Lauren's POV
Gabing-gabi na pero kakauwi ko lang sa apartment galing sa trabaho. Kakaibang pagod ang nararamdaman ko ngayon. Ang gusto ko lang ngayon ay ang makahiga sa kama ko. Siguradong tulog kaagad ako kapag nadikit na ako sa higaan ko. Magbibihis na nga sana ako pero may kumatok, eh. Sino naman ang matinong tao na bibisita sa'kin ng ganitong oras 'di ba?
Pinagbuksan ko nalang. Gets ko na. Hindi naman pala siya matinong tao.
"Ezekiel, alam mo ba kung anong oras na?" He checked his watch at ngumiti pa.
"Oo naman."
"So? What are you doing here?" I irritably asked.
"Akala ko ba manonood ka ng game?"
"Anong game?" Iyon lang ba ang ipinunta niya rito?
"Iyong kausap mong lalaki kanina ‘di ba?"
"Ah, si Vince? Hindi nga ako pwede kasi may work ako. Eh, ikaw... ano'ng ginagawa mo rito?" I asked again. Paano pala niya nalaman kung ano’ng pinag-usapan namin ni Vince?
Sinilip niya iyong loob ng apartment ko. "Hindi mo talaga ako papapasukin?"
Lumabas ako at isinarado ang pinto. "I told you, you are not welcome here, right? Tsaka magulo at walang pagkain sa loob kaya kung mag-uusap tayo ay sa labas nalang."
Pagkatapos ay umupo kami sa upuan na malapit sa apartment ko. Gabi na talaga at hindi ko maintindihan kung bakit napapadalas ang pagpunta niya ng gabi rito. Madalas ay pumupunta siya para mang-asar sa'kin. Mahilig talaga siyang mang-asar kaya hindi ko alam kung ano na naman ang trip niya ngayon. Wala kasing pinipiling oras ang mga trip niya.
Kung pagmamasdan naman si Ezekiel, mukha siya model kaya maraming babae ang naghahabol sa ka-gwapuhan niya. Okay na sana pero naging babaero naman. Required ba talaga na kapag gwapo at habulin ng babae ay papatulan nila? Kung sa mukha lang naman ay hindi naman ako magtataka kung bakit madaming nagkakagusto sa kanya. Walang dahilan ang isang babae para hindi manlang ma-attract sa mukha niya. Kung hindi man gusto ng isang babae si Ezekiel, malamang ay makukuha pa rin niya ang atensyon nito. Ganoon siya ka-gwapo.
I was wondering why he just stares at me. As in nakatitig lang siya sa mukha ko kaya nailang ako. What the heck? Pinuntahan ba niya ako para titigan lang? Siguro naman ay may dahilan ang pagpunta niya rito?
I snapped my fingers on his face. "Ezekiel, what do you want?" pagtatanong ko pa. Pagod na ako, gusto ko na magpahinga ngayon.
"Magkaibigan naman tayo 'di ba?"
I can't tell if this is friendship. "Bakit?" I asked without answering his question. He seems problematic. I don’t know what he wants.
"I just want to be with you." Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niyang iyon. Hindi siya tumawa. Seryoso ang mukha niya. Hinintay ko na bawiin niya ang sinabi niya dahil ganoon naman kaming dalawa. Walang bawian na nangyari, nakatingin lang siya sa’kin. Seryoso ba talaga siya?
"Ano'ng problema mo?" I trembled.
"Wala naman. I just want to be with you," he repeated without breaking an eye contact. What’s with him? Hindi naman siya ganito kapag pinupuntahan ako. Ngayon lang siya naging seryoso.
"Bakit?" I asked again.
"I feel like a normal guy when I am with you, Lauren. I just like this kind of friendship with a lady. You know, it’s been a while since I had a friend who did not ask for more."
"For more?" naguguluhang tanong ko ulit sa kanya. Naiinis na ako. Sobrang bitin naman niyang magsalita!
"Yes, for more. Everyone is asking for more. Kapag pinagbigyan sa umpisa, hindi makokontento at hihingi pa ng iba," he whined. I can sense that he has a problem but I don’t have a courage to ask since we are not that close. All I know is to shout and feel annoyed by his presence.
"Sorry. I don't get it."
"It's okay. Just let me stay for a while."
Then silence...
May bigla akong naalala. Nakainom ba siya? So, lumapit ako para amuyin si Ezekiel at amoy alak nga. Walangya. Akala ko naman seryoso siya, dala lang pala ito ng alak. Nabigla nga siya sa paglapit ko kaya lumayo kaagad ako. Nagulat nga ako sa reaksyon niya kaya lumayo rin ako.
"Naka-inom ka pala," I muttered.
"Kaunti lang. And, you should know how dangerous for a lady to be that close to a drunk guy. Don't do it again, okay?"
