The Mysterious Shadow
Warning: Plagiarism is a crime.
A/N: kung may kaparehang storya ay Hindi sinasadya at nagkataon lamang.
— bibiMarya
Chapter 1
-Miai
Tanging ilaw nalang ng buwan ang naka tanglaw sa akin.
Papauwi na ako galing sa trabaho at ngayon ay mag isang naglalakad sa isang madilim na Eskininita papunta sa amin.
Habang naglalakad ako ramdam kung may mga matang nakamasid sa akin, ramdam ko yung isang titig ng mga matang mababagsik.
Bumilis ang t***k ng puso ko at binilisan ko na rin yung lakad ko, pero ramdam ko paring sinusundan parin ako Hindi ko man ramdam yung mga hakbang niya pero ramdam ko parin yung matiim na mga titig niya.
Paglingon ko sa peripheral view ko isang anino ang nakasunod sa akin gusto kung lumingon pero natatakot ako.
"Miai" napahinto ako ng may tumawag sa akin, dahan dahan akong lumingon sa pinanggalingan ng Boses.
"Oh? Para kang nakakita ng multo ano?" Nakakunot kilay na tanong ni Kuya Jake kapatid ko at para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan ko at nawala na rin yung kaba ko.
"Kanina kapa ba nakasunod sa akin kuya?" Tanong ko Kay kuya.
"Hindi, may binili lang ako sa tindahan Nina aling tasya tapos nakita kita bakit ba?" Tanong ni kuya.
"W--wala" sabi ko at iniwas yung tingin sa kanya.
"Alam mo bang alas 11 na, Miai Babae ka pa naman, dapat dika nagpapagabi ng uwi" sermon ni kuya sa akin habang naka akbay.
"Ngayon lang naman eh, may tinapos lang" sabi ko.
"Kahit na, dapat nag text ka para masundo kita, paano kung pag tripan ka ng mga tambay, paano kung mapahamak ka" sabi ni kuya at lalong hinigpitan yung pagkaka akbay sa akin.
"Hindi na mauulit" sabi ko na lang para di na humaba ang usapan namin.
....
Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock, grr di na ako bata para gumamit ng alarm clock. Tumayo ako at naligo pagkatapos ay nagbihis.
"Oh saan ka pupunta?" Napatingin agad ako Kay mama.
"Papasok po ma" magalang na sabi ko.
"Hindi ka papasok ngayon magtrabaho kang bata ka, Bilis maghanap ka ng racket, wala tayong bigas" sabi ni mama na lasing na naman. Nakita ko naman si ate na ngumise habang nag mamanicure.
"Pero ma Exam ko po ngayon" naiiyak na sabi ko.
"Mapapakain kaba ng exam mo?" Galit na sabi ni mama.
"Pero ma....." Hindi na ako pinatapos ni mama at bigla nalang hinila ang bag ko at itinapon sa kung saan.
"Hindi ka aalis" sabi pa niya.
"Ma...."
"Tumahimik ka!!!" Sigaw niya.
Wala na akong nagawa ng bigla niya akong hinila papasok sa kwarto at narining ko nalang yung pag lock niya ng pinto.
"Ma buksan mo naman ang pinto!! Ma please, Ma Exam ko po ngayon ma!!" Sigaw ko at pilit na binubuksan ang naka lock na pinto.
"Magtanda kang bata ka" sigaw niya at umalis na. Napaupo nalang ako habang umiiyak, exam pa naman namin ngayon. Hinanap ko yung cellphone ko ng matawagan sana si jasmine at ipaalam sa kanya, pero napaisip ako ipinasok ko pala yun sa bag ko. Mabilis agad na tumulo yung luha ko.
"P---pa, k---kung S----sana nandito ka lang Hindi ako M----magkakaganito, pa balik na please na M---miss na kita, pa kailangan kita." Iyak na sabi ko, Hindi ko pa pala nasabi Jake is my step brother and ate kate is my step sister since anak sila ng asawa ni papa, si kuya Jake lang ang tanging kakampi ko Simula ng mawala si papa.
"Bunso yung cellphone mo nag ri-ring sasagutin ko ba?" Tawang tawa na sabi niya.
"A---ate P-please naman oh, buksan mo ang pinto ate kailangan ko ang exam nato" nagmakaawang sabi ko Kay ate.
"Aws? Ganun? Kailangan mo pala, sige bukas nalang kita bubuksan" sabi niya at tumawang umalis.
"Ano naman to Kate?" Nabuhayan ako ng loob ng marinig ko ang Boses ni kuya.
"K--kuya tulungan mo ako" sabi ko.
"Wag kang makialam kuya" sabi naman ni ate Kate.
"Tumahik kang babae ka, pati bata papatulan mo, ganyan na ba talaga kababaw utak niyo" sabi ni kuya.
"Nasaan yung susi?" Tanong ni kuya Kay ate Kate.
"Ayun" turo naman ni ate, tsaka binuksan ni kuya ang pinto.
"Okay ka lang" sabi ni kuya, napaiyak ako at niyakap siya.
"Salamat kuya" sabi ko, niyakap naman niya ako ng mahigpit.
"Daming arte" rinig kong sabi ni ate kate, pero Hindi ko nalang pinansin. Kinuha ko yung bag ko at nagpaalam Kay kuya.
"Ingat bunso" sabi ni kuya ngumite lang ako at sumakay na sa jeep, pagtingin ko sa relo ko three minutes nalang magsisimula na ang exam, di ako pwedeng malate.
"Manong bakit tayo tumigil?" Tanong ko ng tumigil yung sinsakyan Kong jeep.
"Sensya na ining na flat yung gulong" pagkarinig ko noon bigla akong pinagpawisan ng malamig two minutes nalang magsisimula na ang exam, dali dali akong nagbayad at agad na bumaba dahil bawal sumakay rito tinakbo ko nalang, makakarating ako makakarating sh*t diko maiwasang mapaiyak.
Makakaabot kapa naman Miai, makakaabot ka!! Ewan ko kahit anong sasabihin ko kusa talagang tumulo yung luha ko.
Exsaktong pagkarinig ng bell ay siya namang pagdating ko, pero wala na Pang second subject na, nanghihina ako habang naglalakad sa corridor papunta sa classroom ko.
Pagkarating ko sa pintuan nagdadalawang isip pa ako kung papasok ba ako o hindi. Bubuksan ko na sana yung pinto ng bigla itong bumukas at iniluwa si Mrs Santos.
"Bakit ngayon kalang Ms Dela Cuesta?" Nakataas kilay na tanong ni Ma'am.
Napayuko ako habang pinipigilan na tumulo yung luha ko, nanginginig pa yung tuod ko at tumutulo pa yung pawis ko.
"Follow me on my office Ms Dela Cuesta" saad ni ma'am at sumunod ako. Pagkarating namin doon.
"So Give me a reason kung bakit ka late, at sa exam pa talaga" sabi niya sa akin.
"M---ma'am N--nasira po kasi yung sinasakyan ko" pangangatwiran ko pa.
"And so?"
"Ma'am pwede po bang hahabol pa Sa exam ma'am" sabi ko.
"I'm sorry Ms Dela Cuesta pero unfair sa mga classmate mong Maaga dumating, ang usapan ay usapan, bawi kanalang sa Second sem" sabi ni ma'am at tumayo na.
"Ma'am Please naman o! Ma'am kahit lagyan niyo ng timer ma'am please" umiiyak na sabi ko kay ma'am at lumuhod sa harap niya.
"I'm sorry Ms Dela Cuesta" umiiling na sabi ni ma'am.
"M---ma'am isang beses lang naman to ma'am eh, sige na please, ma'am" nagmamakaawang sabi ko, pero iniwan niya lang ako.
Napaupo ako at pilit na kinalma yung sarili ko, pero kahit anong gagawin ko patuloy pa rin sa pagtulo ang walang kwentang luha nato.
