"Ate Renren." Nagising ako dahil sa pagtawag ni Angelo. Hapon pa ang klase ko kaya may oras pa akong magpahinga at gumawa ng dapat gawin. Dito kaya natulog si Angelo? Lasing siguro kagabi kaya hindi nakauwi sa bahay nila.
Madalas niya akong tawaging Ate Renren kapag kami lang ang magkasama kasi alam niyang gustong-gusto kong iyon.
Pinagbuksan ko siya.
"Ano'ng ginagawa mo rito?"
"Thank you.” Sabay pag-angat ng regalo habang nakangiti na parang bata.
"Hindi iyan galing sa'kin," sabi ko nalang kahit taon-taon kong itinatanggi na ako ang nagbibigay ng regalo sa kanya. Nakakatuwa kasi, parang bata talaga siya. Malayong-malayo sa itsura niya kapag kasama iyong mga kaibigan niya.
"Umuwi ka na, mamaya pa ang klase ko kaya matutulog pa ako."
"Dito muna ako."
"Bahala ka."
Sinubukan kong matulog ulit pero hindi na ulit ako makatulog kaya lumabas ako para maglakad-lakad. Mukhang lasing nga si Angelo dahil nakatulog kaagad siya. Sinilip ko iyong kwarto niya. Kakalinis ko lang nito pero napaka-kalat na agad. Tss, mga lalaki talaga.
Kapag wala akong magawa sa apartment ay naglalakad-lakad talaga ako rito. Minsan nga ay nakakasalubong ko si Kianna kapag nagjo-jogging siya. Medyo malapit lang ang bahay nila sa apartment ko kaya kapag bored ako ay tinetext ko lang siya para magkita kami, or vice versa. Ayoko naman magpunta sa park dahil nagiging tambayan na yata iyon ni Ezekiel. Palagi siyang nandoon kapag nagpupunta ako.
And now, I just wanted to be alone.
Naglalakad lang ako while listening to my favorite music. Pero naistorbo ako noong napansin ko na may sasakyan na sumusunod sa'kin. Tinanggal ko iyong earphones ko at doon ko lang na-realized na bumubusina pala ito kaya huminto ako.
"Ezekiel? Ano'ng problema mo?"
"Did Kianna call you?" He looks concern kaya kinabahan ako.
"Hindi. What happened?"
"Someone called me using her phone to let me know that she fainted. And she is in the hospital right now. Gusto mo bang sumama?" Hindi ko na naintindihan ang iba pa niyang sinabi. Basta nalang akong sumakay sa kotse niya. Syempre, binuksan ko nang bahagya ang bintana.
Bakit siya nasa ospital? Nag-message kaagad ako kay Angelo na kasama ko ang kaibigan niya at pupuntahan ko si Kianna sa ospital. Kinakabahan ako.
"What happened to her?"
"I have no idea. Hindi naman siya basta-basta nahihimatay, eh."
"I hope she's fine," sagot ko nalang sa kanya.
Nakita kong tiningnan niya ako noong nakahinto kami. "I hope you're fine too. Namumutla ka." Hinawakan niya ang noo ko para tingnan ang temperature ko. Kaagad ko namang inalis ang kamay niya. "Relax. I'm just checking your temperature."
"I'm fine. Green na iyong light, tara na."
Tinatawagan ako ni Angelo pero hindi ko sinasagot. Kailangan kong makita si Kianna. Baka pigilan niya ako kapag sinagot ko ang tawag niya.
Tumawag siya kay Ezekiel.
Sinagot niya pero nakaloud-speaker, hindi naka-bluetooth ngayon kasi baka nagmamadali siya.
“Kiel, ibalik mo sa apartment si Renren. Ngayon na.” Galit na naman siya.
“Pupunta lang kami sa ospital,” sagot niya sa kaibigan.
“Kiel—” Hindi na niya naituloy iyong sasabihin niya kasi binabaan ko na. Tinanong nga ako ni Ezekiel kung bakit ko binabaan si Angelo. Sabi ko nalang ay dapat siyang mag-focus sa pagda-drive. Totoo naman pero baka kasi kung ano pa'ng sabihin ni Angelo sa kanya. Mamaya ko nalang haharapin iyong galit niya. Sinusubukan ko kasing tawagan si Kianna pero hindi niya sinasagot.
Nag-aalala ako sa kanya. Sabi ko naman sa kanya ay huwag niya akong gagayahin sa pagpapabaya sa sarili ko.
HINDI KAAGAD AKO BUMABA noong nakarating kami sa ospital. Bigla akong kinabahan. Kaya ko ba? I was traumatized noong huli kong pasok sa ospital kaya hindi ako nagpapadala sa ospital. Those memories from past still hunts me.
Pinagbukas pa tuloy ako ng pinto ni Ezekiel kahit hindi niya iyon gawain.
"Okay ka lang? You look so pale," he asked.
"O-okay lang."
Medyo nahuhuli akong maglakad kaya kinaladkad na ako ni Ezekiel papunta sa ospital, habang naglalakad nga kami ay gusto kong pumikit para hindi makita iyong mga tao. s**t. Nandito pa rin iyong ganitong feeling. Nakakatakot pa rin. Naramdaman siguro niya na humihigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya kaya huminto siya.
"Okay ka lang ba talaga?" he asked again.
"Oo. Mauna ka na, pupunta lang ako sa restroom."
Grabe. I still hate this place. Alam kong maraming naliligtas dito pero hindi pa rin kasi nagbabago ang memories ko sa lugar na ito.
Okay lang kaya si Kianna? Tss.
Paglabas ko sa restroom, nabigla ako dahil mas maingay na pagkatapos ay may nagdaan na isang duguang babae habang umiiyak iyong anak niya kasama ang tatay niya. With that, bigla nalang nag-flashback iyong ala-ala ko and the next thing I knew... naka-upo na ako sa floor habang umiiyak. Sinubukan kong tumayo pero nanghihina ako.
"RENREN!"
"Angelo... I think... I think, I saw Mommy." It happened all time. It feels like I'm seeing my mom whenever I saw a woman with blood. Tinulungan niya akong tumayo at isinakay sa kotse niya. Alam niyang hindi ako sumasakay sa sasakyan kapag hindi bukas ang bintana kaya binuksan na niya ito para sa'kin. Hindi ko lang binubuksan ang bintana ng sasakyan ni Ezekiel dahil ayoko sa pabango niya, palusot ko lang iyon. Madami akong ayaw sa mundong ito na hindi maiintindihan ng ibang tao. Sinusubukan kong labanan ang takot at kahinaan ko pero nandito pa rin.
Umiiyak pa rin ako pero hindi ko tinitingnan si Angelo kasi nahihiya ako. Nakita na naman niya akong ganito. Tsaka galit na naman siya sa'kin.
"Alam mo naman na hindi mo kayang pumunta sa ospital pero sumama ka pa rin."
"Sorry. Si Kianna kasi nasa ospital daw."
"She's fine, okay? Bago mo isipin ang ibang tao, isipin mo ang sarili mo. Tingnan mo nga ang sarili mo, halos hindi ka na nga makatayo kanina. As much as I want to ignore you kagaya ng gusto mo, hindi ko kaya. We are family. How can you expect me to just ignore you?" Here we go again. Alam niya talaga kung kailan ipapasok ang ganiyang usapan.
"We are not related. Do you expect me to believe that, kinaya nga ni Daddy na kalimutan at iwanan ako 'di ba? Ano'ng difference ng iba?" I sobbed.
"Palibhasa kasi lahat kami ay itinutulad mo sa kanya. Bakit hindi mo kasi bigyan ng chance? Gusto mo ba talagang mabuhay mag-isa? Akala mo ba masaya iyon?"
Pinunasan ko ang luha ko bago sumagot sa kanya. "Bakit? Sa tingin mo ba ay hindi ko alam kung gaano kalungkot? Sa tingin mo ba ay masaya ako? Sige, tutal gusto mo naman na maging honest ako sa'yo, magpakatotoo na tayo rito. Gustong-gusto ko iyong idea ng family natin kasi malaking pamilya tayo. The thing is, hindi lahat ng miyembro ng pamilya natin ay itinuturing akong kapamilya. Hindi mo kasi alam kung gaano kahirap iyong wala manlang gustong mag-welcome sa'yo sa sarili mong pamilya."
"Because you are pushing us away!" he shouted.
"Pero alam mong ayaw ko ng ginagawa ko!"
"Then don't! Stop pushing us away!"
"Paano? I don't think, I can start all over again."
"Let me help you... Let us help you," he said calmly. Iniwasan ko siya ng tingin. Bakit iyong sakit na dinadala ko parang nangyari lang kahapon? Bakit ba ayaw mong mawala?
"Huwag ka na pumasok ngayon. Magpahinga ka nalang hanggang weekends. Ako na ang bahalang magsabi sa workmates mo. Huwag ka na magtanong, hindi ka papasok ngayon."
"Okay." As if I have a choice.
"And, do not answer if Kiel tries to call you."
"Bakit?" I asked. Wala naman kasalanan si Ezekiel.
"Don't ask, just do it."
Galit siya kaya hindi na ako sumagot pa. Mas matanda siya sa'kin at tinatawag lang niya akong "Ate" para sa ikaliligaya ko.
Step-brother ko siya pero hindi iyon alam ng karamihan. Si Kelly lang ang nakakaalam ng kwento ko. Hindi ko alam kung may sinabihan na si Angelo. But technically, hindi naman talaga kami related dahil anak siya ng Mommy niya bago pakasalanan si Daddy. Kahit naman totoong anak siya ng Daddy ko ay hindi pa rin kami related dahil ampon lang ako. Surname pa rin naman ni Mommy ang gamit ko. Ipinaliwanag ko na iyon sa kanya pero tunay na kapatid pa rin ang tingin niya sa'kin.
Hindi nga lang alam ng ibang tao dahil hindi sila ganoon ka-proud.
My father hates me so much. Sa tingin ko nga ay pinagsisisihan niya ang pag-ampon sa'kin ni Mommy. I can't blame him. Hindi niya ako ipinapakilala sa ibang tao na anak niya ako. Never ko pang narinig na naging proud siya sa'kin.
That was the rejection that I mentioned to Ezekiel. Every day, I was rejected by my father. Every... single... day...
Hinatid ako ni Angelo sa apartment ko. Doon daw muna siya mag-stay dahil hindi naman niya ako maiiwanan. Nag-ring ang cell phone ko at nakita niyang si Ezekiel ang tumatawag kaya kinuha niya ito para babaan.
"Hindi mo pa sinasabi sa kanya na kapatid kita?" pagtatanong niya.
"Hindi. Bakit ko naman sasabihin?"
"Hindi ako papayag na ligawan ka niya," ani Angelo.
"Angelo? Saan naman nanggaling iyon? Pahiram ng cell phone ko, tatawagan ko lang si Kianna."
"And, why are you changing our topic? Kianna is fine and I can assure you kaya magpahinga ka. Basta, hindi siya pwedeng manligaw sa'yo."
"Okay, hindi na pwede. Magpapahinga na nga ako," napipilitang sagot ko para makatakas sa pinag-uusapan. Isinarado ko nang malakas ang pinto.
"Galit ka ba? Huwag mo sabihing gusto mo si Kiel?" he asked again. Masyado siyang interesado sa pagtatanong tungkol kay Ezekiel.
"Huwag kamu sabihin, eh!"
"Renren!"
"Angelo!"
"Napakakulit mo. May gusto ka bang pagkain?"
"Wala! Magpapahinga ako! Puro ka sermon, eh!"
Alam ko naman na inaaway lang niya ako ngayon para makalimutan ko ang takot ko ngayon. Effective naman pero nagpahinga pa rin ako.
Akala ko kasi ay kaya ko na pero hindi pa rin pala.