Chapter 23: Sacrifice MAHAL ko ang asawa ko kaya ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko. Pinoprotektahan ko siya laban sa mga taong gusto siyang saktan. Kahit na ang Mommy ko mismo ang kalaban ko ay wala na akong pakialam pa. Kahit na paulit-ulit niyang sinabi sa akin na hiwalayan ko na si Gotchelle dahil maruming babae na ito. Pero hindi ko pinakinggan si Mommy. Mas mahalaga sa akin ang asawa ko kahit na nasaktan niya pa ako ng sobra-sobra. “Wala ka na talaga sa sarili mo, Enriquez! Hayaan mo na ang babaeng iyan na makulong!” sigaw ng aking ina mula sa kabilang linya. Bumuntong-hininga ako. Hindi siya nagsasawang sabihin iyon sa akin. “Mom, she’s still my wife! Dala-dala pa rin po niya ang pangalan ng pamilya natin! At hindi ko po siya kayang isuko, let her be, Mom,” mariin na saad ko.

