Chapter 25: Realization MASYADONG nakuha ni Govan ang buong atensyon ko at nakalimutan kong tawagan ang Mommy niya. Tama nga rin si Dad. Mahirap mag-alaga ng isang bata kung malayo ang kanyang ina. Umiiyak pa rin si Govan dahil nalaman kong nagbi-breastfeed pa rin siya, tapos palagi niyang hinahanap ang Mommy niya. Ang nagpapatahan lamang sa kanya ay ang video ni Gotchelle kahit ilang beses niya itong pinapanood. Then when I called my wife ay hindi lang naging maganda ang pag-uusap namin dahil nagkasagutan pa kaming dalawa. Sinusumbatan niya ako sa pagdesisyon ko na hindi niya nagustuhan. Doon ko mas naramdaman ang pagsisisi na inilayo ko naman sa kanya ang aming anak kaya gumawa na ulit ako ng paraan para sunduin siya. Umalis kami ni Govan sa bansa at nagtungo roon. Pero pagdating nam