Lumabas ako ng skwelahan at naglalakad, hindi ko nga alam kung saan ako pupunta eh, ang alam ko lang gusto kung mapag isa. Kung sasabihin niyong OA kasi Exam lang, para kasi sa akin Pinakamahalaga na yun eh, gusto kong tuparin yung pangako ko kay papa na makapagtapos ako sa taon na to.
Tumingala ako sa langit ng bumuhos yung malakas na ulan, medyo dumilim ang langit at nagpalinga linga ako nandito na pala ako sa park, at ang saya kasi ako lang pala yung Tao. Napangite ako ng mapait at umiyak kasabay ang pagbuhos ng ulan.
"P---papa, P---papa Miss na kita" sabi ko, pero napatigil ako ng bigla ko na naman naramdaman ang isang mabagsik na tingin, nagpalinga linga ako at pilit na hinahanap ang tingin na yun. Nagsimula na naman akong makaramdam ng takot. Kahit anong pilit kung hinahanap hindi ko parin makita.
"M--may T--tao ba? W-wag mo akong takutin, K----kung ki-kidnappen Moko wala kaming pang ransom" sabi ko, pero diko parin maalis yung takot na nararamdaman ko.
Dahan dahan akong lumingon sa likod at doon May nakita akong Naka itim na jacket papalayo.
Ipinikit ko saglit ang mga mata ko baka kasi nagmamalikmata lang ako, pag tingin ko wala na ito.
Nanginginig na umalis ako ng park at naglalakad pauwi, pero andun parin yung nararamdaman kung May nakasunod sa akin, May mga matang tinitigan ako mula ulo hanggang Paa, binilisan ko ang paglalakad ko kahit ang lakas ng ulan patuloy pa rin ako sa paglalakad.
Shit nanginginig na ako, medyo nahihilo na ako, nakalimutan ko wala pala akong kain kanina. Hindi ko ininda ang nanghihinang katawan ko at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa umabot ako sa bahay.
Pagkapasok ko pa lang ramdam ko na yung sampal ni mama.
*Pak*
Napangiwi ako sa sakit at pinigilan na tumulo ang luha ko.
"BWESIT KA TALAGANG BATA KA, NAPAKATAMAD MO, WALA KA NANG IBANG GINAWA KUNDI ANG AATUPAGIN ANG PAG AARAL MO BWESIT KA" galit na sigaw na mama at hinila hila pa yung buhok ko.
"Aray! Ma ang sakit, nasasaktan ako ma!" Umiiyak na sabi ko.
"Masakit na raw ma" tumatawang sabi ni ate.
"MASAKIT? MASAKIT BA?" sabi niya at isang malakas na sampal ulit ang ibinigay sa akin.
"Ma!" Naiyak na tawag ko rito.
"Ano? Masakit? Wala kang pakinabang sa pamamahay na to....." Hindi ko na pinatapos pa si mama.
"Walang pakinabang? Naririnig mo ba ang sinasabi mo ma? Nagta-trabaho naman ako diba? Minsan nga inabutan na ako ng hating gabi sa daan dahil sa trabaho na dapat sa mga oras na iyon nandito ako sa bahay gumagawa ng school work at natutulog, pero hindi ma? Nagtrabaho ako, na yung pinagta-trabahuhan ko wala ako maski piso, kasi lahat ng yun ikaw yung kumukuha tapos sasabihin mo wala akong pakinabang sa bahay? Eh yung anak niyo meron? Bat di siya yung pagta-trabahuhin niyo! Total andito lang naman siya sa bahay, walang ibang ginawa kundi ang magpaganda......" Hindi ko ulit natapos ang sasabihin ko ng bigla akong sinampal ng malakas ni ate Kate na siyang ikinatumba ko.
"Kapal ng mukha mo wala kang karapatan na pagsabihan ako ng ganyan" galit na sabi ni ate Kate.
"Wala ba? Sa pagkaka alam ko Meron ate, kasi pamamahay ko to, bahay namin to ni papa, kung tutuusin ako yung May mas karapatan dito, hindi kayo" matatag na sabi ko habang yung luha ko hindi pa rin tumitigil sa kakaiyak.
"Aba't sumasagot Kana ngayon ah! Halika rito" galit na sabi ni mama at hinila yung buhok ko at ipinatayo ako, napapikit ako sa sakit, ramdam ko yung sakit ng anit ko.
"Aray! Ma! T--tama na P----please" nagmamakaawang sabi ko at pilit na inaalis yung kamay ni mama sa pagkakahawak ng buhok ko. Pero dahil malakas si mama diko magawa, ramdam ko na lang na isinubsob niya ako sa tubig.
"Mrrrphhhsvsy"
"Ano! Sasagot kapa?" Sabi pa niya at isinubsob ulit yung mukha ko sa tubig.
"Mrrphhbsjsu"
Kuya Jake! Tulong! Kuya kailangan ko ng tulong mo, kuya please, Papa Tulong!.
Natigil ni mama yung akmang pagsubsub ulit sa akin ng May tumawag sa kanya.
"Ma!" Sigaw ni kuya Jake.
"A--anak?" Sabi ni mama at binitawan ako na siyang dahilan na pagkakahiga ko.
Agad na lumapit si kuya Jake sa akin at ipinatong yung jacket niya sa braso ko tsaka niyakap ang nanginginig kung katawan.
"Ma, Kate! Ano na namang ginawa niyo?" Pigil na galit na sabi ni kuya Jake.
"Pinagsasabi mo? Binigyan lang namin ng leksyon..." Hindi na natapos ni mama ang sasabihin ng biglang sumabat si kuya Jake.
"LEKSYON? LEKSYON MA? LEKSYON BA NA HALOS PATAYIN NIYO NA YUNG BATA, KANINANG UMAGA IKINULONG NIYO TAPOS NGAYON ITO MAABUTAN KO NA PILIT NIYONG INILUNOD! TAO PA BA KAYO?" Galit na sabi ni kuya.
"Bata? Anak matanda na yan! At bakit sa kanya ka kumakampi, ako yung ina mo, kami yung kadugo mo, ano bang ipinakain sayo ng babaeng yan at kampi ka ng kampi sa kanya." Galit rin na sabi ni mama at ipinukol sa akin ang galit niyang tingin sa akin.
"Tama na Ma! Tama na! Bata man mo malaki na si Miai, pero baka nakakalimutan niyo ang ipinangako niyo kay papa bago siya mawala, na hindi niyo hahayaang masaktan si Miai, pero bakit kayo pa ang nanakit? Oo ma kadugo ko kayo, Pero Ma Hindi ganito ang pagtrato ni papa sa amin Nong buhay pa siya, Inalagaan niya kami, itinuring na parang sa kanya talaga nanggaling, ibinigay lahat ng gusto namin ni Kate, binigay lahat ng gusto mo, pero bakit sa parte ni Maia Unfair yung pagtrato niyo. At ikaw Kate Matanda Kana alam mo na dapat kung ano ang tama at mali." Nakita ko naman kung paano natahimik si mama at Kate, iginiya ako ng kuya paakyat sa hagdan at ipinasok sa kwarto saka niya ako pina upo, siya na rin ang kumuha ng susuutin ko.
"Miai, pumasok Kana muna sa CR at magbihis Kana muna" sabi ni kuya sa akin, tumango lang ako at pinunasan yung luha ko na hindi pa rin tumitigil sa pag tulo tsaka pumasok sa CR.
Pagkatapos kung magbihis nakita ko pa si kuya na nakaupo sa kama ko.
"Matutulog na ako kuya" nanghihinang sabi ko at ngumite sa kanya, bigla na lang tumingin si kuya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
"Pasensya sa ginawa ni mama at Kate, Ako na ang manghihingi ng tawad bunso! S---sorry" sabi ni kuya at ramdam kung May tumulong luha sa likod ko, alam ko umiiyak ang kuya ko.
"Okay lang ako kuya" sabi ko at nginitian siya.
"Wag kang mag alala, kuya mo pa rin ako, kahit hindi tayo magkadugo ako parin yung kuya mo, naiintindihan mo" sabi niya, tumango lang ako at humiga na, naramdaman ko pang hinawakan ni kuya yung buhok ko at hinalikan ako sa noo.
"Good night Miai" sabi niya at narinig ko na lang ang pagsara ng pinto, saka ko iminulat uli ang mata ko at pinahid ang luha na dahan dahan na namang tumulo sa mga mata ko.
Hanggang sa dahan dahan na akong inaantok.
–Miai
"Hoy!" Nabalik ako sa katinuan ng bigla akong hinawakan ni Jasmine sa kamay.
"A--ano?" Sabi ko at tiningnan siya na ikinataas ng kilay niya.
"Anong ano? Whuy Yung Cake mo puno na ng Icing oh, Ano bang problema mo?" Deretsahang sabi niya.
"W--wala" sabi ko at dahan dahan na nilinis yung icing.
"Wala? Eh kanina kapa nga tulala mabuti nalang ako yung nakakita, naku pag si Mr Lopez tiyak papagalitan Kana naman non" sabi ni Jasmine at tinapik tapik ako sa likod.
"Ano okay ka lang ba talaga?" Ulit na tanong niya, tumingin ako sa kanya at tumango.
"O sige, kapag kailangan mo ng tulong ko tawagin mo lang ako hah!" Nakangiting sabi niya.
Agad ko ng inalis yung dumi ng Icing Bago ko Ulit ito pinalitan. Napatingin ako sa Cellphone ko nag magring iyon.
Napangiti ako ng mapagtanto kung sino, and it was Aaron, My Long time Boyfriend.
"Hon?"
"Hi Hon, busy kaba?" Sabi niya sa kabilang linya.
"Busy pa, Bakit hon?"
"Tinatanong pa ba yan Miai? I want to spend more time with you, Boyfriend mo ako kaya dapat lang na tinatanong kita" sabi niya sa kabilang linya.
"Sorry, Babawi ako mamaya Hon, Di pa sa ngayon marami pa kaming Customer" sabi ko at narinig ko na lang na nagmura siya sa kabilang linya.
"Miai naman, Palagi na lang, Palagi Kana lang busy, Damn it" sabi niya.
"Mamaya na tayo mag usap Aaron, Babawi ako bye, Iloveyou"
"Babawi ka ha! I love you too" he said and I hung up the phone ng nakita ko na si Mister Lopez hays.
"Good morning sir" nakangiting sabi ko at tumango lang siya, sanay na kami dyan.
Inayos ko na yung sarili ko ng May isang sopistikadang babae ang pumasok kasabay ng anak ni Mr Lopez.
"Good morning Ms Angela" nakangiting bati ko kay Angela ang anak ng May ari ng Sikat na coffee shop na pinagtrabahuhan ko. Ngumite naman siya sa akin pabalik.
"Good morning Miai" sabi niya at tumingin sa likod niya.
"G-good Morning Po Ms" Nauutal na sambit ko ng makitang nakatitig ito sa akin ng mariin. Pero nagulat ako ng bigla itong ngumite sa akin.
"Don't be shy! Anyway In Maria Nadia, But call me Nadia" she said and offer her hands, napatitig ako sa kamay niya bago ko ito tinanggap at tama ako napakalambot ng kamay niya.
"Nice meeting you Miai" she said and smile.
"Let's go" nakangiting sabi ni Angela at pumasok na sa Kwarto na nakalaan para kay Angela.
Pagkaalis nila, bigla nalang lumapit si Jasmine at Hazel sa akin.
"Sana Lahat Kinausap" sabi ni Jasmine at tiningnan a g kwarto kung saan pumapasok sina Angela.
"Huh?" Sambit ko.
"Hays Mag Shift ka kaya ng umaga para makita mo paminsan minsan Si Ms Nadia at Ms Angela, alam mo bang Umaga lang yan sila pumunta rito, ngayon ko pa lang sila nakita na pumunta rito pag gabi" sabi ni Hazel.
"Oo nga, Tapos si Ms Angela lang talaga ang namamansin sa amin pero yung si Ms Nadia, never pa kami tinapunan ng ngiti" Sabi ni Jasmine. Umiling lang ako.
