bc

FADED MEMORIES [COMPLETED]

book_age12+
1.1K
FOLLOW
5.2K
READ
arranged marriage
aloof
drama
comedy
sweet
bxg
humorous
others
Writing Academy
like
intro-logo
Blurb

She has amnesia.

Lahat ng tungkol sa akin.

Lahat ng masasaya naming pinagsamahan.

Pinagsamahang kailanman hindi ko malilimutan.

Ngunit siya…

Sa isang iglap lamang, nawala na iyong lahat sa kanyang alaala.

Nang dahil sa aksidenteng ako rin ang naging dahilan.

Pero sa kabila nang pagkawala ng mga alaala namin sa kanyang isipan.

Nananatili pa rin na ako ang laman ng puso niya.

Dapat masaya ako kasi alam at ramdam ko na mahal niya ako. Dapat masaya ako na laman pa rin ako ng kanyang puso. Ang puso niya na hindi ako nakalimutan.

Pero minsan, napapaisip ang aking isipan.

Sapat na bang hindi ako nakalimutan ng puso niya?

Sapat na bang ang puso lang niya ang hindi nakalimot sa akin?

THE MALDITO MAN BOOK 2:

FADED MEMORIES

A FRANCIS ALFARO'S ORIGINAL SERIES

GENRE: ROMANCE

DISCLAIMER: This story is purely fictional. Any resemblance to living or dead person, places, events, and others are only coincidental.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
PROLOGUE She has amnesia. Lahat ng tungkol sa akin. Lahat ng masasaya naming pinagsamahan. Pinagsamahang kailanman hindi ko malilimutan. Ngunit siya… Sa isang iglap lamang, nawala na iyong lahat sa kanyang alaala. Nang dahil sa aksidenteng ako rin ang naging dahilan. Pero sa kabila nang pagkawala ng mga alaala namin sa kanyang isipan. Nananatili pa rin na ako ang laman ng puso niya. Dapat masaya ako kasi alam at ramdam ko na mahal niya ako. Dapat masaya ako na laman pa rin ako ng kanyang puso. Ang puso niya na hindi ako nakalimutan. Pero minsan, napapaisip ang aking isipan. Sapat na bang hindi ako nakalimutan ng puso niya? Sapat na bang ang puso lang niya ang hindi nakalimot sa akin? --- “Saan ba tayo pupunta?” pagtatanong ni Ellyse kay Yuri. Magkatabi sila ngayon sa pandalawahang upuan sa loob ng bus. Tiningnan ni Yuri si Ellyse. Ningitian niya ito. “Wala. Maglilibot lang tayo,” nangingiting sagot niya. “Wala? Maglilibot lang?” Nakataas ang kanang kilay na tanong muli ni Ellyse. Tumango-tango si Yuri. Hindi nawawala ang ngiti sa labi niya. Natawa naman si Ellyse. “Umarkila ka pa ng premium bus para lang maglibot tayo?” pagtatanong niya pa sa hindi makapaniwalang tono. Sila Ellyse, Yuri at ang driver lamang ang laman ng black premium bus na sinasakyan nila. Malaki at malamig dahil sa aircon. “Bakit? Masama bang umarkila ako ng premium bus para lang sa paglilibot nating dalawa?” pagtatanong naman ni Yuri. Bahagya namang ngumuso si Ellyse. “Hindi naman. Kaya lang dapat nag-commute na lang tayo sa bus hindi ‘yung nag-arkila ka pa,” aniya. “Siguradong mahal ang ibinayad mo dito,” dagdag pa niya. Ngumiti naman ng nakakaloko si Yuri. “Alam mo namang hindi lang ako gwapo kundi marami din akong pera,” nagyayabang na sabi niya. “Kahit ang kaluluwa ng multo ay kaya kong bilhin,” dagdag niya pa. Natawa si Ellyse sa sinabi ng asawa. “Correction, sa magulang mo ang perang ginagastos mo,” wika niya matapos tumawa. “Ang kanila ay akin,” napapangiting saad ni Yuri. “Saka isa pa, ayokong makipagsiksikan sa loob ng bus. Ayokong maka-amoy at mahawaan ng putok,” aniya pa. Muli na lang natawa si Ellyse. Bahagya na lamang siyang napailing-iling. Hindi na siya nagsalita. Tumingin siya sa labas ng bintana. Napangiti siya sa ganda ng panahon ngayon. “Lilibutin lang ba natin ng tingin ang buong syudad?” pagtatanong ni Ellyse sa asawa. “Oo,” sagot ni Yuri. “Sa totoo lang, pangarap ko ito,” aniya pa. Muling tiningnan ni Ellyse si Yuri. Nakakunot ang noo niya. “Pangarap?” nagtatakang tanong ni Ellyse kay Yuri. Tumango-tango si Yuri. Ningitian niya si Ellyse. “Pangarap kong makatabi ka sa bus tapos lilibutin natin itong syudad hanggang sa makarating tayo sa dulo,” bulalas niya pa. Hindi nagsalita si Ellyse. Mataman lang siyang nakatingin kay Yuri. Maya-maya ay bahagya na lamang nagulat si Ellyse nang biglang yakapin ni Yuri ang braso niya saka isinandal ang ulo nito sa balikat niya. Pinikit pa ang mga mata at ngumiti ang labi. Nagmukhang bata tuloy si Yuri sa paningin ni Ellyse. “Gusto ko ‘to,” mahinang sambit ni Yuri habang nakapikit ang mga mata. “Nilalambing mo ba ako?” pagtatanong ni Ellyse kay Yuri. Bahagyang idinilat ni Yuri ang kanyang mga mata. Ngumisi ang labi niya. “Isipin mo ang gusto mong isipin,” sabi niya saka muling ipinikit ang mga mata. Mahinang natawa na lamang si Ellyse. Bahagya niyang kinurot ang matangos na ilong ni Yuri na lalo namang napangiti sa ginawa niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Cheating Heart

read
40.9K
bc

College Series 1 : Feisty Friday (R18 Tagalog)

read
186.5K
bc

Mister Billionaire's Secret Wife [Tagalog/Filipino]

read
5.1M
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
48.4K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.7K
bc

Escaping The Billionaire's Heir (SPG TAGALOG)

read
81.5K
bc

Broken Angel

read
3.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook