Chapter 03

2535 Words
Czarina "CLASS DISMISSED!" Pagkasabi niyon ng professor ay halos sabay-sabay na ring nagpulasan ang mga estudyante. Kanina pa handa ang mga gamit namin para umuwi. Iyon ang huling klase namin para sa araw na iyon. Four-thirty ito natapos. Isinukbit ko na ang shoulder bag at naghandang lumabas ng classroom. Sinadya kong yumuko upang walang makapansin sa akin. Naglalakad na ako sa mahabang pasilyo nang maramdamang may dumantay na kamay sa aking balikat. "Czarina!" Paglingon ko ay nakita ko ang kaklase at isa sa mga pinaka-close friend kong si Khate. Nakangiti ito. "Khate!" Alanganin akong ngumiti rito. Nakagat ko ang pang-ibabang labi pagkuwan. Ito talaga ang pinagtangkaan kong takasan kaya nagmamadali akong lumabas ng classroom kanina. "Pumayag ka na kasi, Czarina. Marami naman tayo. Saka saglit lang naman tayo kina Leslie. Special day ng bff natin. Baka magtampo." Ito kasi ang katabi ko sa upuan kanina kaya alam nito na hindi ako makakasama sa lakad ng mga ito. Birthday ng classmate naming si Leslie at nag-iimbita itong magpunta kami sa bahay ng mga ito. Malapit lang ang bahay ng mga ito kung tutuusin. Mga limang minutong biyahe lang ng jeep ay makakarating na. Pero ayoko talagang sumama sa mga ito. Iba na ang sitwasyon ko ngayon. Hindi na ako ang dati nilang kaklase na malaya. May asawa na ako at hindi na ako puwedeng magpunta kung saan-saan. But nobody knew in the campus na kasal na ako. Pumayag si Richard na pansamantala kong hindi gamitin ang apelyido nito habang nag-aaral ako. Saka na lang daw kapag graduate na ako, na ilang buwan na lang ay mangyayari na. "Eh, hindi talaga ako puwede ngayon, Khate, pasensya na. M-Marami akong gagawin sa bahay ngayon. S-Saka hindi ako nakapagpaalam kay nanay. Tiyak na papagalitan ako no'n kapag hindi ko agad nakauwi," patuloy na tanggi ko at sinimualan na ulit ang paghakbang. "Hmp!" tila naiinis na pakli ni Khate. Bigla akong napalingon dito. "You know what, Czarina? I think you've changed. I don't know when, maybe last month pa, but I'm certain that you've really changed. Hindi ka na tulad ng dati na nakikisama sa 'min. Parang palagi mo na lang kaming iniiwasan. Tumigil ka na ring magtrabaho sa admin." Ang tinutukoy nito ay ang pag-i-student assistant ko. Oo, mula nang maging asawa ang Richard na 'yon, talagang nag-iba ang gawi ko at ang takbo ng buhay ko. Hindi na nga ako nagpa-part time doon dahil mahigpit na akong pinagsabihan ng nanay. Hindi ko na raw kailangan iyong gawin dahil si Richard na ang sumasagot sa ahat ng gastusin ko sa eskwelahan. Palagi na nga akong nag-iisa at umiiwas sa mga close kong kaklase because I don't feel belong with them anymore. Palagi na akong hatid-sundo ng driver ni Richard at natatakot akong may makakita sa akin na may sumusundo kaya palagi akong nagmamadaling umuwi. Ayokong may makabatid na may asawa na ako dahil hiyang-hiya ako lalo na kapag may nakaalam kung sino ito at ilang taon na ito. Natatakot akong mapagtawanan, lalo na ang masabihang gold digger. Lalo at hindi lang basta mayaman si Richard, dahil kilalang-kilala ito sa buong San Sebastian. "May bago na kasi akong trabaho sa bayan, Khate, kaya ---" "Guys! Tara na ba?" Ngunit hindi ko pa nalulusutan si Khate ay dumating na ang iba pa naming mga kaklase. Hindi lang kaming mga babae ang in-invite ni Leslie sa birthday celebration nito kung hindi halos buong klase. Hindi naman lahat ay sasama ngunit paglingon ko ay marami na ang nakasunod sa likuran nito. They were coming towards us. Masaya at masigla ang aura nang mga oras na 'yon ni Leslie. "Tara na? Uy, buti makakasama ka, Cza!" Pagkalapit nito ay agad itong kumapit sa braso ko. Nagkatinginan kami ni Khate. Her