Ezekiel’s POV
Maaga akong nagkaroon ng bisita ngayong araw, ah? Katatapos ko lang maligo pero may kumakatok na sa harap ng condo ko. Wala naman akong inaasahang bisita. Sobrang dami ng pagkatok kaya binuksan ko kaagad pagkatapos kong magbihis.
Nagtaka ako kasi nakita ko si Angelo samantalang may susi naman siya sa condo ko. Pwede naman siyang dumiretso.
“Oh? Angelo, ikaw pa—” I did not manage to finish what I'm about to say because he punched me. What was that!? Hindi kami masyadong nag-uusap dahil nagagalit siya sa'kin kapag inaasar ko si Lauren. Hindi ko nga maintindihan kung bakit apektado siya kapag si Lauren na ang pinag-uusapan namin.
"Damn. What's your problem?!"
He did not answer me. Pagkatapos niya akong suntukin ay umalis na siya. Para saan naman iyon? Wala naman akong naaalala na ginawa sa kanya?? Baliw na siya? Masakit ang suntok niya.
"Did I date someone he dated?" pagka-usap sa sarili. I have no clue. At all.
Pagpasok ko naman sa loob ay may tumatawag. Number lang. Sino naman kaya ito?
"Hello?"
["Kiel, it's Kelly."]
"Are you looking for Dan? Hindi ko siya kasama." Napa-iling nalang ako. Mukhang hindi pa rin seryoso si Dan dahil pinagtataguan pa rin niya ang mga babae.
["Maybe you don't like me for Dan. I actually don't care if he is serious about our relationship or not. But Kiel, you should not involve Renren with your stupid acts. How dare you to bully her? Sumaya ka ba na dinala mo siya sa ospital na naka-pambahay? Masaya ka ba na sumama siya sa'yo dahil lang sa binanggit mo ang pangalan ni Kianna? What is wrong with you? Hindi naman namin kayo pinipigilan na makipaglandian sa ibang babae, ah? Bakit kailangan mong idamay si Renren?"] So, nakapagsumbong na pala si Lauren sa kanya? Bakit siya ang tumatawag sa'kin? Kayang-kaya naman iyon gawin ng kaibigan niya. Mas masungit nga iyong kaibigan niya kaysa sa kanya, eh.
"Wait... ano’ng sinasabi mo? Alam ba ni Dan na kinakausap mo ako? Baka kung ano pa'ng isipin niya sa'kin dahil sa'yo." Napa-iling nalang ako. Ano’ng problema niya?
Oh, I remembered that. Papunta ako sa date ko kahapon noong makita ko si Renren. Nurse kasi sa ospital na iyon ang ka-date ko kaya susunduin ko sana, nakita ko bigla si Lauren kaya naisip kong isama siya. Bakit ba siya nagagalit? Iniwan nga ako ng kaibigan niya kahapon. Besides, joke lang naman iyon, eh. Inaasar ko lang si Lauren.
["Wala ka pa ring pinagbago,"] she said.
"I don't understand you."
["Para maintindihan mo, huwag mo na ulit gagawin kay Renren ang ginawa mo kahapon. She can't go to the hospitals. Hindi niya kaya, okay? I bet, she doesn't want to see your face again."]
"Wait. Ano ba'ng—" But she ended the call.
Ano'ng ibig niyang sabihin na hindi nakakapunta sa ospital si Lauren? Nakapasok nga kami. As if I care. Ano naman kung pinagtripan ko lang talaga si Lauren kahapon dahil nakita ko siyang naglalakad? Hindi naman iyon nagagalit sa'kin.
Magkikita pa naman kami nila Angelo at Dan ngayon. Ang sakit talaga ng suntok niya sa'kin. Ano ba'ng ginawa ko sa kanya?
MAAGA AKONG UMALIS PARA pumunta sa bahay nila Dan. Madalas kaming tumambay sa kanila kapag walang pasok dahil cool ang parents niya at close kami sa kanila.
Nagulat nga siya na maaga akong dumating.
"Wow, first time. Hindi ka napuyat kagabi kay nurse?" pang-aasar pa niya sa'kin.
"Gago. Nasaan na iyong kaibigan mo?"
"Mukhang nasampal ka niya, ah? Hindi ka na ba magaling?" And, he is referring to my face. Siguro halata na ang pagkakasuntok ni Angelo sa'kin.
"Ito ba?" Sabay turo sa mukha ko at parte nito na sumasakit. "Si Angelo ang sumuntok sa'kin," casual na pagsusumbong sa isang kaibigan.
"Bakit?"
"Hindi ko alam! Hindi niya sinagot ang tanong ko. Pagkasuntok niya sa'kin ay umalis na kaagad. Tama ba iyon?"
"Nandiyan na pala si Angelo."
Binati ni Angelo si Dan pero dinaanan lang ako. Nagkatinginan pa nga kami ni Dan dahil hindi naman basta-basta nagagalit at nanununtok si Angelo. Ngayon lang niya ito ginawa sa'kin at hindi ko alam kung ano ang dahilan. Pinagsasabihan niya kami kapag paiba-iba kami ng babae dahil may matino siyang girlfriend pero hindi kami nagsusuntukan.
