Chapter 04

1474 Words
Czarina PARANG may mga dagang nagri-rigodon sa dibdib ko nang mga sumunod na sandali. Tahimik habang nasa biyahe na kami ng aking stepson. Matapos ako nitong sigaw-sigawan kanina, tinawag ako nitong stepmom. Hindi ko man ibig maniwala, ngunit nang tuluyan kong makita ang hitsura nito ay unti-unti rin akong nakombinsi. Sigurado ako na siya nga ang nag-iisang anak ni Richard na sinasabi ni nanay noong nakaraan. Hindi ko na kailangan pa ng konpirmasyon para malaman iyon dahil sapat na ang ebidensyang makikita sa mukha nito. It was like I was looking at my husband's younger-self. Kuhang-kuha ng lalaking kasama ko ngayon ang halos lahat ng physical attributes ng ama nito. From his hairline, his eyes, his jawlines, his nose at sa timbre ng boses. Kaya pala imahe ni Richard ang biglang pumasok sa isip ko unang beses na marinig ang boses nito. Kahit ang intimidating, domineering na tindig na ama nito ay kuhang-kuha rin. Nanlalamig ang pakiramdam ko nang mga sandaling 'yon na parang hindi ko nararamdaman ang sariling nakaupo sa loob ng sasakyan nito. Malapit na kami sa bahay at hanggang ngayon ay wala pa rin itong binibitiwang salita. Ngunit dama ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Nakatiim-bagang ito, isa iyon sa mga dahilan ng kakaibang kabog sa dibdib mula pa kanina. Parang may malaki itong galit na kinikimkim sa dibdib. Ni hindi nga pala ito nagpakita sa araw ng kasal namin ni Richard. "Why did you marry my father?" Sa isang iglap ay nabasag ang katahimikang namamayani sa pagitan namin when out of a sudden ay nagsalita ang lalaki. Lumingon pa ito sa akin at tinapunan pa ako nang nang-uuyam na tingin. Para akong nasa hotseat nang mga sandaling 'yon nang tingnan ako nito mula ulo hanggang paa. "H-Huh? I-I..." Bakit nga ba ako pumayag na makasal kay Richard? Dahil may malaki kaming pagkakautang dito, iyon ang sabi ni nanay. And his father likes me, anito rin. Hindi malinaw sa akin kung sa paanong paraan ako nagustuhan ng ama nito kaya ako piniling maging asawa. But on the night of our wedding, wala itong ginawa miski na ano sa akin. Dinala lang ako nito sa mansyon at doon pinatuloy. He's the one giving me my allowance now. Binawalan na rin akong magtrabaho. He even asked me kung gusto ko raw magpalipat sa mas magandang school ngunit tumanggi ako. Pagkuwa'y pinamili nito ako ng mga gamit. Mga damit, sapatos, make up, pabango at kung ano-ano pa na nakaimbak ngayon sa master's bedroom kung saan ako solong natutulog gabi-gabi. "His money?" patuyang susog nito. Mabilis akong napailing. "H-Hindi ah. Siya ang-" Kumumpas ang isang kamay nito dahilan para bigla akong matigilan. "Whatever you reason is.. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I don't like you." Well, I don't like you, too! Ngali-ngaling sabihin ko rin. "Hindi kita gusto bilang bagong asawa ng daddy ko. Lalo nang hindi kita gustong maging pangalawang ina ko. Ang mommy ko lang ang matatanggap kong asawa ng daddy. Nobody else. But since you two are already married... At mukhang nagpapasasa pa sa batang katulad mo ang aking ama, wala na akong magagawa. But I'm telling you this not to threaten but to warn you." Tiim ang bagang na sumulyap siya sa akin. "Hindi rin kayo magtatagal ng daddy for sure. My father will look for another young women kapag sawa na siya sa 'yo. I'll also make sure that you will not enjoy his money. Hindi ka makakahuthot nang malaki sa kaniya. Because I'll be watching you. Lahat ng kilos mo, mamatyagan ko. Subukan mo lang magkamali at talagang ako mismo ang mag-aalis sa 'yo sa buhay naming mag-ama." Ni hindi ko napansing mas bumibilis na pala ang takbo namin. Hindi ako agad nakahuma sa mga sinabi nito. Halo-halong tense at pagkabigla pa rin ang lumulukob sa damdamin ko. Pero hindi dapat ako magpa-api o hayaan itong husgahan ang pagkatao ko. He didn't know anything. Kaya mayamaya rin ay napaigkas ang isang kilay ko. "FYI, hindi ako ang unang lumapit sa daddy mo kung hindi siya. Siya ang nagpilit na magpakasal ako sa kaniya at hindi ako. I barely knew him. Pero dahil sa-" Napatid ang mga sinasabi ko nang tumawa ito nang pagak. "Tell that to the marines. Sino ba namang gold digger ang aamin sa plano niya? FYI rin, nasa 50s pa lang ang daddy, wala siyang iniindang sakit o ano. Siguro aabot pa siya ng mga 20 years