"Kung ano ano ang pumasok sa isip niyo, sige kayo baka lumabas yun at makita na nag uusap tayo, balik na!" Umiling na sabi ko, nagkibit balikat lang ang dalawa at bumalik na sa kanilang pwesto.
........
Napatingin ako sa relo ko ng mapagtanto na dinalaw na ako ng antok.
"Eleven na pala" sabi ko at kinuha ang bag ko.
"Oras mo na?" Tanong ni Jasmine
"Oo, Sige mauna na ako" sabi ko at kinuha ang bag ko tsaka lumabas sa coffee shop, Dali dali akong napatingin sa cellphone ko and damn si Aaron babawi pa pala ako sa kaniya. Dali dali akong tumakbo kung saan ang pinag-uusapan namin ni Aaron.
Pagdating ko doon, I saw him na inaantok na nag aantay sa akin.
"Honey" kinakabahan na saad ko at iniisip na galit na naman siya sa akin, pero i was wrong Kasi ngayon nakayakap na siya sa akin.
"Akala ko hindi Kana dadating" he whisper.
"I'm sorry kung natagalan ako" sabi ko at niyakap pa siya ng mahigpit.
"Akala ko hindi Kana talaga dadating, akala ko kinalimutan muna" sabi niya at kumalas ng yakap sa akin sabay May hinugot sa bulsa. And it's a box, napatingin ako sa kanya at nakita ko naman siya na nakangiti.
"Aaron" sabi ko habang naluluha.
"Happy 1st anniversary Honey" he said at isinuot sa akin ang kwentas.
"Honey" I don't know but I'm so speechless.
"I love you" sabi niya habang nakayakap sa akin. I hug him back.
"I love you too" sabi ko and stare at him, he smile back and slowly lean forward and kiss me passionately. I really love this guy, i want to spent my life together with him.
"Kumain Kana ba?" He ask when he cut our kiss.
"Tapos na, ikaw?" Balik tanong ko rito.
"Hindi pa eh! Tsaka wala ng Open ngayon kung hindi sa coffee shop na pinagtatrabahuhan mo" he said and smirk.
"Paano yan Dika kumakain" sabi ko, pero ngumite lang siya.
"Ikaw nalang kakainin ko" bumilog ang mga mata ko sa narinig na siya namang ikinatawa ng bahagya.
"Biro lang Honey, sa bahay nalang ako kakain, tara" sabi niya at inakbayan ako.
"Ihahatid na kita sa inyo, Honey" Aaron said pero umiling lang ako.
"Dilekado sa amin, ayokong pagtripan ka ng mga tambay sa kanto Dika pa naman sanay sa ganoong lugar" sabi ko at hinigpitan yung pagkakahawak sa kamay niya.
"Sasanayin ko para maihatid na kita palagi" he sweetly said.
Magsasalita pa sana ako ng biglang May tumawag sa akin, paglingon ko si kuya.
"Uwi na tayo" nakangiting sabi niya at saka Tumango May Aaron.
"Pre!" Tawag ni kuya kay Aaron.
"Ihahatid ko na kayo Jake, dala ko naman yung sasakyan ko" Sabi ni Aaron kay Kuya, pero umiling lang si kuya.
"Umuwi Kana Aaron, Kahit nakasakay kapa ng sasakyan kung pagtri-tripan ka pagtri-tripan ka talaga" seryosong sabi ni kuya, Tumango lang si Aaron at tsaka Tumingin sa akin tsaka ako niyakap ng Mahigpit.
"Ingat kayo sa Pag uwi" sabi niya, pero rinig ko pa yung buntong hininga niya.
"What's wrong?" I ask.
"Ma miss na naman kita" he said tumawa ako ng bahagya tsaka kumalas sa kanya, bago kami umalis pina una muna namin na makaalis ang sasakyan ni Aaron.
"Tara na" sabi ni kuya, at Hinigpitan yung pagkaka akbay sa akin.
"Hindi ba pwedeng Mag Shift ka sa trabaho mo Miai?" Tanong ni kuya Habang naglalakad kami.
"Hindi pwede kuya, Nag aaral ako sa umaga eh" sabi ko at tiningnan siya.
"Bakit ba kasi ang sipag mo! Pwede naman kitang paaralin eh, tsaka nangako ako sa papa mo na naging papa ko na rin na di kita pababayaan" sabi niya at kumunot yung ilong ko.
"Dimo naman ako pinababayaan kuya eh, tsaka ang pagtrabaho ko na ito, it's my decision...."
"Your decision o Decision nila Mama" sabi ni kuya, at bumuntong hininga.
"HAHAHAHA"
Humigpit lalo ang pagkaka-akbay sa akin ni kuya ng mapagtanto ng marami ang lalaki sa gilid ng daan.
"Mabuti at sinundo kita ngayon" seryoso na sabi ni kuya, at mas lalo akong kinabahan ng tumingin sa amin yung mga lalaki, di namin sila kilala.
"Witwew" sabi ng isa sa kanila.
"Chicks pre" sabi naman ng isa at nagsipag tawanan ang mga kasama niya.
"Pare" tawag na naman ng isa sa kanila kay kuya. Lumingon naman si kuya.
"Girlfriend mo?" Tumatawang sabi ng isa.
"Kapatid ko" Magalang na sabi ni kuya at hinigpitan ang pag kaakbay sa akin.
"Ganda naman ng kapatid mo, Baka naman! Kahit ngayong gabi lang" saad niya at nagsitawanan.
"Pare, Kapatid ko ang binabastos mo" pigil na galit na sabi ni kuya, bumilis na yung t***k na puso ko, hindi sa pwedeng mangyari sa akin kundi kay kuya.
"K--kuya T--tara na" nauutal na sabi ko.
"Ay natatakot na si Miss Ganda" hahawakan na sana ako ng lalaking Naka Puti ng bigla nalang itong sinuntok niya kuya.
"Wag na wag mong hahawakan ang kapatid ko" Malamig na sabi ni kuya.
"Aba't G*go to ah!" Napasigaw ako ng bigla akong itinulak ni kuya sa May basurahan at sinuntok ang susuntok sana sa kanya.
"KUYA!" Nanginginig na tawag ko, akala ko titigil na sila pero bigla na lang nilang hinawakan si kuya sa magkabilang braso, nanlaban si kuya pero malakas ang pwersang humawak sa kanya.
"Tang*na mong G*go ka!" Sabi ng isa at sinikmuraan si kuya.
"KUYA" sigaw ko at tumakbo upang awatin sana sila pero agad akong napigilan ng mga kasamahan Nong lalaki.
"Pakawalan niyo yung kapatid ko...Arghh" napasigaw si kuya ng sinikmuraan ulit siya, hindi kona napigilan yung luha ko.
"Pakawalan niyo si Kuya" naiyak na sabi ko. At pinipilit na makaalis sa pagkakahawak nila.
Lalong tumulo yung luha ko ng makita ko paano nila pinagsusuntok si Kuya Jake at kung paano ito sumuka ng dugo.
"K--KUYA!!" Naluluhang sabi ko, pero patuloy parin sila sa ginagawa nila.
"Argh!!" Namimilit na sabi ni kuya.
"TAMA NA!" sabi ko at pinilit na makatakas pero ang lakas nila, napaiyak na lang ako, Jusko! Yung kuya ko, Hindi pa rin sila tumitigil kahit na naliligo na si kuya ng sarili niyang dugo.
"KUYA!! T--TAMA NA T--TAMA NA!" Lalo pa akong Nag wala ng bumunot ang isang lalaki ng kutsilyo sa likod niya.
"KUYA!" Sinipa ko ang isang lalaki at isinunod ko naman yung pangalawa, nang mabitawan nila ako agad akong pumunta kay Kuya at niyakap siya, pero inikot niya ako at.........
"Arghh" ngumite sa akin si kuya.
"KUYA!!" Umiiyak na tawag ko sa kanya ng makitang dahan dahan siyang napa upo.
