Ezekiel’s POV
Nagkukwentuhan kaming magkakaibigan habang hinihintay sina Lauren at Kelly sa canteen, ngayon lang sasabay si Lauren sa pagkain naming magbabarkada. Napilit siguro ng kaibigan niya. Obvious naman na ayaw niya sa aming magkakaibigan. Tinatanong nga nila ako kung bakit hindi ako sumamang uminom kahapon. Sa totoo lang, papunta na talaga ako para makipagkita sa kanila pero nakita ko si Lauren kaya nilapitan ko, pero maraming nakipag-usap na babae sa'kin bago ako nakalapit sa kanya.
"Bakit ba hindi ka nagpunta?" pagtatanong ni Angelo. Kanina pa kami nag-uusap at ayaw nilang maniwala sa mga sagot ko.
"Tinatanong pa ba iyon? Dapat ang tanong mo ay kung sino ang kasama niya kahapon. Sino nga ba ang kasama mo?" dagdag na tanong ni Dan.
"Ang dudumi ng utak niyo. Si Lauren nga ang kasama ko kahapon!"
"Si Renren?" sabay na pagtatanong nila. Hindi na sila nasanay sa tawagan namin ng babaeng iyon.
"Oo. Si Lauren," I repeated.
"Bakit mo siya kasama?" seryosong tanong naman ni Angelo kaya napatingin sa kanya si Dan. Hindi naman siya nagiging interesado sa mga babaeng nakakasalamuha ko. Bago ito sa’min ni Dan kaya gusto ko rin malaman ang dahilan.
"Nagkasalubong lang kami kahapon tapos tinamad na akong umalis kaya hindi na ako nakasunod."
"Siraulo ka, Kiel. Ipapa-alala ko lang na kaibigan ni Kelly si Renren. Hindi siya isa sa babae mo." Bakit may ganitong paalala si Dan? Hindi naman niya iyon kailangan sabihin sa'kin. She is not my type. Masyado siyang mabait para sa'kin. Isa pa, kaibigan siya ni Kianna. I just find her really cute and funny.
"Hindi rin ako naniniwala na tinamad ka lang kahapon. Hindi ka tinamad uminom, Kiel," ani Angelo.
Ang supportive ng mga kaibigan ko 'di ba? Maya maya ay dumating na sina Lauren at Kelly kaya kumain na kami. Hindi ko pa masabi kung seryoso si Dan kay Kelly kasi ganito siya kapag bago palang sila ng girlfriend niya. Dan has many ex-girlfriends and we won’t be shock if Kelly has a lot of haters already. Kelly is a forceful person kaya hindi kami magtataka kung sasagot at lalaban siya sa mga ex-girlfriend ni Dan. Hindi rin naman itinatago ni Lauren na hindi pa siya boto kay Dan para sa kaibigan niya.
Judgemental masyado. Samantalang nagalit sa'kin noong isang araw dahil doon sa babae na hindi ko na nga maalala ang pangalan. She can judge us easily.
"Will you quit staring?" she snapped. Nagulat ako dahil bigla na naman siyang nagsungit.
Tumawa naman si Dan. "Huwag mo kasing ipapahalata!"
"I am not looking at you. Iyong nasa likod mo ang tinitingnan ko."
"Sa tingin mo ay maniniwala ako? You are not looking kasi nga you are staring. Magkaiba iyon!" She loves to win kaya hindi talaga nagpapatalo sa’kin.
"Here we go again," sabi naman ni Kelly. Totoo naman, nang-aaway na naman ang kaibigan niya.
Habang kumakain kami, napansin ko na ibinibigay ni Kelly iyong gulay kay Lauren at ngumingiti naman siya. Inilagay ko rin sa plato niya ang gulay kaya napatingin silang lahat sa'kin.
"What?" I asked. Tapos ay tiningnan ako ni Lauren nang masama. "Baka kulang pa iyan sa’yo, eh... mamaya ma—" Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko dahil tinakpan niya ang bibig ko pagkatapos ay nagsalita pa ng, "Thank you, Ezekiel! Okay na, thank you, ah?" Ayaw yata niyang malaman ng mga kaibigan namin na nakakalimot siyang kumain. Sino ba naman ang makakalimot kumain?
Kaya lalo kaming pinagtinginan nila Dan. "Close na pala kayo? Kailan pa?"
"Alam mo, Dan, close naman talaga kami ni Lauren. Masungit lang talaga siya," I replied.
"Baka sa susunod malaman nalang namin na kayo na pala," dagdag pa ni Angelo habang nakatingin kay Lauren. Hindi ko gusto iyong tono ng pananalita niya. Bakit pakiramdam ko, pinoprotektahan niya si Lauren? Binago naman kaagad ni Kelly ang usapan kaya nabago rin ang ambiance sa pagitan naming lahat. Ano’ng problema niya? Parang lalo siyang naging seryoso ngayon.
After namin kumain ay naghiwa-hiwalay na para pumunta sa kanya-kanyang class. Sinundan ko lang si Lauren. Pinagtitinginan nga ako ng mga babae sa classroom niya kaya napansin niya ako.
"Hoy? Bakit ka nandito?" she asked.
"Ano sa tingin mo?" I asked too.
"Itatanong ko kaya sa'yo kung alam ko?"
"Samahan mo naman ako," pag-iba ko sa usapan.
"Saan na naman?" Hindi ba niya ako kayang kausapin na hindi nagsusungit?
Hindi na ako sumagot dahil hinila ko na siya para yakapin. Alam kong nabigla siya sa ginawa ko kaya sinubukan niyang kumawala sa pagkakayakap ko kaya kinausap ko siya. "Wait lang. Nandiyan iyong babaeng ayaw akong tigilan. Saglit lang."
Hinintay kong umalis iyong babae kasi alam kong makikita niya kami.
"Ezekiel, nandiyan pa ba? Hindi na ako makahinga," pagrereklamo naman niya. Nakita kong umalis na pero tinagalan ko pa ang pagyakap ko sa kanya. Humiwalay siya sa’kin. She saw my smile kaya inapakan ang paa ko at hinampas ng bag niya noong nalaman niya na nakaalis na pala.
"Bwiset ka! Bakit ba ako ang ginagamit mo kapag may iniiwasan kang babae!? Tigilan mo na nga ako, Ezekiel. Hindi na talaga ako natutuwa. Kung ayaw mo sa kanila, sabihin mo nang diretso hindi iyong magsisinungaling ka pa para lang maka-iwas. Hindi ka nila tinitigilan kasi hindi nila alam na ayaw mo sa kanila kasi hindi mo nga sinasabi 'di ba?" Pagkatapos ng sinabi niya ay pumasok na. Hindi na tumitingin sa'kin kaya umalis na ako.
She is mad but I still find her cute. Bakit ganoon?
Nakasalubong ko naman si Patricia. Here we go again. Masyado yata siyang nag-enjoy kaya lapit nang lapit sa'kin pero once I'm done, I'm really done. Playboy ba ang tawag kung pinagbibigyan lang naman namin ang gusto ng mga babae?
"Hi Kiel.” Clearly, she’s flirting with me.
"Hello, Patricia."
"May lakad ka ba mamaya? Can I visit you later?" she asked, touching my shoulder.
"As much as I want you to visit me tonight, hindi pwede, eh. I have a dinner with my family."
"Sounds great. Just let me know if you want me to visit you, okay?" Hindi ba niya naisip na hindi ko lang talaga siya gustong makasama?
"Of course, Patricia."
She kissed me bago umalis. Ayoko sa ganiyang babae pero kailangan din namin sila pagbigyan paminsan-minsan.
But I'm glad to meet someone that is different from everyone.
And, I'm staring at her as she talks to other guys.
Nagulat ako dahil biglang nagsalita si Dan sa tabi ko. Kanina pa ba siya? "Patay tayo riyan, Kiel. Akala ko ba ay natutuwa ka lang sa pang-aasar mo kay Renren? Bakit ganiyan ka makatingin sa kanya?"
"Adik ka ba? Tingnan mo iyong magandang babae sa likod niya!"
"Maniniwala ako kung hindi mo itinaboy si Patricia. Family dinner? Should I welcome back my lover boy best friend?" Pabiro ko siyang sinuntok at naglakad na papunta sa classroom. Kung ano-ano ang pumapasok sa isip niya pero sinundan pa rin ako. "Maniniwala rin ako kung hindi ganiyan ang reason mo kanina. Mag-isip ka naman ng bagong palusot."
"Ewan ko sa'yo."
DALAWANG SUBJECT KO LANG kaklase si Lauren at nandito na nga kami sa unang subject na magkaklase kami. And, guess what? Hindi niya ako kinakausap. She’s not even looking at my direction!
Don't tell me, nagalit talaga siya kanina?
Tumabi ako sa kanya para mapansin niya ako pero dine-deadma pa rin niya ako kaya kinausap ko na siya.
"Lauren?" I called to get her attention.
"Oh?" Naiirita na talaga siya sa'kin?
"Galit ka ba?" I asked.
"Ano sa tingin mo?" she replied.
"Bakit ka ba nagagalit?" pangungulit ko pa sa kanya.
Tiningnan niya ako at halatang naiirita na siya. "Isipin mo nalang kung ako iyong babaeng lumalapit-lapit sa'yo pero iniiwasan mo ako sa dahilan na hindi mo masabi sa'kin. Kung ako iyong mga babae mo, I'd rather face a rejection than you continuously ignoring me for unknown reason. Hindi mo kasi maiintindihan kasi hindi mo alam ang pakiramdam na ma-reject. Ano ba'ng mahirap sa pagsasabi na ayaw mo na sa babae?" Tama naman ang sinabi niya maliban sa isa. I knew how it felt to be rejected too.
"Mas magugustuhan ko pa kung sasabihin mo nang diretso kaysa kung ano-anong gestures ang ipinapakita mo para lumayo sa’yo. Kung ayaw mo silang masaktan, sabihin mo na kaagad na ayaw mo sa kanila. Tsaka huwag mo akong dinadamay, Ezekiel. At lalong-lalo na iyong pagsasabi mo sa kanila na girlfriend mo ako," dagdag pa niya.
Na-curious ako bigla. Na-reject na ba siya? As far as I know, siya ‘tong maraming binabasted na lalaki. "Paano mo naman nalaman iyong feeling na ma-reject? Ikaw nga riyan ang nagre-reject sa kanila without second thoughts."
She glared at me. "Araw-araw nakakatanggap ako ng rejections. At ano'ng gusto mong gawin ko? I have someone in my mind, kung hindi ko sila gusto... bakit naman papatagalin ko pa?"
"Hindi ka sanay magbigay ng second chance 'no?" I am just curious. She is actually answering my questions.
She smirked, "Hindi mo talaga ako kilala. I can give you a countless chance if I want. Pero hindi ko kayang piliting mahalin ang isang tao kung hindi siya ang nasa puso ko." Then she laughs. "Are we really talking about this?" Ngumiti ulit siya at sinabing, "Kaya naman pala nating mag-usap nang hindi nagtatalo, eh."
"Sino kaya ang palaging nagsusungit?" I teased.
"Sino kaya ang walang alam gawin kung hindi ang mang-asar?" she replied as she rolls her eyes.
Pagkatapos ay may lumapit sa'min na kaklase namin para mag-excuse kay Lauren. May naghahanap daw kasi sa kanya kaya lumabas siya. Sinundan ko nga para tingnan kung sino ang nag-excuse sa kanya.
Lalaki!
Sa pagkakaalam ko ay varsity player ang lalaking 'to. Bakit niya kinaka-usap si Lauren?
"Vincent? Bakit?" narinig kong tanong ni Lauren.
"Pwede ka ba mamaya? Manood ka naman ng game namin." He is not even attractive. Bakit sila nag-uusap ni Lauren?
"Alam mo naman na manonood talaga ako kapag wala akong gagawin pero may work pa ako 'di ba?"
"Susunduin kita after ng game namin," he insisted. Dude, hindi ka maka-intindi na hindi siya pwede.
"Naku, hindi na. For sure, pagod ka na tsaka napag-usapan na natin 'to 'di ba?" Siya ba ang tinutukoy ni Lauren? Are they having an argument?
Wait… what am I doing?
"Wala ba talaga akong chance sa'yo?" Aalis na sana ako pero narinig ko ang tanong ni Vincent. So, Lauren rejected him? I knew it!
"Sorry, Vincent. Pwede tayong maging magkaibigan pero alam mo naman na hanggang doon lang. Sorry talaga."
Ngumiti iyong lalaki kay Lauren. "You don't need to be sorry. Ang swerte naman ng lalaking gusto mo, masyado kang loyal sa kanya."
"Baliw. Hindi naman niya ako nakikita as a woman. Basta manonood ako ng game niyo kapag wala akong work." Hindi nakikita as a woman? At sino naman ang bulag na iyon?
"Promise?" Parang bata naman pala itong si Vincent! Bakit maraming nagkakagusto sa kanya?
"Oo naman. Balik ka na sa practice, mamaya sumugod na naman ang mga fangirls mo rito. Thank you!" May dala pa palang pagkain. Wala akong narinig na kasungitan kay Lauren ngayon. Bakit ganoon?
Bumalik na ako sa upuan bago pa niya malaman na nakikinig ako sa kanila. Umupo na siya sa tabi ko.
"Naks, manliligaw na binasted na naman?" pagtatanong ko. Wala talagang umuubra sa kanyang lalaki.
"Ewan ko sa'yo!"
"But seriously, hindi ka ba natutuwa sa kanya? Ano ba'ng trip mo sa lalaki?" Just like what I’ve said, I’m just curious!
"Bakit ba ang dami mong tanong ngayon?" Naiirita na kaagad siya samantalang nagtatanong lang ako!
"Nagsusungit ka na naman."
"Nang-aasar ka na naman, eh. Wala akong trip na lalaki, okay? Pare-parehas lang naman kayo." There’s a bitterness on her tone. What does it mean?
"Wow. Parang may pinang-galingan ang sagot mo."
She rolled her eyes at hindi na ako kinausap dahil dumating na ang professor namin. Kinukulit ko nga siya pero hindi pa rin ako pinapansin at nakikinig lang siya kaya hinayaan ko nalang. Baka malagot pa ako sa kanya kapag nangulit pa ako.
After ng class ay lumabas kaagad siya at hindi ako hinihintay kahit na tinatawag ko siya.
"Lauren! Pupuntahan kita sa apartment mo!"
Nilingon niya ako. "Hindi ka welcome doon!"
Pagkatapos ay nagpaalam na siya. Ibang klase 'di ba? It feels like I am a normal person when I am with her. I mean, hindi niya ako kilala as a famous good-looking guy na tingin ng karamihan sa'min nila Dan.
She sees me as "Ezekiel". Nothing special.
And, I like it.