Kinabukasan ay halos marindi ang tenga nila Shane at Suzy sa lakas ng sigaw ni Abby, ang caregiver na kasama nilang nag-aalaga kay Sandro.
Biglang napabangon si Suzy sa hinihigaan na sofa habang ang nasa banyo naman na si Shane ay agad lumapit para malaman ang nangyayari.
Bago pa makapagtangon si Suzy kung napaano si Abby ay napatingin kay Sandro at halos lumukso ang puso ng makitang nakadilat na ito.
“Sandro!”
Sigaw rin ni Suzy at agad tumabi sa asawa. Gusto man niya itong yakapin ay hindi pwede dahil buong katawan nito ay halos sementado at natatakot siya na baka mas magkaroon ng fracture ang mga buto nito.
Umikot ang mga mata ni Sandro at tumingin sa asawa. May luha agad ang mga mata nito ay mahinang nangsalita, “S-Suzy…”
“Love, kamusta ang pakiramdam mo?” Naiiyak din na tanong ni Suzy.
Pinilit ni Sandro na igalaw ang katawan pero pinigilan ito ni Shane, “Makakasama sa iyo ang pagkilos. Mahiga ka lang. Nakasemento ang katawan mo dahil may mga fracture ka.”
Napatingin si Sandro sa nagsalita at nanlaki ang mga mata nito, “S-Shane?”
Tumango si Shane, “Ako nga ito kambal, umuwi ako agad nang malaman ko ang tungkol sa aksidente na nangyari sa iyo.”
Lalo naman naluha si Sandro. Naalala niya ang mga pangyayari bago ang aksidente. Malaki ang kasalanan niya sa pamilya lalo na sa asawa.
“Suzy, patawad. Hindi ko sinasadya. Naagsinungaling ako saiyo at sinuway mo ang paalala mo na huwag ako sasali sa racing. Hindi mangyayari ito kung nakinig ako saiyo.” Tuluyan ng umiyak si Sandro.
Napaiyak na rin si Suzy at inalo ang asawa, “Huwag mo na iyon isipin pa. Ang mahalaga ngayon ay bumuti ang kalagayan mo. Sabi ni Dra. Rodriguez ay baka mga isang buwan ka muna na may semento sa katawan para masiguro na maayos ang mga bon fractures.”
“H-Hindi na ba ako makakalad?” halos pabulong na tanong ni Sandro.
“Makakalakad ka pa rin. Tutulungan kita sa theraphy kaya ang mas intindihin mo ay ang magpalakas.” Saad ni Shane.
“Sigurado ka Shane? Makakalad pa ako? Ayokong maging baldado at maging pabigat sa inyo lalo na kay Suzy.” Malungkot na stanong ni Sandro.
“Maniwala ka sakin. Medyo mahihirapan ka pero alam ko naman na malaki ang tiyansa dahil wala naman apektado sa mga ugat mo sa ulo dahil minor inujury lang, yung mga buto mo lang ang kailangan na pagalingin. Mga isa hanggang anim na buwan na theraphy ay magiging maayos ka depende sa kundisyon ng katawan kaya magpalakas ka at huwag mawalan ng pag-asa. Narito lang kami para damayan ka.” Sagot ni Shane.
“Oo nga love, hindi tayo susuko hanggang hindi ka bumabalik sa dati.” Sagot rin ni Suzy.
Subalit muling pumasok sa isipan niya ang sinabi ni Dra. Nadine Rodriguez, pwedeng magkaroon ng erectile dysfunction si Sandro. Ngayon pa lang na nakita ng lalake ang kalagayan ay parang pinagbagsakan na ito langit at lupa. Ano pa kaya kung malaman ninto na magkakaroon ng diperensya ang pagkalalake nito?
Napabuntong hininga si Suzy pero pinilit pa ring ngumiti.
Siya dapat ang maging kalakasan ng asawa. Kung siya mismo ang unang magpapakita ng panghihinga ng loob ay baka tuluyan na mawalan ng pag-asawa at hindi na ito gumaling pa.
Mabilis na lumipas ang isang buwan at inalis na ang semento at mga benda sa katawan ni Sandro. Okay naman na ang mga buti nito pero dahil sa halos mahigit isang buwan nakahiga at mga naging damage ay hindi nito kayang tumayo o umupo man lang.
Tinutulungan ito ni Shane, Suzy at Abby sa lahat ng mga gagawin nito pero kahit ganoon ay hindi kakakitaan ng pagkabigo si Sandro. Bagkus ay nasa mukha nito ang determinasyon na muling makalakad at bumalik sa dati.
“Kamusta ang pakiramdam mo? Mukhang maganda ang mga recovery, bukas ay pwede ka nang umuwi pero ang theraphy mo ay dapat simulan sa lalong madaling panahon para muli kang malakad mag-isa.” Saad ni Dra. Rodriguez ng dalawin nito ang lalake. Napatango-tango ito habang tinitignan ang mga bahagi ng katawan ni Sandro.
“Mas maayos na ngayon, kahit papaano ay nagagalaw ko na ang mga braso at kamay ko kaya nakakakain na ako mag-isa. Iyong pag-upo, pagtayo at pagkalakad na lamang ang problema ko ngayon.” Sagot ni Sandro.
“Actually, good sign na mabilis mong naigalaw ang mga braso at kamay mo. Kahit paano ay may mga activity ka ng pwede mong magawa. Huwag kang mag-alala, magaling pala itong kakambal mo na physical therapist.” Napangiti pa na sabi ng doktora at sumulyap kay Shane.
Napansin ni Suzy na may kakaiba sa mga tingin ng doktora sa kakambal ng asawa. Parang malagkit ito at mag pagnanasa.
Bata pa naman rin ang doktora na si Nadine. Nasa thirty pa lang ito pero mas matanda kung tutuusin kay Shane na halos nasa early twenties pa lamang.
Hindi malaman ni Suzy pero nakaramdam siya nagpagkainis sa doktora o mas tamang sabihin na nakaramdam siya ng selos.
Selos?
Teka, bakit siya makakaramdam ng selos?
Muli niyang tinignan si Nadine at nakitang nag-uusap na ito at si Shane ay parehong may ngiti sa mga labi. Napakunot ang mga noo niya at napasimangot na tumayo saka lumapit kay Sandro na may hawak ng cellphone.
“Love, may motor racing idinaos sila Leon para sa akin, tignan mo, ang kikitain daw sa entrance fee ay ibigay sa akin.” Masayang sabi ni Sandro habang pinakita ang post sa f*******:.
Lalong napasimangot si Suzy dahil halos umabot ng kalahating milyon ang current bill nila sa hospital mula sa operasyon, gamot, doctor’s fee, room at iba pang miscellaneous fee. Kung sa ipon nila iyon kukunin ay magiging zero balance sila kaya mabuti nalamang ay humati sa gastos ang pareho nilang mga magulang maging si Shane.
“Mabuti dahil kasalanan naman ng lecheng Leon na iyan kung bakit ka nagkaganyan. Kung hindi ka lang sana niya inaya na sumali sa bwisit na racing na iyan sana ay hindi ka ngayon narito. Sana ay hindi mo kailangan mag theraphy!” seryoso at may bahid ng galit na sabi ni Suzy.
Kaya naman nawala ang ngiti ni Sandro, habang sina Shane at Nadine ay napatingin sa kanya.
Itutuloy.