para mabuhay. If you're dreaming na mapasa iyo lahat ng ari-arian niya 'pag nawala na siya, well dream on. Bago pa mangyari 'yon, baka napaglayo ko na kayong dalawa." Nagsalubong ang mga kilay ko. "Aba't ---" "But there are cases where the young wife intentionally kills the husband para automatic na mapunta sa kaniya ang ari-arian nito. Nakausap ko ang daddy kanina. Wala kayong pre-nuptial agreement. Anytime, all his money and assets might be transferred under your name. If something bad happens to daddy that may result to his sudden death, walang ibang may motibo kung hindi ikaw." Napaawang na lang ang mga labi ko. Kanina gold digger, ngayon naman ay parang inaakusahan na ako na murderer ng lalaking ito. Ganito ba ang nangyayari kapag masyadong napa-paranoid at natatakot ang isang tao na maagawan ng mana? Inaakusahan nito akong mukhang pera, pero sino ba sa amin ang takot na takot maagawan? Tumikhim ako. "You know what? Parang ikaw nga ang may mas motibo eh," lakas-loob na sabi ko. "Paano kasi, ikaw ang mas takot na takot maagawan ng kayamanan. Uulitin ko, hindi ako interesado sa yaman ng daddy mo o ng buong angkan n'yo, kasi nga hindi ko naman talaga rin siya gustong maging asawa at lalong ayaw kong magkaroon ng anak-anakan na kagaya mo. Gusto mo mamaya kausapin natin ang daddy para sabihin ang mga 'hinaing' mo, then sasabihin ko na rin sa kaniya na ipa-annul na ang kasal namin para mapanatag na ang loob mo." Akala ko ay maniniwala na ito sa mga sinabi ko pero mas lalo lamang lumapad ang sarkastikong ngisi sa mga labi nito. Yeah, ngisi lamang iyon at dapat ay mao-offend ako at maiinis pero hindi. Bigla na namang bumilis ang t***k ng puso ko at kahit nakapag-iwas na ako ng tingin ay nananatili pa rin sa gunita ko ang guwapong anyo nito. His deadly charm, indeed! Pagtatama ko. "Sige nga. At 'pag napapayag mo si daddy na makipaghiwalay sa 'yo, babayaran kita." What? "Hoy! Hindi ako ---" Ngunit muli akong natigilan nang sunud-sunod na umalingawngaw ang busina ng kaniyang sasakyan. Talaga nga sigurong ugali na nito iyon. Ang palaging makaagaw at sentro ng pansin. Nakarating na pala kami ng mansyon, unti-unti nang binubuksan ng katulong ang gate at nang tuluyang magbukas iyon ay dumeretso na ang sasakyan sa loob. Pagkatigil ng sasakyan ay alumpihit ako kung itutuloy pa ba ang sinasabi o hindi. Ngunit mas nanaig sa akin ang kagustuhang makalayo na agad sa lalaki kaya mabilis kong kinalas ang seatbelt. Ngunit nang akmang bubuksan ko na ang pinto upang bumaba ay natigilan ako. Hindi gumagalaw ang pinto. "So you're leaving just like that? Ganiyan ka ba sa mga tauhan ng daddy na nagsisilbi sa 'yo? Ni wala man lang pasabi, walang 'thank you', walang kahit na ano?" Napamaang ako rito. Ano na namang problema ng lalaking 'to? "Thank you, is that what you want to hear?" Nagpapasalamat ako at medyo inayos ko ang pag-aaral at medyo maayos at confident akong mag-English. Mukhang laking States ang lalaking ito kaya maganda ang accent mag-English. Tumaas nang bahagya ang isa sa makakapal na kilay nito at hindi ko alam kung sinasadya na very intimidating na tumitig sa akin. Mula sa noo ko, pababa sa mga mata, ilong at bibig. Pagkuwa'y sa aking leeg, padibdib hanggang umabot sa mga paa. At habang ginagawa nito iyon ay halos pigil ko ang paghinga. "Hindi ko alam kung ano'ng nakita ng daddy sa 'yo. You are just a common face. Hindi ka rin sexy. Wala ka man lang ka-asset-asset. I am so disappointed. Anak ka ni Nanay Marietta, hindi ba? I don't want to think about it this way, pero talagang kumbinsido na ako. You.. Whether with the help of mother or none... Fooled and seduced my father. I hope you're ready with consequences. Hindi ako madaling mapaglangang tao." Pigil na pigil ko ang masampal ito. Tinatagan ko na lang ang loob at pinilit na lang ignorahin ang mga sinabi nito. Alam kong kahit ano pa ang sabihin ko ay hindi rin naman ito maniniwala. Mahirap magpaliwanag sa mga taong sarado ang isip. "Bahala ka na nga kung ano man ang gusto mong isipin," sabi ko saka muling sinubukang buksan ang pinto. Nang mabuksan na iyon ay hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at tuluyan nang bumaba. Hindi na rin ako nag-atubili pang maglakad palayo. Hindi ko na ito tinangka pang lingunin nang pumasok sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD