Nakaka-limang hakbang na si George nang may kumapit nang mahigpit sa kanyang braso. Hayon si Adam sa kanyang likuran, tila nag-jogging nang sampung kilometro. Basa ng pawis ang katawan at nakatapis lamang ng tuwalya. Lumapit sa kanya si Adam. Gamit ang hintuturo ay dahan-dahan nitong itinikom ang kanyang bibig na bahagyang nakaawang. Sinimplihan nya ng kapa ang gilid ng kanyang mga labi. Mga ilang segundo rin kasi syang napanganga. Mahirap na, baka may tumulo pala. Tinapik nya ang kamay ni Adam. “Kanina ka pa?” hinihingal nitong tanong. “Hindi, ngayon-ngayon lang. Akala ko walang tao eh, katok ako nang katok.” Gusto ko na nga rin katukin yang bumbunan mo eh. “Ows? Di ka tumuloy? Kasi nakita ka ni ano... ano nga bang pangalan non? Ah basta, nakita ka raw nya palabas ng pinto.”