Nasa mood akong mang-asar kaya lumapit ulit ako sa kanya para lang mang-asar pero this time dumikit ang labi niya sa tainga ko sa sobrang lapit. Maski ako ay nagulat kaya lumayo siya sa'kin.
You’ve got to be kidding me! Parang lahat ng dugo sa katawan ko ay napunta sa mukha ko. Pakiramdam ko, nag-iinit ang mukha ko. Am I blushing?
"Lauren!" Nagulat nga ako sa pagsigaw niya. "Stop teasing me when I'm drunk!" dagdag pa niya pagkatapos sumakay sa kotse at nagpaharurot ito nang mabilis. Naka-inom siya pero ang bilis magpatakbo! Pasaway!
Hinawakan ko iyong tainga ko na dumikit sa labi niya. In short, nahalikan niya ang tainga ko. Jusko! What am I thinking? Why am I smiling like an idiot?
Umakyat na ako at nahiga. Pagkahiga ko naman, tumawag na naman si Ezekiel. Naka-uwi na kaya siya?
"Bakit ka tumawag? Nakauwi ka na ba?" Hindi ako nag-aalala sa kanya. Gusto ko lang malaman!
["Don't do that again, Lauren. You have no idea how dangerous I am when I'm drunk,"] pag-ulit niya pa. Nasabi na niya iyon kanina 'di ba? Lasing nga yata dahil paulit-ulit na siya. Naka-uwi naman siguro siya nang maayos ‘no?
"Dangerous?" Slow ako ngayon, eh, sorry.
["I could kiss you!"] Bakit naman niya ako hahalikan, hindi naman siya mukhang lasing na lasing. I mean, hindi naman siya nawala sa katinuan, eh. ["Ikaw lang ang tanging babae na nakakagawa ng ganiyan sa'kin. You don't have to say anything. Matulog ka na. Huwag mo nalang akong babaan."] Siya lang ang kilala kong nang-aasar na may paka-bossy!
May mga gabi na tatawagan lang talaga niya ako para asarin. Minsan nga ay iniisip ko na baka gusto lang niyang marinig ang boses ko kaya niya ako tinatawagan. Ano ba’ng nakakatuwa sa itsura ko kapag naaasar? Mukhang enjoy na enjoy siya. Hindi ko kasalanan kapag hinanap-hanap na niya ang mukha ‘to, ah?
"Ang weird mo. May sasabihin ka ba sa'kin?" tanong ko naman kasi ayaw niyang babaan ko siya. Baka nagsasalita ako habang natutulog, eh!
["Wala!"]
"Kailangan mo ba talagang sumigaw?"
["Hindi, matulog ka na."] Hindi ko talaga siya ma-gets. Dapat siya ang hindi nagbibiro about kissing me. Hindi niya alam kung gaano rin ako ka-dangerous! I should have warned him.
Hindi ko siya binabaan pero natulog na ako. Pagod na rin kaya ako.
MAAGA AKONG NAG-PREPARE NG pagkain ko. Puro prito lang naman ang alam kong lutuin, wala akong time mag-aral ng ibang putahe, eh. Kapag sawa na ako sa ulam ko, bumibili nalang ako sa labas para maiba naman ang nakakain ko.
Inayos ko nang kaunti iyong bahay at lumabas na. Paglabas ko, nakita ko kaagad iyong sasakyan ni Ezekiel tapos nakasandal siya sa kotse niya. Alam niyo iyong style ng lalaking pa-cool kapag sumusundo ng babae? Gayang-gaya niya iyon pero dinaanan ko lang siya at naglakad ako. Cool siyang tingnan pero hindi nga ako tinatablan ng ganiyan!
"Lauren!" he shouted.
"What?"
"Nagsusungit ka na naman. Sinundo na nga kita, eh!"
Lumapit ako sa kanya. "Hindi mo naman ako sinabihan, malay ko bang ako ang pinuntahan mo rito."
"May iba pa ba akong babae rito?" Dahil sa sinabi niya ay nilapitan ko pa siya at inapakan nang malakas! I am not one of his girls! Dapat ko yatang ipaalala sa kanya iyon, gusto pa iyong nasasaktan siya, eh.
"What's wrong with you?" What's wrong with him? Naaasar na talaga ako sa kanya. Pabago-bago siya ng mood!
"So babae mo ako, ganoon? For your information, Ezekiel, I seriously don't like what you were saying right now. Sobrang aga pa para mang-asar. Kung sinundo mo ako para asarin, okay na... you succeeded."
Biglang naging seryoso iyong itsura niya. Kasalanan ko pa ngayon? "Sorry." For the first time! Ngayon ko lang siya narinig mag-sorry sa'kin. Sa lahat ng pang-aasar na ginagawa niya. Ngayon lang talaga ito nangyari. "You are too sensitive when it comes to that. Ngayon ko lang napansin. Sorry na, sinundo talaga kita." Parang nakaka-konsensiya naman kung babalewalain ko lang ang paghingi niya ng tawad.
