be his wife, alam nito iyon, pero dahil sa kabutihan namang pinapakita nito sa akin, parang nakakakonsensya kung bigla ko na lang itong babastusin.
Aksidenteng napabaling ako ng tingin kay Travis. Nakatingin pa rin pala ito sa akin. Naghahamon ang mga mata nito.
"I... I'm not feeling well. I'm a bit tired. Dederetso na ako sa kuwarto." I couldn't. Baka mag-cause pa ng gap sa mag-ama kapag tahasan kong sinabi kay Richard ang napag-usapan namin kanina ng anak nito. Baka magbago ito ng pakikitungo sa akin. And for sure, hindi ito papayag, na i-annul ang kasal namin.
Tumango si Richard. "Ganoon ba? Sige, tumuloy ka na at magpahinga."
"Yeah, right. Stepmom needs a rest because she's a little bit drunk. Amoy-sigarilyo pa."
Akmang pahakbang na ako palayo nang marinig iyong sinabi ni Travis. Para akong tinulos sa kinatatayuan ko. How did he know? I'm not that drunk!
Alanganin akong napatingin kay Richard. "N-Nagpaalam naman ako sa 'yo, hindi ba?"
Kung puwede nga lang na maglaho na lang ako sa harap ng mga ito ay ginawa ko na. Talagang desperado ang Travis na ito para wasakin ang imahe ko at mapalayas doon.
But thank God he had a very matured father. "Yes, iho. Nagpaalam siya sa akin kanina na magpupunta sa classmate niya. Maybe they had some celebration and they drunk. Maigi't hindi ako pumayag na mag-commute siya. She might end up somewhere else."
Pero halatang hindi nagustuhan ni Travis ang sinabi ng daddy nito. "Oh, well, you're letting your wife do that? Even smoking? Huwag mong sabihing pati paninigarilyo, hinahayaan mong gawin niyan?"
Bigla akong napatungo at pasimpleng sininghot ang amoy ng blouse ko. Isang stick lang iyon na halos hindi ko nga nabawasan, kumapit na agad ang amoy sa akin.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Richard. "She's no longer a teenager, my son. She's 20. And she can do whatever she wants."
. . . . .
TATLONG sunud-sunod na katok ang pumukaw sa akin kaya agad kong binitawan ang hawak na libro. It was past ten already at nagpapaantok na lang ako. Tumayo ako at lumapit sa pinto. Binuksan ko na rin.
"Bakit p--"
Awtomatiko akong natigilan nang makita si Richard.
"Can I talk to you?" mahinang tanong nito matapos lumingon sa kung saan. Maybe checking if someone was out there.
Tumango ako at niluwagan ang pagkakabukas ng pinto. "Tungkol saan?"
Saka ko naalalang kailangan ko nga palang mag-apologize. I drunk without his consent. At iyong 'paninigarilyo' ko, parang kailangan ko ring linawin.
"About my son," mabilis na sagot nito. Magkadistansya kaming naupo sa mahabang couch na mayronn sa kuwarto. "I didn't know he was coming today and I'm so surprised. Alam mo bang halos isang dekada mula nang umuwi siya sa bahay na ito? He intentionally avoided going back here because he hated me as his father. I never thought he could ever forgive me. He's blaming me for his mom's death many years ago and since then, hindi na siya halos nakikipagkita o usap man lang sa akin. He stayed in America for almost ten years. Kung umuuwi man siya rito sa Pilipinas, wala akong kaalam-alam. Sinusbukan ko siyang bisitahin doon pero talagang sinasadya niyang hindi ako kausapin. But I'm so happy now that he's finally back."
Bakas nga sa mukha ni Richard ang hindi maipaliwanag na saya habang nagkukuwento. Bagama't hindi ako masyadong maka-relate sa nararamdaman nito dahil hindi ko pa nararanasang maging magulang, pero nakaka-relate naman ako rito bilang anak. That bastard Travis. Paano natiis ng isang 'yon na halos isang dekadang hindi umuwi para makipagkita sa ama? Kung ako man ang nasa sitwasyon nito, kahit gaano pa ako kagalit sa magulang ko, panigurado ako na hindi ko makakayang magtiis nang ganoon katagal.
"I invited him to come to our wedding but he did not come," patuloy pa ni Richard.
Buti nga hindi siya dumating. Dahil ang araw na iyon ang itinuturing ko noong pinakamasamang pangyayari sa buhay ko. Baka lalo lang sumama iyon kung naroon ang Travis na 'yon.
"Pero wala na rin iyon sa akin. Ang mahalaga ay naririto siya. He said he'll be staying here for a month but I already asked him to stay a little longer. He might be that hard-headed and cold, but he's still my son. Alam kong nagtatampo lang siya sa akin kaya ganito siya makipag-usap, but I'm still hoping na magkakaayos kaming muli, and I hope too, iha, that you get along with him well."
Masaya ako para rito but me, getting along well with his son, hindi ko lang alam kung mangyayari. Pareho naming hindi gusto ang isa't isa, and right now, namomroblema na nga ako kung paano ito maiiwasan. Ngayon pa nga lang ay hirap na ako paano pa sa loob ng mahigit sa isang buwan? Parang gusto ko ngang hilingin na sana'y hindi na ito nagbalik.
"I-I hope too. Nga pala , Richard, about doon sa..."
"Don't bother about it, iha. I know you're young at natural lang sa mga kabataan ang ganoong gawain. May tiwala naman ako sa 'yo. I know you won't do something na sa tingin mo ay hindi na tama."
Napatango na lang ako sa sinabi nito. Pagkuwa'y napangiti. "T-Thank you."
Ngumiti rin ito. At mayamaya rin ay tumayo na. "Sige na, iha. Magpahinga ka na. Lalabas na ako."
Nang makalabas ito ay marahan kong ipininid ang pinto.
Bumalik na ako sa pagkakahiga sa kama ngunit hindi ko na pinagkaabalahan pang balikan ang binabasa ko kanina. Pinatay ko na rin ang natitirang ilaw.
"Good luck, Czarina. Good luck to you!" sabi ko sa sarili bago pinilit matulog nang gabing iyon.