Chapter 17

1038 Words
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Suzy ng marinig ang sinabi ng lalake. Shane? Siya raw si Shane? Siya ang kakambal ni Sandro! Napabitiw siya agad sa lalake pero hindi maalis ang tingin siya mukha nito dahil sobrang kamukha nito ang asawa niya, kung tutuusin pa nga ay mas gwapo pa nga ito kesa kay Sandro dahil maputi ito kumpara sa asawa na maging moreno dahil palaging bilad sa araw dahil sa trabaho. “I-Ikaw si Shane?” tanong niya. Nakaramdam siya ng pagkahiya dahil sa inasal. Tumango ang lalake sa ngumiti, “Ako nga. Pasensya na at hindi ko nasabi na uuwi ngayon. Kakarating ko lang at kumuha muna sa hotel para ilagay roon ang mga gamit ko saka ako dumiretso dito. Kaya lang hindi ko alam ang number ng kwarto ang alam ko lang ay 4th floor pero nakalimutan ko ang room number kaya hinahanap ko ang chat ni mama sa akin, tapos ayun nga bigla kang yuma… I mean, dumating.” Napalunok si Suzy at napakamot ngbuhok saka itinuro ang dulong kwarto, “Iyon ang kwarto ni Sandro.” Saka ito mabilis na naglakad papaunta doon. Lalong napangiti si Shane ng makitang namumula ang mga pisngi ng hipag. Hindi niya akalain na mas maganda ito sa personal. Hindi gaano matangkad si Suzy mga 5’2 lang ang height nito pero sexy ang balingkinitan na katawan. Maputi rin ito at makinis ang balat. Matangos ang ilog at sadyang mapula ang mga pisngi at labi. Mas maganda pa nga ito sa mga artist o model na nakikita niya sa mga magazine o TV. Nakaramdam tuloy si Shane ng inggit sa kakambal dahil nakanahanap ito ng perfect wife. Kahit pa nga mas better ang buhay niya in term sa financial, sa status at mga naipundar kay Sandro. Pakiramdam niya ay jackpot ito sa naging asawa. Napailing tuloy siya dahil parang na attract siya kay Suzy na sister in law pa man din niya. ‘Ano ka ba Shane! Hindi ka narito para magkagusto sa hipag mo, narito ka para tulungan ang kakambal mo na gumaling!’ sigaw niya sa isip. Mabilis na siyang sumunod dahil nakitang pumasok na sa loob ng kwarto si Suzy. “Ma, pa. Narito na po si Shane.” Pagbabalita ni Suzy kay Myra at Brando. “Ha? Anong narito na? Bakit hindi siya nagpasundo?” gulat na sabi ni Myra saka napatingin sa asawa, “Brando, tignan mo ang cellphone mo baka tumatawag siya at hindi natin nakita. Kawawa naman ang anak natin baka naghintay ng matagal sa airport.” Agad naman kinaba ni Brando ang cellphone na nasa bulsa ng pantalon saka ito binuksan pero bago pa niya makita kung may mga mensahe na galling sa anak ay bumukas na muli ang pinto at pumasok ang isang gwapong lalake. “Shane!” sigaw ni Myra saka ito napatayo at patakbong yumakap sa anak. “Mama!” masayang bati ni Shane sa ina. Yumakap din ito at nakangiting tumingin sa ama. Lumapit na rin si Brando at ito naman ang yumakap at mabirong binatukan ang anak, “Pasaway ka! Bakit hindi mo sinabing ngayon na ang uwi mo? Sana ay nasundo ka namin sa airport. Ang hilig mo talaga na mambigla sa amin ng mama mo.” Tahimik lang na nakaupo si Suzy sa isang tabi at pinagmamasdan ang tatlo saka tumingin kay Sandro. Mas masaya sana kung gising ito at kasali sa masayang pagkikita ng kapatid at mga magulang. Napahinga siya ng malalim. Hindi na napansin na nakalapit na si Shane at biglang lumungkot at itsura nito ng makita ang kalagayan ng kapatid. “Sandro, magpakatatag ka. Gagawin natin ang lahat para bumalik ka sa dati. Huwag ka mag-alala at hindi kita iiwan hanggang sa muli kang makalakad.” Saad ni Shane na naluluha. Alam naman na nito ang kwento kung paano sinapit ng kakambal ang aksidente. Hindi naman niya ito masisisi dahil ang trahedya ay laging nariyan lamang sa paligid. Nagpapasalaman pa rin siya at buhay ang kapatid at nakatawid sa kamatayan. Tumingin si Shane kay Suzy at tinapik ang balikat nito. Pareho silang nakaramdam ng parang kuryente na bumalot sa mga katawan nila kaya inalis agad ng lalake ang kamay. Hindi ito nagpahalata at muling nagsalita, “Suzy, tutulong ako sa mga gagastusin ni Sandro. Huwag kang mag-alala at ako mismo ang magiging personal therapist niya sa oras na inalis ang mga semento sa katawan niya.” “Ganoon din ang sabi namin dito sa manugang namin. Iniisip niya kasi na lalaki ang gastos lalo na at sabi ng doktora ay mga isang buwan muna dito si Sandro bago alisin ang mga semento sa katawan niya. Nagpahire na nga ako ng caregiver at may nurse din para 24 hours ay mayroong titingin at mag-aasikaso sa kapatid mo. Nag leave na kasi si Suzy sa trabaho pero ayaw naman namin ng papa po na tuluyan siya mag resign para lang alagahan ang asawa niya.” Saad ni Myra. “Ma, sabi ko naman po na willing ako magresign talaga. Nakausap ko na rin po ang mga magulang ko at iyon din ang utos nila sa akin. Isa pa po ay baka hindi rin ako makapag concentrate sa trabaho dahil palaging nasa isip ko ang asawa ko.” Sagot ni Suzy. Napatango si Shane, “Naiintindihan kita. Ako nga ay talagang biglaan na umuuwi dahil hindi na ako mapakali at makapaghintay na makita ang kalagayan ng kapatid ko. Sa ngayon ay mas tama na mag resign ka muna dahil siguradong ikaw ang lagging hahanapin ni Sandro oras na magising siya.” “Bahala kayo sa desisyon ninyo. Basta kami ng papa ninyo ay narito lang at susuporta.” Sagot ni Myra. Nagkatinginan naman sina Suzy at Shane at nagkangitian. Parehong maagan agad ang pakiramdam nila sa isat-isa. Para kay Suzy, mula ng makita niya si Shane ay mas nanaig ang pag-aasam niya na gumaling ang asawa at bumalik sa dati. Miss na miss na niya itong mayakap at mahalikan. Lalo na ang makatalik muli. Para naman kay Shane, pipilitin niya na makatulungan ang kapatid at hipag upang bumalik ang masayang pagsasama ng mga ito. Pipilitin din niya na huwag mag-isip ng iba sa babae lalo na at asawa ito ng kakambal niya. Itutuloy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD