TRAVIS Montejar
"S-Sir Travis?" hindi halos makapaniwala --- may kasama pang pagdududang bulalas ng katulong na nagbukas sa akin ng gate.
Matagal akong pinagmasdan nito mula sa nakababang salamin ng sasakyan. Titig na titig ito sa akin, sa aking mukha, sa aking mga mata. Kung hindi pa ako sunod-sunod na bumusina ay parang hindi ito mababalik sa huwisyo. Nang tumabi ito sa gilid ay saka ko lang naiusad ang sasakyan.
Binabati ko ito because she still recognized me. Ilang taon na ba akong hindi umuwi sa mansyong iyon? Eight years? Ten? Eversince my mother died, I never stepped foot on that place anymore. Ngayon lang ulit. At pilit na pilit pa.
Itinigil ko lang ang sasakyan sa nakita kong space sa may garden kahit pa nakitang bukas at may bakante sa indoor parking lot saka bumaba. Tinanggal ko ang suot na shades upang mas malinaw na pagmasdan ang paligid. Nag-angat ang mga mata ko at lumibot sa harap ng mansyon. Nothing changed. Ganoon pa rin ang disenyo niyon mula sa pagkakaalala ko. Hindi rin nagbago ang kulay ng pagkakapintura at halatang alagang-alaga sa linis dahil kahit ilang dekada na ang lumipas ay hindi man lang kababakasan ng kalumaan iyon.
"W-Welcome back, Sir Travis. Ang tagal ninyong nawala. Sa wakas ay dumalaw din kayo!" anang katulong nang makalapit sa akin. Bakas pa rin sa mukha nito ang gulat habang nakatingin sa akin. Ngunit nandoon din ang pangamba at takot. Of all people in that place, ito nga ang inaasahan kong tao na unang makakakilala sa akin. She was once my nanny when I was a little kid.
"Long time, no see nga.... Nanay Marietta."
I didn't know what to call her at first. Should I call her lola? Pero halos kaedad lang ito ng daddy. Hindi bagay. She was, according to my source, the mother of the woman Dad married a month ago. My stepmom.But if she was really the mother of my stepmom, bakit umaasta pa rin itong katulong dito?
"K-Kukunin ko na ang mga gamit n'yo sa sasakyan at ako na'ng bahalang mag-akyat sa silid ninyo. H-Hindi namin alam na darating ka ngayon, Sir Travis. Pero buti na lang, kakapalinis lang ng silid ninyo kaninang umaga --"
Hindi ko na ito pinansin at dere-deretsong nang pumasok sa loob. Sarado ang maindoor ngunit nang pihitin ko ang seradura ay hindi naman naka-lock. The door opened widely when I pushed it hard. At ang unang tumambad sa akin ay ang gahiganteng chandelier na bago sa aking paningin.
Hindi nagbago sa labas ngunit maraming nagbago sa loob. Ang mga antique na gamit na pag-aari pa ng mga lolo at lola ko ay wala na sa natatandaan kong kinaroroonan ng mga iyon. Mga bagong kagamitan na ang nakikita ko mula samga sofa, cabinet at tables. May naka-install na I think one-hundred-inch --- or more --- smart TV sa pinakasentro ng living area. There were speakers around it. May naglalakihan na ring aircon. Wala na ang mga dating sinaunang painting na naka-display sa mga dingding, instead ay napalitan ng mga framed and artificial paintings na may mga disenyong bulaklak. Hmmm... maybe my stepmom's idea.
Kahit ang disenyo ng sahig ay nagbago na rin. Dati iyong yari sa itim na marmol giving a little dark ambience, now it was made in hardwood floorings na sa tingin ko ay mas maaliwalas at mas magandang pagmasdan.
I took a few more steps hanggang sa mapatapat na ako sa grandstaircase. Still, naroon pa rin ang red carpet na nakalatag sa sahig ng hagdan. Tumingin ako sa taas. Bigla akong napangiti nang walang ano-ano ay parang video na nag-replay sa isip ko ang mga masasayang alaala ng pagkabata ko partikular sa hagdanang iyon. It's as if I could hear mommy's histerical screams habang sinasaway ako at hinahabol habang masayang nag-i-slide pababa sa hagdang iyon. I was a naughty and hard-headed boy back then. Then she would pinch my ears while scolding me, telling me how worried she was.
And then I would tell her I would never do it again. Pero kinabukasan o mamaya lang ulit, makikita niya na naman akong pa-i-slide na bumababa sa may hawakan ng hagdan.
I missed you, mommy.
"T-Travis... Y-You're here?"
That's when I went back to reality Napadakong muli ang tingin ko sa pinakatuktok ng hagdan. My mind was so occupied na parang nakikita ko nga ang sarili na nasa pinakababa na. Katatapos lang mag-slide.
Pauyam akong ngumiti nang makita ang taong halos isang dekada ko nang kinamumuhian. The old man aged like a fine wine, I could say. He's in his fifties and yet matikas pa rin ang pangangatawan. No wonder nakapang-uto pa ng batang mapapangasawa. O ito ang nauto.
"As you can see..." Walang gatol na ibinuka ko ang mga kamay, making a gesture telling him that, "Isn't it obvious?" Pagkuwa'y nagsimula na akong umakyat palapit dito. It's not that I missed him at gusto kong makipagbeso. Ibig ko lang masakatuparan agad ang pakay ko sa unexpected na pagbabalik sa lugar na 'yon. Ang makita at siyasatin ang bagong asawa nito.
"My God! You did not even call. Long time, no see. Akala ko nasa America ka pa rin? When did you come back? Dito ka na ba maglalagi ulit? Pumayag ka na bang makipagpalit sa Uncle mo ..."
I held his lines by raising my hand. "Where is your wife? I want to see her."
Noong isang buwan ikinasal ang mga ito. Dad sent me an invitation via email but I intentionally ignored it. Wala na ako sa America nang mga panahong 'yon at ilang buwan na akong namamalagi sa Pilipinas.
I intentionally did not inform him about that too. Our family ran hotels and restaurant at ang alam nito ay sa branch na nasa America pa rin ako nagtatrabaho. Pero bigla-bigla ay nanawa ako sa buhay doon. Kinausap ko si Uncle na baka puwede kaming magpalit kahit ilang buwan lang but I asked not to mention anything to his beloved brother dahil ayokong sasadyain ako nito sa Manila. And there I knew kung paano nagpapakasarap sa buhay lang ang aking magaling na ama. Uncle Ruis had always been true about his words. Wala ngang aasahan sa kapatid nito. In my four months of staying in the country, ni minsan hindi ko ito nakitang nag-appear sa opisina para makiusyoso man lang sa nangyayari sa hotel. Wala itong ginawa kung hindi mamuhay ng masarap sa mansyong ito gamit-gamit ang kita sa share na hawak nito hotels.
Not his hard-earned shares, kung hindi pamana lang ng lolo.
Umiling si daddy. Ni hindi man lang kababakasan ng hiya o pagkabahala ang mukha nito. Tila ipinagmamalaki pa sa aking nakapag-asawa na muling ito.
"She's not here yet, iho. Nasa school pa. Mamayang hapon pa siguro ang dating niya." Dahil hindi man lang ako natinag mula sa isang metro naming pagitan sa isa't isa, si daddy na ang lumapit sa akin at yumakap. "It's been a very long time, Travis, and I'm glad you're back. I almost did not recognize you. Akala ko, hindi mo na talaga ako tuluyang maaalala."
I cringed the very moment na maglapit kami sa isa't isa. Kung gayo'y tama nga ang ibinalita sa akin ng taong inutusan ko para mag-imbestiga. The woman he indeed married ay batang-bata pa. Nag-aaral pa. It's one way or the other. Binili nito ang batang asawa o nauto at pineperahan ito.
Bigla akong lumayo rito. "Well, I guess, my 'best wishes' is not that late. Mukhang masaya ka naman sa bago at batang-bata mong asawa, masaya na rin ako para sa 'yo." But deep inside ay kabaligtan talaga iyon ng nararamdaman ko. Tila lalo lang nadagdagan ang muhi ko rito. Biyudo na ito dahil matagal nang patay ang mommy, in fact walang kaso kung mag-aasawa itong muli. But thinking that he married someone na hindi man lang umabot ng kalahati ang edad sa edad nito gave me a lot of anxiety. How could he have s*x with someone na parang anak na rin nito?
"Thank you, iho. Sayang, hindi ka naka-attend ng kasal namin. You were not able to see how lovely my bride was that day. But however, narito ka na naman. Makikilala at makikita mo rin siya mayamaya."
Nagkibit lang ako ng balikat. "Let's see," tila hindi interesadong tugon ko.
"Gaano ka nga pala katagal na mananatili rito?"
Mataman akong tumingin sa kaniya pagkuwa'y pasarkastikong ngumiti. "Mga isang buwan lang naman."
Siguro sapat nang panahon 'yon para mawasak ko ang relasyon ng mga ito.