Chapter 4 – No boundaries

1950 Words
Natapos ko na lahat ng dapat kong gawin sa campus. Mabuti nalang, dinala ko na iyong uniform ko para diretso work na ako. Working student ako. Scholar sa Top-Field University (ToFU) kaya nakakapag-aral ako pero once na mapabayaan ko ang pag-aaral ko, tanggal na ako sa scholar. Last year naman kaya kakayanin ko. No maintaining grades naman ang scholar ni Sir Gerald, basta no failing grades lang. Kakalabas ko lang sa gate ng campus pero may humarang na sasakyan sa dadaanan ko. Si Angelo? What, now? Badtrip na nga ako kanina pang umaga dahil hindi ko na naman maalala kung saan ko naiwan ang relo ko. Sobrang importante pa naman sa’kin ng relo na iyon. Tinanong ko na si Kianna kung naiwan ko sa bahay nila or sa kwarto ng kapatid niya, pero wala naman. Saan ko kaya iyon naiwan? Hindi ako makapag-isip ng matino dahil iniisip ko kung saan ko iyon naiwan. Hindi pwedeng mawala ang relo na iyon. Kanina rin ay nangungulit si Ezekiel kasi itinatanong niya kung bakit kami nag-uusap ni Angelo as if bawal kaming mag-usap. Hindi ko rin alam kung bakit interesado siyang malaman samantalang pwede naman niya iyon itanong sa kaibigan niyang si Angelo. Basta, ang kulit nilang lahat. Hindi ko naman kailangang mag-explain sa kanilang lahat 'di ba? Nakakasawa na i-explain ang sarili ko. "Ano'ng problema mo?" naiinis na tanong ko sa kanya. Gusto na naman yata niya na magkasakitan kami bago niya ako iwasan ulit. Bumaba siya at lumapit sa'kin. "Ihahatid na kita." "Leave me alone, kaya kong mag-isa." Mahinahon ako kapag kausap ko siya dahil ayaw kong nakikita ang itsura niya kapag nasasaktan siya sa mga salita ko. "May sinabi ba akong hindi? Ihahatid lang kita, Renren, walang masama roon. Ayaw mong magpahatid sa'kin pero nagpapasundo ka kay Kiel? Tapos magtataka ka na iniisip kong nililigawan ka niya?" Bakit napasok na naman si Ezekiel sa usapan!? "Mayroong masama roon, Angelo. Hindi mo naman ako responsibilidad. Tsaka ipaalala mo nga sa’kin kung bakit ulit tayo nag-uusap." Umiling lang siya sa'kin. Sigurado ako na naiinis na siya sa tono ng pagsasalita ko. "Napapansin ko na iba ang closeness niyo ni Kiel. Panghahawakan ko iyong sinabi mo na hindi siya nanliligaw sa'yo. At si Vince, binasted mo na siya pero bakit lapit nang lapit sa'yo?" Ano naman sa’yo? Gusto ko iyan isagot kay Angelo pero sigurado ako na hahaba lang ang usapan namin. I rolled my eyes, iyong kitang-kita niya para malaman niyang hindi ako natutuwa sa ginagawa at sinasabi niya. "Sino pa'ng nakita mong kausap ko? Ano na naman ba ‘to, Angelo? Tigilan mo na rin ako." Umiling ulit siya. Sumakay na siya sa kotse at mabilis na nagpatakbo. Kaagad ko siyang tinawagan. Kaasar talaga! ["You knew, I'm driving. What do you want?"] ganting pagsusungit naman. Alam niya ang kahinaan ko kaya malakas ang loob niya. "Be careful! Bakit ba ang bilis mong magpatakbo?" ["None of your business, Renren. Right?"] "Okay!" Pagkatapos ay binabaan ko na siya. Nagpatuloy na ako sa paghahanap ng sasakyan papunta sa work. Hahayaan ko na nga lang siya. Malaki na siya! My life is so boring. Campus then apartment (or Kelly's house) then work then sometimes bar, park or somewhere na makakapagrelax ako. Diyan lang umiikot ang mundo ko. Hindi madali. Especially, kapag uuwi ako ng bahay na walang ibang tao kung hindi ako lang. Gusto kong nakikita at nakakasama ang pamilya ko pero ayokong napapalapit sa kanila kasi may nangyayari sa kanilang masama kapag lumalapit ako. Malas, kumbaga. Yes, 21st century pero naniniwala ako sa ganiyan dahil iyon ang gusto nilang paniwalaan ko. Kahit may work ako sa gabi, nakakapagfocus pa rin ako sa pag-aaral at paggawa ng school activities. Mas gusto ko pa nga iyong walang pahinga sa ginagawa para wala akong time na mag-isip at mag-overthink sa mga bagay-bagay. Once na magdrama ako, lalo na kung mag-isa... hindi ko na nako-control, eh. Mahirap ang buhay pero kakayanin. Mahirap pagsabayin ang trabaho sa pag-aaral pero dapat kayanin kasi wala naman akong aasahang iba. Mahirap umasa sa iba lalo na kung wala ka naman talagang aasahan sa kanila. Mahilig akong magpunta sa bar at uminom pero limited pa rin naman, pasok sa budget ko. Mahirap kayang kumita ng pera. Nakakapagbayad pa rin naman ako sa apartment at nakakakain. Trabaho kaagad pagdating sa work place. Walang special treatment kahit kanino. Mahigpit nga ang boss ko kasi bawal niyang makita na nakatayo o naka-upo lang, dapat ay may ginagawa ka. Mas gusto kong tumambay sa kusina kaysa lumabas ako para mag-serve. Pero dahil hindi ako swerte ngayong gabi, naka-schedule ako sa labas. Sakto naman na noong lumabas ako ay siyang pagpasok ni Angelo kasama ang mga kaibigan niya. Sigurado ako na siya ang pumili sa restaurant na ‘to. Kung makatingin naman sila, akala mo ay masamang magtrabaho. Nakaaasar talaga. Ayaw na ayaw ko sa kanilang magkakaibigan kasi na-iinggit ako. Nakita ko na sila rito noon, madalas silang kumakain kasama ang kanya-kanyang pamilya. Hindi ko pa ulit nararanasan na kumain kasabay ang pamilya ko kaya naiinis ako. Syempre, kasama sa pagka-inis ko ay iyong mga babaero sila. "Hi, girlfriend!" pang-aasar na bati naman ni Ezekiel. Napatingin nga kaagad si Angelo. Pasaway na Ezekiel talaga. Sinabihan ko na siya. Nagsorry siya 'di ba? Pero mas lumala lang ang pang-aasar niya. Inaasar niya ako sa pagtawag sa'kin ng girlfriend. Ako na raw ang bahala kung ano ako roon sa dalawang meaning ng girlfriend. "Baliw. Girlfriend na ang tawag mo sa kanya? Ang bilis ng progress ha?" pagbibirong sagot sa kanya ni Dan. "Good evening, Sirs," mataray na salubong ko sa kanila pagkatapos ay may nag-assist para ituro kung nasaan ang table nila. Naiwan si Angelo kaya nilapitan ako noong nakalayo na ang mga kaibigan niya. "What are you doing here?" pagtatanong ko. "Nakalimutan mo ba talaga kung ano'ng mayroon ngayon?" Inisip ko pa kung ano'ng sinasabi niya. Baka nananadya lang siyang yayain ang mga kaibigan niya para makita ako rito. But I knew what he was talking about... and I won't forget this day. Never. "Renren, it's my birthday." Umiwas ako ng tingin sa kanya. Bakit ba mga kaibigan niya ang kasama niya? He should eat with his family instead of celebrating his birthday with his friends. "Alam ko." Hindi pa rin ako nakatingin sa kanya. "Happy birthday, Angelo... I can't go on your birthday party, alam mo ang reason kung bakit kaya huwag mo na akong pilitin. Sige, may trabaho pa ako." Nakita kong ngumiti siya at nagpasalamat na hindi ko pa nakakalimutan ang birthday niya. Alam kong birthday niya pero hindi naman dapat siya rito nagyayang kumain kasama ang mga kaibigan niya. Buti nalang, pwede akong mag-stay sa loob lang ng kitchen kaya hindi ako mabubwiset ng mga kaibigan niya. Naka-schedule man ako sa labas para mag-serve ay pwede naman akong mag-stay sa loob ng kitchen as long as may ginagawa ako. Narinig ko si Dani at Yen na nag-uusap. "Nandiyan na naman iyong magkakaibigan na may itsura. Napapadalas sila rito, ah?" ani Dani na halatang kinikilig pa. Hindi naman ako makikipagtalo sa kanila. Gwapo naman ang magkakaibigan na iyon at madalas nga sila rito. "Ano naman ngayon?" pagsusungit ni Yen. "Syempre, may inspirasyon sa trabaho!" buong galak na sambit ni Dani. "Inspirasyon? Mag-ingat ka nga. Mga kaibigan ni Renren iyon, ah.” Pagkasabi ni Yen ng ganoon ay nilapitan ako ni Dani. Hindi ko alam na napansin pala ni Yen na kinakausap nila ako kapag kumakain sila rito. "Same campus kayo, Renren. At boyfriend ng kaibigan mo iyong isa sa kanila, tama ba? May boyfriend ka rin ba sa magkakaibigan na iyon?" "Naku, wala akong boyfriend sa kanila 'no," mabilis na sagot ko naman. "Talaga? Ikaw nga muna ang magserve sa kanila ng pagkain, nangungulit na kasi si Dani sa kanila. Baka makahalata pang nagpapa-cute ang isang 'to,” utos ni Yen. "Hindi ako nagpapa-cute, ah. Natural beauty 'to," naka-ngiting sagot naman ni Dani. Ibinigay sa'kin ni Yen ang listahan ng order nila kaya nagpa-assist ako kay Brian kasi madaming masyado at baka mahirapan akong dalhin iyon. No choice na ako dahil si Yen na ang nag-utos sa'kin. Mas mataas siya sa'kin kaya dapat kong sundin. Kinakabahan ako, eh. Lumabas na ako para mag-serve sa kanila. "Ganiyan ba dapat ang itsura ng mga nag-seserve? Parang hindi ka naman masayang mag-serve sa'min?" Ano pa nga ba? Nang-aasar na naman ni Ezekiel kaya ngumiti ako pero halatang napipilitan. Professional naman ako pero hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit sila ang kasama ni Angelo ngayong gabi. Huwag sana silang makita rito para walang g**o. Hindi na ulit ako lumabas noong natapos na ang pag-seserve ko sa kanila ng mga order nila. Tumulong nalang ako sa mga ginagawa sa loob. Alam ko naman na magpupunta sila sa bar after nilang kumain kaya hinintay ko silang makaalis bago umuwi. I received a message from Angelo. Angelo: Hindi ka naman magpapakita kaya umalis na kami para maaga kang maka-uwi. Ingat! Hindi ko nalang nireplyan. PAGLABAS KO AY NAKITA ko kaagad si Ezekiel. Wait, akala ko ba kasama siya nila Angelo? Ano pa kayang ginagawa niya rito? Baka may hinihintay pa siya bago magpunta sa bar. Hindi niya ako napansin na lumabas kaya maglalakad na sana ako pero tinawag niya ang pangalan ko. Nakita pala niya ako. "Lauren!" paulit-ulit na tawag pa niya. Nagbingi-bingihan ako kaya diretso lang sa paglalakad pero lumapit pa sa'kin at hinatak talaga ako. Grabe, minsan nakakalimutan nilang babae ako. Grabe kasi makahatak, eh. "Lauren, alam kong naririnig mo ako." "Ano na naman?" Nagtataka pa siya kung bakit ko siya sinusungitan samantalang ang lakas niyang manira ng araw. "Ihahatid na kita." "Hinintay mo ba ako?" I am just pointing something here. Hindi naman niya ako hinintay, so bakit niya ako ihahatid? "Hindi. May nakalimutan lang ako sa restaurant niyo tapos nakita kitang palabas na. Same way naman tayo, so sumabay ka na." "Hindi naman pala, umalis ka na," pagmamatigas ko pa. Pagod kasi ako at wala sa mood na makipagbiruan sa kanya. Hindi ko siya kayang pagbigyan ngayon lalo na’t nagagalit sa'kin si Angelo sa pagiging malapit sa isa sa mga kaibigan niya. "Oo na. Hinintay na kita. Sasabay ka na ba?" Bakit parang nagustuhan ko ang narinig ko? Ayaw magpatalo kaya pumayag na ako. "Okay, sige." Sumakay na ako sa kotse niya. Sosyal ng mga kaibigan ko, puro may kotse. Binuksan ko ulit iyong bintana kaya napatingin siya. Hindi pa rin nasanay sa’kin. Kung ayaw niya ng ginagawa ko, huwag na niya akong isinasakay sa kotse niya! "You really don't like my perfume?" "Masakit nga sa ilong,” I lied. "Bigyan mo ako ng perfume na pasok sa pang-amoy mo para hindi mo na binubuksan ang bintana ng sasakyan ko. Ang arte mo masyado, iyong iba nga gustong-gusto ang amoy ko." "Here we go again. Ikaw na ang maraming babae." "Selos ka naman? Ikaw naman ang girlfriend ko 'di ba?" pang-aasar pa niya. "Ezekiel, ang kulit mo! Hinintay mo lang pala ako para pagtripan na naman." Tiningnan niya ako. "Pero paano kung seryoso na pala ako?" At that moment, muntik na akong maniwala na seryoso siya pero nakita ko ang kapilyuhan sa mga ngiti niya kaya hinampas ko siya pagkatapos ay nang-aasar na naman. Mukhang hindi nga raw ako napagod sa trabaho dahil sobrang lakas daw ng hampas ko sa kanya. "Ewan ko sa'yo!" Hindi naman niya ako dinaldal noong napansin niyang inayos ko iyong upuan ng kotse niya para makapagpahinga ako kahit papaano. May konsiderasyon din naman pala siya kahit minsan dahil nahalata niya na pagod ako at itinigil ang pang-aasar sa’kin. Kailangan ko pa bang magpa-awa sa kanya para tumahimik siya? Bumaba na ako sa kotse noong nakarating kami sa apartment at nagpaalam sa kanya. Hindi na ako lumingon kasi sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Sa kanya ko lang ‘to nararamdaman. Habang tumatagal ay napapalapit ako sa kanya at alam kong delikadong tuluyan na akong mahulog sa kanya. Tama nga yata si Angelo, iba na ang closeness naming dalawa. Which is weird since I don't let other guys to be close with me. Tss. Nawawala ba ang boundaries ko kapag siya na ang kasama? Bakit ko ‘to hinahayaan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD