Paano mo malalaman na dapat nang sumuko at bitiwan ang pagmamahal mo sa isang tao?
Sino ang susuko sa pag-ibig?
Ikaw ba o siya?
Si Ezekiel ay isang lalaki na sobrang mahilig sa babae at bar. Nagbago siya noong nakilala niya si Lauren. Kiel and Renren called each other on their real first name which is Ezekiel and Lauren that makes their bond more special.
Pero... ang pagbabagong iyon ay panandalian lang pala. Bumalik siya sa dati noong bumalik ang una niyang minahal, si Ivy.
Nagawa niyang lokohin si Lauren para kay Ivy.
She gave him a chance.
But she was hurt by Ezekiel for so many times and different situations.
Will she be able to give him a countless chances? Or will she choose to give up on him in order to protect herself from another pain?
From pain, caused by Ezekiel.
---
Mapapaisip ka talaga kung bakit may mga taong sumusuko 'di ba? Masama ba’ng sumuko kung maganda naman ang magiging resulta?
Loving is always taking a risk. But... it is not just love.
Everything we do has no assurance. Every day, we are taking a risk.
So, masasabi mo pa rin na iba-iba ang klase ng katapangan ng tao. Walang mahina. Nagpapahinga at nagcha-charge lang pero walang mahina.
Hindi ka mahina.
Pwede kang magpahinga. Ikaw ang bahala kung kailan ka babalik.
Basta, ipangako mo lang na babalik ka, ah?
Hindi ibig sabihin na sumuko na ngayon ay talo ka na. Kasi pwede kang bumalik, okay?
Wala ka nga lang din assurance na iyong iniwan mo ay gugustuhin ka pang bumalik.
Magulo, ano?
Ganiyan kagulo ang buhay natin.
So, may mga tanong ako...
Paano mo malalaman na dapat nang sumuko at bitiwan ang pagmamahal mo sa isang tao?
Ikaw ba ang sumuko?
O
Ikaw ang sinukuan?