smile was saying like I had no choice. Pero hindi talaga ako puwede. "Ano kasi, Leslie..." simula ko. "Tara na guys!" Ngunit mistulang hindi nito narinig ang sinasabi ko at hinila na ako palabas ng school. Nang malapit na kami sa may gate ay panay na ang linga ng aking mga mata. Mukha ngang hindi na ako makakatanggi pa kay Leslie pero paano kung dumating na bigla ang sundo ko? Dinukot ko ang cellphone at ilang segundong pinagmasdan ang screen niyon habang nag-iisip. Sa totoo lang, hindi naman mahigpit sa akin si Richard. Ang sabi nito, puwede ko pa ring gawin lahat ng gusto ko. Ngunit kailangan ay magsasabi o magpapaalam ako rito para alam nito kung ano ang ginagawa ako at saan ako hahanapin. Una kong tinext si Mang Selmo. Ito ang driver na madalas maghatid-sundo sa akin. Mang Selmo... baka po hindi na muna ako magpasundo sa inyo ngayon. May pupuntahan pa po kasi ako pagkatapos ng klase. Nakapagpaalam na po ako kay Richard. Sunod akong nag-send ng mensahe sa aking asawa. May pupuntahan ako ngayon. Sa bahay ng classmate ko. Nag-invite lang sa akin sa birthday celebration niya at hindi na ako nakatanggi. Saglit lang ako rito at uuwi agad. Pagbibigyan ko lang at baka magtampo. Without even thinking what he would have to say ay i-s-in-end ko nga ang mensaheng iyon. Iyon ang unang pagkakataon na magpaalam ako rito na hindi agad makakauwi. Siguro naman ay hindi nito iyon ikagagalit. At uuwi naman talaga ako agad. Madali nang mag-isip ng alibi mamaya kina Leslie kung bakit ako nagmamadaling umuwi. Sa totoo lang, sa loob ng isang buwang pagiging mag-asawa namin I never felt like someone else's wife. On the day of our wedding ay kakaunti lang ang mga kasama naming dumalo sa kasal. Sa isang huwes nangyari iyon. Si nanay at ang dalawang kakilala lang ni Richard ang kasama namin nang ikasal kami ng isang judge. He let me wear a simple white dress at pagkatapos ng kasal ay idiniretso na ako nito sa malaking mansion nito. Noong una ay takot na takot ako rito. Akala ko ay tuluyan nang masisira ang buhay ko. He's my husband now and I knew he would demand something that all wives must do with their husbands pero pagdating doon ay para lang nito akong pinatira sa malaking bahay. Magkahiwalay kami ng silid. And he never even dared hold or kiss me. Sige, iha. Pero saan ka susunduin? Nakasakay na kami nang mga oras na 'yon sa jeep nang ma-receive ang reply ni Richard. Sa isang iglap ay nawala ang aking pangamba. Hindi na ako magpapasundo. Magko-commute na lang ako pauwi. Tutal may dumadaan namang jeep patungo sa lugar kung saan nakatirik ang mansyon nito. Saka baka may makakita pang may sumusundo sa akin. Tiyak na maraming magtatanong. No, iha. Hindi ako papayag na hindi ka masusundo. Just tell me your exact location o kung saan ka puwedeng abangan ng driver mamaya." Hindi pa ako nakaka-reply kay Richard nang magpara na ang mga kasama ko. Nandoon na kami agad sa tapat ng bahay nina Leslie. Pagkababa naming lahat ay deretso na kaming agad papasok sa gate ng mga ito. Atubili akong nag-reply kay Richard. Sinabi ko na lang dito na sa may tapat ng lang ako ng gate ng school magpapasundo mamaya. . . . . . "MERON pa rito, guys. Ubusin na natin!" Naglabas pa ng isang bote ng alak si Leslie at dinagdagan ang pulutan. Binuksan nito ang alak at agad na nagpatuloy ang tagay. Pasado alas-sais na ng gabi pero naroon pa rin kaming lahat at nagkakasiyahan. Maraming handa ang 21st birthday ni Leslie. Anito ay debut nito dahil tuluyan na itong nagbinata. Leslie was a lesbian at talagang kinakarir nito ang pagiging 'lalaki.' Mukhang tanggap na naman ito ng mga magulang at sinusuportahan na lang sa gusto. "Czarina, ikaw na ang next!" "H-Huh?" napamaang ako. Si Khate ang katabi ko na siya pang nagsalin sa maliit na basong tinatagayan namin saka inabot sa akin. "Ikaw na nga. Akala mo makakaligtas ka ah!" tumatawang sabi nito. Hindi na ako kumibo at kinuha na lang ang baso. Pagkainom ko ng alak ay agad akong uminom ng juice. Kanina pa ako nagpapaalam sa mga ito. Pero hindi pumayag sina Khate at Leslie . Last na raw na bote na naman iyon kaya pagtulung-tulungan na lang daw naming ubusin. Hanggang 7pm lang daw kami sa kanila. Umoo na lang ako at iyon ang oras na sinabi ko kay Richard na magpapasundo ako sa tapat ng school. May videoke rin kina Leslie kaya talagang nagkakaingay na kami roon. Mula highschool ay magkakaklase na kaming tatlo kaya naman kapag may nag-inimbita talaga ay hindi maaaring tanggihan. Kung sakaling kapareho lang namin ng kinuhang kurso si Pat, panigurado ay naroon din nang mga sandaling 'yon ang aking kakambal. "Sa iyo na itong last, Czarina!" Halos eksaktong seven nga ay natapos kami. Pumasok muna ako sa bahay nina Leslie upang makai-CR at the same time ay makapagmumog at hilamos na rin. May naitago akong mint candy sa bulsa ng slacks at isinubo sa bibig. Hindi naman siguro ako mahahalatang nakainom nito. Maayos pa ang lakad ko. Pinaliguan ko rin ang sarili ng pabango. Paglabas ko ng bahay ay nagpapaalam na rin ang iba para umuwi. Nagpaalam na ako kay Leslie pati sa mama at papa nito. Nagkakita kami ni Khate sa may gate. "Tara! Sabay na tayo!" yaya nito sa akin . "Tara," sabi ko at mayamaya pa ay nag-aabang na kami ng masasakyang jeep. "Samahan mo naman ako do'n. May bibilhin lang ako ako." Ang itinuturo nito ay ang sari-sari store na nasa kabilang kalsada. Napasilip ako sa oras sa cellphone ko. 7:05 na ng gabi. "Naku, Khate. Nagmamadali na kasi ako. M-Mapapagalitan ako kapag --" "Saglit lang naman tayo, may bibilhin lang ako. Sige na. Tara na, wala pa namang jeep." Wala na akong nagawa nang akayin na ako nito patawid ng kalsada. May bumibili pa kaya hindi kami agad naasikaso ng tindera. Nang si Khate na ang naroon ay gumilid lang habang hinihintay itong matapos sa binibili nito. "Gusto mo?" Nagulat ako nang paglingon ko ay nakitaang inaalok nito. Yosi. Naninigarilyo na pala ngayon si Khate. Umiling ako. "Ayoko. Hindi ako naninigarilyo." Kating-kati na akong humakbang upang makatawid nang muli ng kalsada. Saka naman nagsulputan ang mga sasakyan. "Subukan mo lang. Pampatanggal ng stress 'to. Kahit isang hithit lang. Promise." Ngunit mariin pa rin ang pag-iling ko. "Ikaw na lang, Khate. Nasamahan na kita. Uuwi na talaga ako." "Ang KJ mo naman. Try mo lang. Magugustuhan mo rin 'yan, promise." Hinawakan ni Khate ang kamay ko at akmang iduduldol ang isang stick ng sigarilyo sa bibig ko. "Hindi tayo aalis hangga't hindi mo nata-try 'yan." Talagang pinilit nito iyon sa akin. Napasinghap pa ako nang bigla pa nitong sindihan iyon gamit ang lighter. "Relax ka lang kasi," tumatawang saad nito. "Hipan mo muna para kumalat ang sindi. Tapos hithitin mo ang usok sabay buga." Sinunod ko na lang ang sinasabi nito nang matapos na. Parang lobong hinipan ko nga ang stick at nang kumalat na ang sindi ay ginaya ko ang paraan ng paghihithit ni Khate. Ngunit dahil first time ko talagang sumubok niyon ay hindi ko inaasahan ng nangyari. Pinasok ng usok ang baga ko dahilan upang ako'y masamid. Sunud-sunod akong naubo. "A-Ano ba 'to? Hindi naman masarap!" Bigla kong itinapon ang halos walang bawas pang stick. Instead na mag-alala ay panay pa ang tawa ni Khate. "Bakit kasi nilunok mo 'yong usok? Sabi na kasing ibuga mo rin eh." "Kainis ka! Sinabi nang ayaw ko niyan!" Ano kayang nakukuha nitosa paghithit-buga niyon? "Mali ka lang kasi ng paraan--" "Whatever! Uuwi na