"Balita ko sinuntok mo si Kiel?" pagsisimula ni Dan.
"He deserves more than that," sagot naman niya nang hindi nakatingin sa'kin.
"Teka nga lang. Naguguluhan ako... bakit ba kayo nag-aaway? Huwag niyo sabihing babae ang dahilan?"
Ngumisi si Angelo. "Hindi mo alam? Bakit hindi mo itanong sa girlfriend mo?"
"Bakit naman nadamay si Kelly?" pagtatanong ni Dan habang pabalik-balik ang tingin sa'ming dalawa dahil naguguluhan na siya. I don’t know what’s going on with him.
"Tumawag din sa'kin si Kelly kanina. Galit siya dahil sa ginawa ko kay Lauren," I admitted. I understand why Kelly called but why did Angelo punch me? Is it about Lauren too?
"Ano ba'ng ginawa mo? Alam mo, hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Ano'ng ginawa niyong dalawa, ha?" pangungulit ni Dan.
"Kausapin mo iyong kaibigan mo. Nagsisimula na naman ng g**o," sagot ni Angelo.
Meaning to say, galit siya sa'kin dahil sa ginawa ko kay Lauren? Is that a big deal? Madalas ko naman iyon gawin sa ibang babae tsaka alam nilang natutuwa ako sa pang-aasar kay Lauren. Hindi nga niya sinasagot ang tawag ko at hindi siya pumasok kahapon. Minsan nga umaalis ako after kong pasayahin ang mga babae. Call me jerk, but... that's me. Hindi iyon magbabago dahil sa isang babae.
Alam ba ni Lauren na may girlfriend si Angelo? Bakit parang close na close sila? He is just being weird. Hindi ako maniniwala na magkaibigan lang sila. Just friends? Is that possible? I can admit that Lauren is a good-looking woman. Si Angelo ang pinaka-matino sa'ming tatlo kaya hindi ako magtataka kung siya ang nagugustuhan. But... Angelo has a girlfriend. Still, it's not possible na nililigawan niya si Lauren.
Tinawagan ko si Lauren gamit ang number ni Dan dahil hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Hindi naman kami pinigilan ni Angelo.
"Hello? Lauren?"
["Sino 'to?"] Mahina ang boses niya at parang bagong gising lang.
"It's me, Kiel." With that, she ended the call. Pinagtawanan lang ako ni Dan dahil hindi raw ume-epekto ang charm ko kay Lauren. That's true. Kung ibang babae ito, matutuwa pa na ako ang tumawag. Hindi ko madalas ginagamit ang cell phone ko. Minsan nga ay nagiging accessory ko na lang.
"I'll call my girl. Sana sumagot na siya. Dinadamay niyo ako sa kalokohan niyo," ani Dan.
Tuwang-tuwa ang loko noong sumagot ang girlfriend niya.
"Kelly! I've been calling you since last night!" Ni-loud speak ni Dan para marinig namin.
["I know,"] tanging sagot lang nito. Hindi malambing.
"What's the matter?"
Hindi yata niya narinig ang tanong ni Dan at parang nahulog ang cell phone niya. Naririnig lang namin ang sigawan sa kabilang line. ["Renren! What happened? Kanina pa ako nandito, can you at least open the door? Okay? Ganiyan ba ang okay? You are not okay! Let me in... Renren, you are making me sick again… Just open the door!"] Nag-aaway ba sila ni Lauren? Nagkatinginan nga kami ni Dan.
"Dude, galit si Kelly kapag ganiyan na magsalita. What did you do?" pagtatanong niya.
Hindi ako sumagot dahil nagsalita ulit si Kelly. Mukhang binuksan na ni Lauren ang pinto.
["Look at you, paano ka naging okay kung ganiyan ang itsura mo? I'm fine."] Nagkatinginan ulit kami ni Dan. Alam naming maling makinig pero Lauren's voice sounds really fine. ["Ako pa ang lolokohin mo? Kung galit ka, ipakita mo sa'kin. Kung malungkot ka, walang masamang umiiyak. Stop pretending to everyone lalo na sa'kin! Kanino mo ba gustong ipakita na masaya at maayos ka kahit hindi na? Stop pretending to be strong! Pretending is not being strong. You are weak to acknowledge your true feelings... And that is not my best friend."] Dahil ba ito sa ginawa ko? Okay naman kami kahapon ‘di ba?
["Okay lang ako. Leave me alone, pwede ba? Gusto kong mapag-isa,"] sagot naman ni Lauren. Sinisiglahan pa rin ang boses niya pero medyo may sadness na sa tono nito.
["Iyon nga ang ayaw kong maramdaman mo. You are not alone. Nandito ako 'di ba? Nandito kami ni Angelo. Hindi lang naman ito dahil sa pagpunta mo sa ospital 'di ba? What else? May sinabi na naman sa'yo ang Daddy mo?"] Nagkatinginan kami ni Dan noong binanggit ni Kelly ang pangalan ni Angelo. Parang close silang tatlo. Nagtaka nga rin si Dan sa pagbanggit ng girlfriend niya sa pangalan ni Angelo. At ang pagkakaalam ko, wala na siyang parents.
"Akala ko ba ay wala na siyang parents? At bakit ka nasama sa usapan nila, ha, Angelo?" tanong ni Dan. Mukhang nakalimutan ni Kelly na kausap niya si Dan.
Hindi naman sumagot si Angelo.
["Bakit ganoon? Bakit hindi ko pa rin kayang pumunta sa ospital? Paano kung kailangan ko talagang may puntahan sa lugar na iyon? Ganoon ba ako kahina?"] pagtatanong ni Lauren. What is happening?
["Bakit mo pipiliting pumunta sa lugar na pwede mong ikamatay? You almost fainted last day! Kung hindi ka nakita ni Angelo ay baka natuluyan ka na! Huwag ka na babalik sa ospital! Alam mo namang hindi biro ang nararamdaman mo kapag nandoon ka pero tumuloy ka pa! Kasalanan ng Kiel na iyon, eh!"]
["Kelly, ang OA mo... nanghina lang naman ako kahapon. Tsaka hindi naman niya kasalanan. Hindi naman niya ako pinilit na sumama."] Hindi ko naman talaga siya pinilit.
["Nanghina ka tapos ano'ng susunod doon? Napakakulit mo! Hindi ka pinilit ng Kiel na iyon kasi nagsinungaling sa'yo na nasa ospital si Kianna!"] masungit na sagot ni Kelly.
["Wait... He lied? Why would he do that?"] sagot naman ni Lauren.
["Gusto ka lang siguro niyang isama sa ospital. Hindi ko alam sa lalaking iyon,”] Kelly said.
["He is Kianna's brother. There must be a reason. There's always a reason."] Bakit habang pinapakinggan ko ang sagot ni Lauren ay nakokonsensya ako?
["Kahit na. Hindi tama ang ginawa niya. Nang malaman nga ni Angelo ang ginawa ni Kiel sa'yo ay sinugod niya ito at sinuntok! Well... hindi iyon gawain ni Angelo pero alam mo naman na nagbabago iyon pagdating sa'yo."] I’m really curious about this.
["Let's not talk about him,"] pag-iwas naman ni Lauren.
Nagulat kami noong nag-end call si Angelo!
"Dude, bakit mo ibinaba?" tanong ni Dan.
"Dan, that's private. We should not listen in the first place. Nagalit kami ni Kelly dahil sa ginawa ng kaibigan mo kay Renren. She was traumatized and he needs to apologize."
"Bakit?" pagtatanong ko naman.
"Hindi mo ba narinig na iniintindi ka pa niya at ipinagtatanggol? We let many girls in to our life but we don't hurt them like this. Mag-sorry ka." Kinampihan pa ni Dan si Angelo.
"Pati ba naman ikaw?" I hissed.
Lumapit sa'min si Angelo. "Tapatin mo nga ako... may gusto ka ba kay Renren? Hindi ka naman naging close sa ibang babae kagaya ng closeness niyo ni Renren."
"Ano naman sa'yo? Bakit affected ka masyado?" may panghahamon na tanong ko sa kanya.
"Hindi mo siya pwedeng ligawan!"
Pumagitna na sa'min si Dan. "Ano ba'ng problema niyo!? Nagkakaganiyan kayo dahil sa isang babae?"
"Sagutin mo ang tanong ko Kiel. May gusto ka ba kay Renren?" Hindi nagpatinag si Angelo dahil inulit lang ang tanong.
"Paano kung sabihin ko sa'yo na oo. Oo, gusto ko siya!"
Bigla niya akong sinuntok. Nakaka-dalawa na siya sa'kin at hindi na ako natutuwa. Mabuti nalang, nasa gitna namin si Dan kaya hindi kami nagpang-abot.
"Teka lang!" sigaw ni Dan at tiningnan si Angelo. "Angelo, ano ba'ng problema kung magkagusto at ligawan ni Kiel si Renren? Baka nakakalimutan mong may girlfriend ka? Si Renren na ang bahala roon kung magpapaloko siya 'di ba?" Pagkatapos ay tumingin siya sa'kin. "Ikaw naman Kiel, kung may gusto ka kay Renren bakit hindi mo ipakita? Sa pang-aasar ka nalang ba talaga magaling? Ang laki ng problema niyong dalawa, eh!"
"Bago mo maligawan si Renren, dadaan ka muna sa'kin!" sigaw ni Angelo.
"Bakit naman?!" ganting sigaw ko sa kanya.
"Kaibigan kita pero hindi ako papayag na saktan mo ang kapatid ko!" With that, napatingin lang kami ni Dan kay Angelo.
"Ha? Ulitin mo nga iyong sinabi mo," request ko sa kanya.
"Renren is my sister."