"Bakit mo ako sinundo?"
"Gusto ko lang," he answered casually.
"Ngayon lang 'to, ah? Huwag mo na uulitin... ayoko ng sinusundo, eh."
"Hindi ko maipapangako. Let's go?"
Maraming beses na rin na s*******n niya akong isinasakay sa kotse niya. Symepre nagpapadala lang ako para hindi na kami magtalo. Ayaw ko na palagi kaming nakikitang nag-aaway dahil baka isipin pa talaga nila na may relasyon kami ‘no!
Paniguradong may magagalit kapag nalaman iyon! Ayaw ko naman na magpaliwanag pa kung wala naman talaga!
Pumasok na ako at binuksan ang bintana pagkatapos ay nakatingin lang siya sa'kin.
"Ano na naman?" I asked. I hate when he stares at me. Mabilis pa naman mamula ang mukha ko sa mga ganito lalo na kapag siya ang tumitingin sa’kin.
"I made sure na hindi ako nagpabango ngayon kasi nga pupuntahan kita. Bakit mo ibinaba iyong bintana?" But honestly, na-appreciate ko iyong ginawa at sinabi niya. Hindi ko lang ipinahalata.
"I can still smell you."
"Unbelievable."
Hindi na siya nagtanong at nagdrive nalang. Nang nasa campus na kami, nakalimutan ko na sikat nga pala siya kaya napapalingon talaga sila para tingnan kung sino ang kasama ni Ezekiel, which is me. Same reason kung bakit ayaw ko na may naghahatid o sumusundo sa'kin kasi pinagtitinginan kami. Like, I've done something wrong.
"Ezekiel, dito nalang ako. Bababa na ako."
"Bakit? Sabay na tayo sa parking lot."
"Tss."
Ayaw pa niya akong ibaba tapos pagdating namin sa parking lot at pagka-ayos ng parada niya ay bumaba na ako. Hindi naman niya ako pinagbubukas ng pinto kasi hindi naman daw siya ganoon. And, I understand, we are not dating! Hindi ko naman hiningan ng explanation pero nagkusa nalang siya.
"Lauren, wait for me!"
Humarap ako sa kanya. "Bakit na naman?"
"What's wrong? Hindi na nga kita inaasar pero nagsusungit ka pa rin."
"Ang dami kasing tumitingin sa'tin," I admitted.
"And, are you affected?" he asked while walking to my direction.
"Yes, I am. Mas lalo nilang iisipin na girlfriend mo nga ako."
"I don't see any problems with that." Wala ba talaga siyang mapagtripan na babae ngayon? Alam naman siguro niya ang pwede kong maisip sa sagot niya ‘di ba?
Tiningnan ko lang siya nang masama tapos nakasalubong namin si Angelo. Ang dami naman na pwedeng makakasalubong, bakit si Angelo pa?
Masama ang tingin niya kay Ezekiel. Ano na naman ba 'to?
Hinawakan niya ako. "We need to talk," he demanded while still holding me. Hindi na niya ako hinintay na sumagot dahil hinila na niya ako palayo kay Ezekiel. Narinig ko pang tinawag ni Ezekiel si Angelo pero hindi niya pinansin. Kapag nahalata talaga kami, lagot na naman ako.
"Are you two dating?!" He is obviously mad. Ganito talaga ang salubong niya sa'kin?
"No," mabilis na sagot ko.
"Lauren, nakita ko siya kagabi sa apartment mo. Bakit ka niya pinupuntahan? And, you almost kissed him!" Nagulat ako na nakita niya ang kalokohan ko. I mean, misunderstanding lang naman iyon! Hindi ko naman hahalikan si Ezekiel!
"Angelo, nag-aasaran lang kami kagabi pero hindi ko siya hahalikan. And, we are not dating! Alam mo naman na iba-iba ang kasama niyang babae 'di ba?" Bakit ba ako nagpapaliwanag?
Dapat nga ay wala na akong pakialam sa iniisip niya. Dapat wala na rin siyang pakialam sa nangyayari sa’kin at sa mga taong lumalapit sa’kin. Nag-usap na kami at sinabihan ko naman siya na lumayo na sa’kin pero kahit isang beses ay hindi siya nakinig. At ngayon, parang obligasyon ko pa na magpaliwanag sa kanya samantalang hindi naman siya ang napapahamak kapag may nakakakita sa’min na magkasama.
"Sana totoo ang sinasabi mo. I saw his expression noong lumapit ka sa kanya."
"And?" Hindi ko alam kung ano'ng ikinakagalit niya.
"And I think, he's starting to like you."
That’s unbelievable.