talaga ako, Khate. Talagang mapapagalitan na ako." Pagsilip ko sa cellphone ay 7:12 na. Hindi ko na hinintay kung may sasabihin pa ito at tumawid na akong muli sa kabilang kanto. . . . . . Gaya ng sinabi ko kay Richard, doon nga ako bumaba sa may kantong katapat ng eskuwelahang pinapasukan ko. Kapag umaga ay mayroon doon karinderya na kinakainan namin, pero kapag gabi ay sarado na iyon. Napapagitnaan iyon ng isang bahay na may naka-park sa tapat na isang navy blue na kotse at isang computer shop. Napahugot ako ng hininga nang mapatingin sa oras. It was already 7:30 at nagsisimula na akong kabahan. Late ako ng 30 minutes sa sinabi kong oras kay Richard. Hindi kaya nainip na si Mang Selmo sa paghihintay at bumalik nang mansyon? Baka inakala nitong nag-commute na akong talaga. Hay! Kasalanan mo ito, Khate. Naisipan kong i-text ulit si Richard. Tinanong ko lang kung may pumunta na ritong driver. Oo, nandiyan na siya kanina pa. Bigla na lang akong napatili. Walang ano-ano kasi ay bumusina ang navy blue na kotse na nakaparada doon pa man din sa malapit sa kinatatayuan ko. Tatlong beses iyong bumusina at inilawan pa ako. Kung sinasadya ng driver iyon ay hindi ko alam. Pero baka aandar kasi ito kaya binusinahan ako. Kahit naiinis ay naglakad ako palayo rito. Akala ko ay ayos ngunit muli itong bumusina nang sunud-sunod. Hanggang sa makita kong palapit ito sa kinaroroonan ko. Lumampas ito nang kaunti sa akin saka huminto. Napakunot ang noo ko. Batid kong hindi ito ang aking sundo dahil wala naman akong nakita ganitong klase ng sasakyan na naka-park sa mansyon. Sports car ang sasakyang nakaparadang ito sa akin harapan. Imposible namang si Mang Selmo ang gagamit din niyon dahil driver lang naman ito. Mayamaya ay nakita kong bumukas ang pinto ng kotse mula sa driver's seat. Dahil may kadiliman sa parteng iyon ay hindi ko agad nakita ang mukha ng taong umibis mula sa loob. Pero isang bagay ang masasabi ko. Lalaki ito ayon sa anyo nitong naaninag ko. Malapad ang mga balikat, mahaba ang mga braso at hita dahil sobrang tangkad. At habang palapit ito sa aking dereksyon ay hindi maipaliwanag ang kabog sa dibdib ko. "Hi. You are Czarina Lei dela Cruz-Montejar, right?" anito na lalong nagpanginig sa mga tuhod ko. Walang emosyon sa pagkakasabi nito ng mga katagang iyon nunit hindi nakaligtas sa akin ang masculine, baritone, at buong-buong boses nito na may magandang accent. At kahit may isang metro pa kaming distansya mula sa isa't isa, langhap ko ang preskong amoy nito. His very manly wooden fresh safe. "A-A-Ako nga..." nauutal at nanginginig ang boses na sagot ko. Sino ito? Bakit ako nito kilala? Narinig ko ang pagbuga nito ng hangin sabay sulyap sa smartwatch na nasa bisig nito. "Sa wakas dumating ka rin. Alas-siete ang usapan. Ano'ng oras ka na dumating?" Bigla akong napaurong sa mabalasik na pagkakasabi nito. Sino ba talaga ito at ano ang pinagsasasabi nito? Hindi ko ito kilala at si Mang Selmo ang inaasahan ko lang na sundo ko. "I-I'm sorry, Mister. But I don't know who you are. Wala akong --" "Get in!" Ngunit sa halip na pakinggan ako ay binuksan nito ang pinto ng front seat. "T-Teka ---" "Damn it! Kanina mo pa inuubos ang oras ko kaya sumakay ka na!" Sa gulat ko ay bigla nitong hinaklit ang dala kong bag dahilan upang masubsob ako sa matipunong dibdib nito. Napasinghap ako sabay pikit nang mariin. He's so warm and his scent created an unfamiliar sensation in me. Nalanghap ko rin ang mabangong hininga nito nang muli itong mapabuga ng hangin. Seriously, who was this guy? And what was he doing to me? "Damn. I said get in. Pinasusundo ka sa akin ng daddy, ng asawa mo, STEPMOM!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD