Lauren's POV
I was alone in my apartment. No work today. No school stuff to do. No Kelly being noisy, malamang kasama na naman ang boyfriend niya. Mapapa-irap ka nalang talaga kapag inuuna ng kaibigan mo ang boyfriend niya.
In short, rest day. "Me" time kumbaga. Sobrang naiinip na ako kaya nag-decide akong maglakad-lakad sa park na malapit lang dito. Marami rin kasing bata ang naglalaro rito at nag-e-enjoy naman akong panoorin sila. Mahilig ako sa bata, eh.
Naiisip niyo ba minsan na ang swerte pala natin noong mga bata pa tayo? Walang ibang iniisip kung hindi ang maging masaya sa paglalaro at makasama ang mga kaibigan. Nagiging masaya na tayo sa simpleng bagay noon. Bakit nga ba parang ang hirap maging masaya ngayon at parang hindi natatapos ang mga dapat intindihin?
Unlike sa pagiging adult, pati sa problema ng iba ay pwedeng-pwede kang madamay at ma-apektuhan.
That's why I love kids. Mahahawa ka sa happiness and innocence nila.
Kakarating ko lang sa park, kaunti lang ang batang naglalaro ngayon. Cell phone at earphones lang ang dala ko na may masasayang music ang pampawala ng boredom ko bukod sa panonood sa mga naglalaro. Favorite place ko ang park noong bata pa ako dahil kumpleto kaming nagpupunta rito kasama ang pamilya ko. Naaalala ko pa na maglalaan ng isang araw sina Mommy at Daddy para lang makasama kami ng kapatid ko at magkaroon ng bonding moment. That was the best and happiest days of my life.
Mukha akong tanga na nakangiti rito habang iniikot ang paningin sa paligid. Hanggang sa napansin ko ang isang lalaki na—hindi naman sa pagiging feelingera—nakatingin sa'kin na para bang natutuwa habang pinagmamasdan ako. He is my annoying schoolmate and I think, he smiles at me. Kahit anong iwas talaga ang gawin ko sa kanya ay pinagtatagpo kami ng tadhana.
When I mentioned pinagtatagpo ng tadhana, it is not in a romantic way!
May kausap siyang mga babae pero nakatingin siya sa'kin. May plano na naman yatang masama. Maya maya ay itinuro ako sa mga kausap niya habang nakangiti kaya ngumiti rin ako. Pero iba iyong ngiti ko, ngiting naaasar. Umalis naman kaagad iyong mga kausap niya kaya lumapit siya sa'kin.
Pinatay ko na ang music kasi nakalapit na siya at siguradong mag-iingay na naman siya.
"Ano na namang sinabi mo sa mga babae mo?" salubong ko sa kanya.
"I told them na girlfriend kita at nanunugod ka ng babaeng kumakausap sa'kin." Umupo siya sa tabi ko. Bakit kailangan niyang maging mabango? "Alam mo, effective kang panakot sa kanila, ah?" dagdag pa niya.
"User," kumento ko.
"But you are not complaining," he said while smiling.
"Excuse me? Ilang beses ko bang sinabi na huwag kang lalapit sa'kin? Baka isipin nilang girlfriend mo talaga ako."
He laughs, "At ikaw pa ang dehado sa'ting dalawa?" Inirapan ko lang siya kaya binago ang usapan. "Hindi mo yata kasama ang kapatid ko?" He is referring to Kianna. Kaibigan din namin siya ni Kelly. Si Kelly naman ang best friend ko na boyfriend ni Dan na kaibigan ni Ezekiel na kapatid ni Kianna. Ayos ba?
Everyone is calling him Kiel pero Ezekiel ang itinatawag ko sa kanya dahil tinatawag niya akong Lauren while everyone is calling me Renren. Ayos ulit 'no? Gantihan lang iyan.
