Lauren's POV Pagpasok ko sa gate nakita ko kaagad si Ezekiel kaya lumiko ako para hindi kami magkasalubong. Masama ang loob ko noong nalaman kong hindi pala totoo na na-ospital si Kianna. Bakit siya magbibiro ng ganoon 'di ba? Hindi naman magandang biro iyon. Tsaka, ginawa lang pala niya iyon para pagtripan ako... at para sa babae niya. Papasok na ako sa room noong naabutan niya ako. "Can I talk to you?" he asked. "No," mabilis na pagtanggi ko. Papasok na sana ulit ako pero humarang siya sa pintuan. "Please?" Ginagamitan na naman ako ng pagpapa-cute. Gumilid kami para hindi makaabala sa mga nagdadaan. Wala naman talaga akong balak na kausapin siya. I knew he enjoys having fun but that is too much for me. "What?" masungit na pagtatanong ko. "Lauren, so-sorry." What is so uncomfortab

