Chapter 24: His son NASA loob naman ako ng opisina ko sa hospital. Nandito ang mga kaibigan ko dahil may pinag-uusapan kami. Nang bigla namang bumukas ang pintuan. May isang babae ang pumasok sa loob. Matalim ang mga mata nito at ang dilim ng ekspresyon ng mukha niya. “Saan mo dinala ang kaibigan ko?!” pagalit na tanong nito sa akin at napatayo sina Bunker at ang mga kaibigan pa namin. Parang isang mabangis na leon na handa na kaming sunggaban at kainin. “Agnes?” Nilingon ko si Ladonio nang sambitin niya ang pangalan nito. Kilala ko naman ang babae. Siya ang matalik na kaibigan ni Gotchelle, ang bride’s maid nito at ni-request pa siya ng kaibigan. “What are you doing here?” walang emosyon na tanong ko sa kanya. Lumapit pa siya sa table ko at hinampas niya iyon ng slingbag niya. Napa

