“Ma.” “Nak?” Nasa hapag sila ng mama nya nang umagang iyon. Kanina pa paikot-ikot ang pwet nya sa upuan, di malaman kung papaanong paalam ang gagawin sa ina. Siguradong magtataka ito kapag nawala sya ng isang buwan. Ano kayang magandang idahilan nya? Bakasyon? Part-time job? Ano kaya? Di naman nya pwedeng sabihin na makikipag-live in sya at baka tumuwid ang kulot nitong buhok. Isa rin 'to, alumpihit din sa kinauupuan. “Ano ba yong sasabihan nyo, Ma? Sabihin nyo na po, hindi yung kikibot-kibot kayo riyan,” Kunot noo nyang sabi sa ina. “Ah... ano kasi anak, championship namin sa zumba,” alanganin namang sagot nito. “Pati ba naman zumba ginawang contest? Oh eh ano ho ngayon?” “Dalawang linggo ako mawawala.” Di ito makatingin ng deretso sa kanya. “Aba, Ma, baka ho m

