Dinala ni Adam si George sa bahay ng kanyang kaibigan, ang kumag nyang kaibigan na si Paolo. Naroon halos lahat nang kanyang “kaibigan,” mga kaibigan na sa kalokohan nya lamang maaasahan. Pagkapasok pa lamang nila ni Georgina sa gate ay naghiyawan na agad ang mga kalalkihan. Kilala sya ng mga ito na iba-iba at kabi-kabila ang mga babae. Kaya naman ganoon na lamang kung kantyawan sya ng mga ito. Paano di maghihiyawan, sanay ang mga kabarkada nya na ang dinadala nyang babae sa ibat-ibang lugar ay halos mga walang saplot at grabe kung makapulupot. Masasabi ring may mga class at naggagandahan ang mga ito. Kaya naman abang na abang ang mga kumag kapag isinasantabi nya sa tuwing sya ay sawa na. Taliwas sa suot ni George na naka-fitted pants at fitted shirt, kung saan hubog na hubog ang bawat kur

