Teaser

266 Words
"At saan ka galing? Dis oras na ng gabi, Isabel, a!" Napairap ang mga mata niya nang makita ang matikas na tindig ni Don Luis na nakasandal sa malaking front door ng mansyon. Akmang lalampasan niya ito ngunit nahagip ni Luis ang kanyang braso na kaagad niyang ikinainis. "Ano bang problema mo, Don Luis? Malaki na ako at alam ko na ang ginagawa ko kaya wala kang dapat na ikagalit kung ginabi man ako ng uwi." Hindi rin nagpatinag ang Don at mas lalong hinigpitan ang hawak sa kanyang braso. Nag-aalab na ang mga mata nito nang matingnan ni Isabel. "Isabel, sinong kasama mo? Kasama mo na naman ba si Francis? Alam mo ba na inasahan ko na mabubungaran kita sa tabi ko kaninang umaga? Tapos ano? Nakita kitang nakikipaglampungan sa matalik kong kaibigan sa may palayan! Tingin mo ba hindi ako maiirita—" "Bakit, Don Luis?" matapang niyang putol sa paglilitanya nito. "Walang tayo. Hindi mo ako kamag-anak at mas lalong hindi kita nobyo. Labas ka na sa kung ano mang ginagawa ko sa buhay ko at—" Nanginig ang kanyang katawan nang angkinin ni Luis ang kanyang mga labi. Mariin ang pagkakahawak nito sa likuran ng kanyang ulo. Bagaman magaspang ang kamay dahil sa halos araw-araw na pangangasiwa sa Hacienda Echiverri ay sapat pa rin ang mga palad na iyon para dahan-dahang alisin ang kanyang tamang huwisyo. "Ayokong nakipaglandian ka sa kung sino d'yan sa tabi, Maria Isabel. Naiintindihan mo?" "At bakit—" "Kasi nagseselos ako!" bulalas nito. "At... At gusto ko, sa 'kin ka lang. Sa 'kin ka lang dapat..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD