Nagising si Georgina na mabigat pa rin ang pakiramdam. Inayos na nya ang sarili at isa-isa nang isinilid sa kanyang bag ang mga damit na dadalhin nya sa pag-uwi. Matagal nyang tinitigan ang sarili sa salamin. Sa sandaling panahon ay marami ang nabago sa kanyang hitsura na hindi nya noon pinagtutuunan ng pansin. Ngunit ngayon, halos hindi na nya mabilang kung ilang beses nya nang sinusuklay ang kanyang buhok. Samantalang noon ay basta nya na lamang ito ipinupuyod sa likod. Ang kanyang kilay na maayos at maganda ang pagkaka-korte ay alaga nya sa bunot o di kaya ay ahit. Nawiwili na rin sya sa paglalagay ng kung anu-ano sa mukha, kaya naman natural na mamula-mula ang kanyang mga pisngi. Ang dating lotion nya na moisturizer lamang noon ay pinalitan na nya ng with whitening at UV protection. A