"Obvious naman 'di ba? Baka kasama ng boyfriend niya." Syempre, niloloko ko lang siya. Marunong din naman akong mang-trip, thanks to him. Pagdating sa kapatid niyang si Kianna ay nag-seseryoso naman siya. Nagbago ang expression kaya binawi ko kaagad. "Kidding! Bakit mo itinatanong? Dapat ba ay kasama ko siya palagi? Tss."
"Ang tindi rin ng kasungitan mo 'no?" Natawa pa siya sa isinagot niya.
Tumayo ako at umalis na sa park pero sinusundan pa rin niya ako. Trip na trip talaga niya akong pag-tripan. Kaunti nalang, iisipin kong type ako ng lalaking 'to. Ang daming babaeng lumalapit sa kanya, ako palagi ang ginagawa niyang dahilan para lumayo ang iba. Like girlfriend niya ako, may date kami or nang-aaway ako kasi possessive ako. Naniniwala naman sa kanya iyong mga sinasabihan niya. Masungit ako pero hindi naman sa lahat ng tao, eh.
"Wala ba kayong pupuntahan ng mga kaibigan mo at ako ang binubwiset mo?"
"Matutuwa ka ba kapag sinabi kong mas pinili kitang makasama?" Napahinto ako dahil sa sinabi niya! Kinilabutan ako! Sinamaan ko lang siya ng tingin kaya tinawanan pa ako. Akala yata niya ay ma-aapektuhan ako sa mga linya na ginagamit sa ibang babae!
"Hindi ako madadala sa ganiyan, Ezekiel. Hindi ka ba nagsasawang pagtripan ako?"
"Hindi. Ang saya mo panoorin, eh," he admitted and laughed. Masaya nga siya kapag kasama ako at lalo na kapag nagtatagumpay siya sa pang-aasar sa'kin.
Ayaw naman niya akong tigilan kaya hinayaan ko nalang siya. Mapapagod lang ako sa kanya. Huminto ulit ako sa paglalakad. s**t. Bigla akong nahilo at nagdilim ang paningin ko na parang nabibingi na rin.
Hanggang na naramdaman ko nalang na nawalan ako ng balanse.
PAGDILAT KO, RAMDAM KO ang sakit ng ulo ko. Napalingon ako sa paligid. This is definitely not my room. Malinis ang kwarto at ang classy ng dating dahil kulay black ang background nito. Nang bumangon akong bigla ay naramdaman ko ang pagkahilo hanggang sa pumasok si Ezekiel na may dalang pagkain.
Tumayo na ako para maglakad pero na-out of balance ako kaya lumapit siya para alalayan ako.
"What are you doing? Can you be more careful? Hindi pa naman kita pinapaalis. Are you okay? Namumutla ka pa, eh," sunod-sunod na tanong niya. Paano kaya ako sasagot?
Umupo ako sa kama. Bakit kasi nasa kwarto kami? Pwede naman akong mahiga kahit saan. Nahilo lang ulit ako dahil sa biglaang pagtayo. Nang makita ko ang pagkain na dala niya, doon ko lang naalala na hindi ako kumain ng lunch. What the heck, right? How can I forget that? No, I think kumain naman ako pero kaunti lang. Madalas ko itong gawin. Masabi lang na kumain na.
Napansin yata niya na nakatingin ako sa pagkain kaya inihanda na niya. Nakakahiya man pero gutom lang talaga ako.
"Mukhang palagi kang nalilipasan ng gutom, ah?"
"Sorry. Nakalimutan ko kasi, eh." What a lame excuse.
"Anong klaseng reason naman iyon? Ibig sabihin lang ay hindi mo inaalagaan ang sarili mo."
"Tss. Nagpapaka-kuya ka na naman sa'kin, hindi naman ako si Kianna."
"You are welcome," sarcastic na sagot niya. Kahit na pinagtitripan niya ako, alam naman niyang maging Kuya kay Kianna at minsan ay nagagawa na rin niya sa'kin kaya binibiro ako ni Kianna at sinasabing bagay kami ng Kuya niya. Hindi naman daw ganito sa ibang babae ang kapatid niya. Hindi naman ako naniniwala dahil iba ang nakikita ko sa nakikita ni Kianna.
Pagkatapos ay pumunta siya sa restroom ng kwarto niya. Minadali ko ang pagkain kasi nakakahiya talaga 'tong ginagawa ko. Para akong patay-gutom ngayon. Wala pa raw si Kianna sa bahay kaya dapat lang na hindi niya ako maabutan.
Speaking of Kianna... sana ay hindi ko nalang pala siya naalala kasi biglang bumukas ang pinto at sumilip siya dahilan para makita ako.
"Ate Renren?" Nagulat siya na may halong pagtataka. She looks for his brother na nagkataong kakalabas lang galing sa restroom.
Pumasok siya at isinira ang pinto.
"Wait... what are you doing here?" She is not mad. Nagulat lang talaga siya na nandito ako sa bahay nila. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit siya bumubulong.
"It's not what you think, Kianna. She fainted and it turns out that she forgot to have a lunch," sagot naman ni Ezekiel. Ano ba’ng iniisip ni Kianna? Don't tell me nagdadala siya ng babae sa bahay nila? I don't think, matutuwa si Tita Mads doon. She will definitely not allow that, unless girlfriend ni Ezekiel.
"Again? Ang kulit mo talaga Ate Ren." Minsan mas Ate siyang kumausap sa'kin, eh.
"Again? Meaning to say, madalas siyang ganiyan?" Pagkausap naman niya kay Kianna na para bang wala ako sa harap nila. Mahal na mahal ako ng magkapatid 'no?
"Hay nako. Oo, kaya palagi ko siyang niyayayang kumain para hindi nakakalimutan. Ayaw kasi niyang kumakain na mag-isa, eh." Which is true. Ang hirap kayang kumain na mag-isa. Hindi ako sanay at ayokong masanay.
Tumayo na ako. "Sorry na sa abala. Uuwi na ako. Sorry talaga, nakakahiya."
"Ihahatid na kita," aniya.
"Kaya ko naman umuwi."
"Hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko, ihahatid kita 'di ba?" Napakataray! Nakaka-irita. Maglalakad nalang sana ako pero ihahatid pa ako kaya kailangan ko pang sumakay sa kotse. Nagpaalam na ako kay Kianna. Buti nalang ay wala pa rito si Tita Madison. Pumasok kaagad ako sa kotse niya. Ibinaba ko nang bahagya iyong bintana kaya nakatingin lang siya sa'kin.
"What are you doing? Naka-aircon tayo." Pinatay ko iyong aircon para hindi siya magsungit.
"I don't like your perfume. Ang sakit sa ilong. Kung gusto mo, maglalakad nalang ako."
"You don't like my... what?" Inamoy pa niya ang sarili niya. "May problema ang ilong mo." Pero hinayaan naman niya akong ibaba iyong bintana kahit kaunti.
Kinakausap niya ako pero tungkol naman kay Kianna kaya hindi kami nagsusungitan. Sa labas lang ako nakatingin. In fairness naman, hindi siya mayabang magdrive. Biglang tumawag si Kianna. Naka-connect kasi sa bluetooth ng sasakyan ang cell phone niya kaya nalaman ko. Ang cute nga ng nakalagay na name ni Kianna, Lil Sis.
"What?" salubong niyang tanong sa kapatid.
"Kiel!" Ewan ko, nagkatinginan kasi kami. Bakit kaya?
"What happened?" aniya.
"I have a monthly period! Ibili mo ako ng sandwich! Nakalimutan ko pala!" Natawa ako. Batang 'to, akala namin ay totoong emergency.
"Monthly period? Bakit gusto mo ng sandwich?" Oh, boy. Napa-hagalpak ako ng tawa sa sagot niya.
"Iyong ano." Nahihiya siya, I can hear that. Tawang-tawa na ako kaya sumingit na ako. "Kianna, ako na ang bahala."
Pagkatapos ay sandali kaming nag-usap. Tuwang-tuwa na kasama pa ako ni Kiel pagkatapos ay binabanggit na naman iyong paghahanap niya ng babae na magpapatino sa kapatid niya kaya binabaan siya ni Ezekiel. Kung ano-ano rin kasi ang binabasa niya kaya naniniwala siya sa mga ganoon.
Lapitin naman kasi talaga ng babae ang isang 'to. Madalas ngang gamitin ang pangalan ko sa campus kapag nakikita ako. Hindi ko naman alam kung ano’ng sinasabi niya sa mga babae para matakot sa'kin. Hinayaan ko nalang kasi ilang beses ko naman siyang sinabihan pero hindi marunong makinig.
"Bakit hindi nalang kasi niya sinabi nang diretso?"
I smiled, "Nakakahiya naman kasi iyon. Babae pa rin ang little sister mo."
"Whatever. Saan ba tayo bibili?"
Itinuro ko sa kanya ang daan papunta sa pinakamalapit na bilihan. Habang pumipili ako ay sinisilip niya ang ibang brand kaya napapatingin sa kanya iyong ibang namimili. Karamihan nga ay parang kinikilig pa at lumalapit para kausapin siya.
Tinabihan niya ako at tiningnan ang hawak ko. "Ano'ng with wings?" tanong pa niya.
"Sshh! Ask her. Ganiyan ang bibilhin mo sa kanya kapag nagpabili ulit si Kianna." This is kind of awkward. Matanong naman kasi masyado!
"Anong size ba siya?" I chuckled. Is he naive or what? I can’t stop laughing out loud. The heck?! Anong size? Seryoso ba siya?
"Why are you laughing?" nagtatakang tanong pa niya.
"Just pick this kind of pad." Baka hindi pa ako huminto sa pagtawa kapag nag-entertain pa ako ng tanong niya.
"I see." Nagpaalam na siya na mauuna sa kotse. Naririnig ko pa na pinag-uusapan siya ng mga babae. May babae pa ngang lumapit sa'kin. Hassle naman. Hinihingi iyong number ni Ezekiel pagkatapos ay hindi ko maibigay, tinarayan ba naman ako! Sa hindi ko nga alam, eh!
Kakalabas ko lang pero kitang-kita ko kung ano’ng ginagawa nila. Nakasandal iyong babae sa kotse ni Ezekiel at nag-uusap sila. Almost kissing sa sobrang lapit sa isa't-isa. Alam mong may balak, eh. I can't watch that kaya inilagay ko nalang sa loob ng kotse iyong pinabili ni Kianna at umalis na.
Hindi ko alam na sinundan niya ako. Hinawakan niya ako sa braso kaya napahinto at napilitang tumingin sa kanya. "Saan ka pupunta? You acted like a jealous girlfriend," he smirked.
"Bakit mo ako pinipigilan? You acted like a defensive boyfriend," ganting sagot ko with matching smirk din. Akala mo ha!
"Saan ka nga pupunta?"
"Dito nalang ako. Medyo busy ka yata. Malapit na iyong apartment ko rito kaya maglalakad nalang ako. Kung maghahalikan kayo ng babae mo, give her some respect."
Binitiwan niya ako. "How can I respect someone who doesn't respect herself? Look at her... may respeto ba sa sarili ang magsusuot ng ganiyan? Tsaka, bakit ba nagagalit ka?"
"Wala! Aalis na ako."
"Go. Hindi kita pipigilan!"
Wala manlang akong narinig na "sorry" sa kanya dahil ilang oras din sa buhay ko ang nasayang dahil sa walang kwentang tao na 'to.
Renren, it's none of your business! Get back on your senses!
Wala naman akong nakikitang masama sa suot ng babae. Maikli pero that's how she expresses herself. Malay mo naman 'di ba? Sila lang ang may kakaibang utak at pag-iisip, eh. Ganiyan din manamit iyong best friend ko. Sexy. So, feeling niya ay wala ring respeto sa sarili? Kaasar talaga!