"KUYA!" Tawag ko sa kanya, Kuya! Nabigla rin yung lalaki kanina.
"Takbo na!" Sabi nila at Nag sitakbuhan na parang walang nangyari.
"K-kuya Wag kang pipikit, Kuya naman wag K--kang P--pikit P----please w--wag mo k--kong iwan" Patuloy pa rin yung luha ko sa pagtulo.
"TULONG! TULONG! TULONG!" Nagbabakasaling sigaw ko baka May makarinig.
"P--prinsesa namin ni P---papa, D--diba s--sabi K--ko s--sayo, p--poprotektahan kita, p--pangako K--ko k--kay Papa na Po-protektahan ko Y--yung prinsesa niya, nagawa ko! Nagawa ko" nanghihinang sabi ni kuya at pinahid yung luhang kanina pa pumapatak sa mga mata ko.
"P--pasensiya na K----kung H---hindi na kita ma protektahan pa, P--pero nangangako ako, na B--babantayan kita, Babantayan ka namin ni Papa, kayo nina Mama at Kate" sabi niya na Ngumingiti pa.
"W--wag kanang magsalita please" sabi ko at niyakap siya.
"TULONG! PLEASE TULONG!"
"Wag Kang Pipikit! K--kuya!" Sabi ko at nagpatuloy sa pag iyak.
.........
Naipasok na si kuya si ER, at ako andito pa May dugo pa yung damit ko, nakaupo ako ngayon at pilit na kinalma yung sarili ko pero hindi parin, kusa parin itong tutulo,
Wag mokong iwan kuya! Dati si Papa! Wag naman kayong ganyan. Wag naman kayong mang iiwan, Kailangan ko kayo, Kuya Kailangan kita! Please! Wag mokong iwan, napapikit ako at lihim na nagdasal. Pero Napadilat ako ng isang malakas na sampal ang dumapo sa Pisnge ko.
"Mama" nanghihinang sabi ko.
"WAG NA WAG MO AKONG MATATAWAG NA MAMA, HAYOP KA! IKAW ANG DAHILAN KUNG BAKIT NANGYARI KAY JAKE TO!" Galit na sabi ni mama at isang sampal ulit ang ibinigay sa akin, ramdam ko yung galit at panggigil ni Mama habang nilalapat ang mga kamay sa pisnge ko.
"S---sorry" lumuluhod na sabi ko kay mama pero sinampal niya lang ako, Ramdam ko na yung pamamanhid ng dalawang pisnge ko pero wala akong paki alam.
"SORRY? MAY MAGAGAWA PA BA YUNG SORRY MO? WALA! NARINIG MO YUN! WALA!" Umiiyak na rin na sabi ni Mama, Habang si Ate Kate Pilit na pinakalma si Mama, kita ko rin kung paano tumulo yung luha niya.
"S---sorry" Napayukong sabi ko at pilit na hinahawakan ang kamay ni mama pero pilit niya ring winawaksi.
Pinaupo muna si Mama ni ate Kate, tumayo ako at pilit na kinalma ang sarili ko, lumapit ako sa pinto at tumingin sa maliit na bintana pero bigla nalang ulit akong kinabahan ng makita yung mga Nurse na nagsitinginan na!
Wag naman please!!!
Pero kasabay ng pagtulo ng luha ko ay ang pag-iling ng Doctor at mga nurse sabay tingin sa relo at pagsabing.
"Time of Death 11:59 PM" Pagkasabi ng Doctor ay agad itong lumabas at doon parang guguho yung mundo ko, napatulala ako habang dahan dahang napa upo.
Lumapit yung Doctor kay Mama at ate Kate.
"Sorry Ma'am we try to revive the patient pero hindi na po niya kinaya kasi marami Pong dugo ang nawala sa kanya, I'm sorry Ma'am" sabi ng Doctor, kita ko naman si Mama at ate alam ko rin na parang guguho rin yung mundo nila.
"Kuya!" Mahinang usal ko.
"Bakit mo ko iniwan?, Bakit ang daya mo" naiiyak na sabi ko at tumingala.