Chapter 26

1154 Words
“M-Mag momotel tayong dalawa?” nahihiyang sabi ni Amanda pero deep inside ay talagang kilig na kilig siya. Tumango naman si Shane na sa daan pa rin nakatingin habang nagmamaneho, “Hindi kasi pumayag ang hipag ko na doon ka tumira kasama namin. Ayoko rin naman na makielam dahil bahay nila iyon. Mukhang ayaw mo rin umuwi sa inyo kaya naisip ko na doon ka muna mag-stay sa pinagtatrabahuhan na motel ni Suzy. 2,500 pero night lang yata or mas mura pa. Malinis naman daw at maayos.” Nawala naman ang ngiti sa mga labi ni Amanda. Ang akala niya ay kaya sila pupunta sa motel ay para magtalik. Iyon pala ay para doon siya mag-stay. “Shane, mag-isa lang ako doon na mag-stay?” tanong ni Amanda. Kinakabahan siya dahil baka hindi magawa ang plano sa lalake. “Oo, syempre. Alam mo naman na kaya ako kasama ng kapatid ko sa bahay ay para sa theraphy niya. Bukas nga ay sisimulan ko na ang mag simple work out na pwede para unti-unting makalakad ulit si Sandro.” Sagot ni Shane. Napakagat labi si Amanda hindi niya alam kung ano ang pwedeng gawin upang makasama palagi ang lalake. “Malayo ba ang motel sa bahay ng kapatid mo?” aniya. “Hindi naman siguro mga 10 to 15 minutes lang ang byahe kung nakasasakyan. Kung lalakarin naman less than 30 minutes lang.” saad ni Shane na napatingin sa babae. Nakita niya na parang tense ito at nakakunot noo pa. Kaya muli siyang nagsalita, “Bakit kaya ka lang ba umuwi at para makita at makasama ako? Hindi maipinta ang mukha mo.” Natatawang wika niya. “Oo, kaya ako umuwi ay para lang makita at makasama ka. Kaya nga hindi ako nagpasabi sa mga magulang ko na magbabakasyon ako dahil ang alam nila ay sa pasko pa o next year ako makakauwi. Tapos hindi naman pala kita makakasama.” Malungkot na saad ni Amanda. Lumabas ng gate si Suzy upang magtapon ng basura ng makita na paalis na pala ang isa sa mga umuupa sa sa apartment sa harapan nila. Kilala nila ang mag-asawa na parehong teacher. Wala pa rin anak ang mga ito at mas nauna lang na maikasal sa kanila ni Sandro. “Arlene, aalis na kayo? Bakit naglilipat na kayo ng mga gamit?” tanong ni Suzy. “Kakatok pa lang sana ako sa inyo para mag-paalam. Oo, nalipat kasi ng branch ng school si Peter kaya mapapalalayo siya kung mula roon ay mag-uuwian siya at papasok mula rito. Nag request na rin ako kung pwede ako malipat doon at pumayag naman kaya sa Bulacan na kami rin hahanap ng bagong apartment.” Sagot ni Arlene. “Ganoon ba? Okay sige basta mag-ingat kayo ni Kuya Peter. Magkamustahan nalang tayo sa f*******: minsan.” Saad ni Suzy. “Kayo rin mag-ingat. Sana ay gumaling na si Sandro para sa susunod na magkita tayong apat ay mga anak na tayo pareho.” Nakangiti rin na wika ni Arlene. Medyo nawala ang ngiti ni Suzy at kumaway nalang sa mag-asawa habang sumasakay ng kotse ang mga ito papaalis. Sa sobrang pag-iisip niya kay Shane kung nasaan na ito at si Amanda ngayon ay parang nakalimutan na niya na may asawa pa siya. Napatingin siya sa iniwan na apartment ng mag-asawa at biglang may naisip. Pumasok siya sa bahay at hinanap ang cellphone saka tinawagan si Shane. Ilang sandal ay sumagot naman agad ito kaya nakahinga ng maluwag si Suzy. “Hello? Suzy? Bakit? May nangyari ba kay Sandro?” tanong ni Shane “Ah wala naman. Nasundo mo na ba yung kaibigan mo?” balik tanong ni Suzy. “Oo, papunta na kami ngayon sa hotel.” Sagot ni Shane. “Shane, ano kaya kung imbes na ibayad niya sa motel yung pera para sa isang gabi ay dito siya tumuloy sa katapat natin na apartment? Umalis na kasi ngayon yung dating umuupa. Studio type lang ito pero kumpleto naman at malinis pa rin. Mag-isa lang din naman siya. 5,000 pesos ang upa pero for 1 month na iyon. Diba sabi mo ay dalawang linggo lang naman siya tatagal dito sa bansa? Hindi naman siguro magiging malaki ang consume ng kurtenye at tubig. Kesa kasi kung yung 2, 500 pesos niya one whole day lang. Pwede ko kausapin yung kasera dahil ninang ko iyon sa binyag.” Paliwanag ni Suzy. Naka loud speaker ang cellphone ni Shane kaya naman rinig din ni Amanda ang mga sinabi ni Suzy. Kinalabit ni ang lalake at nagtanong, “Gaano kalapit yung sinasabi niyang apartment sa bahay nila?” “Katapat lang.” matipid na sagot ni Shane. Kumislap ang mga mata ni Amanda at agad itong sumang-ayon, “Okay, gusto ko ang offer niya. Sige diyan mo nalang ako ihatid ngayon.” “Paano wala ka naman gamit sa loob ng apartment? Walang kama or mga appliances kahit mga kitchen utensils.” Sagot ni Shane. Naririnig din ni Suzy ang mga usapan ng mga ito kaya mabilis itong sumagot, “Pahihiramin ko na lang siya. So, kung payag siya ay kakausapin ko si ninang para mapakiusapan na upahan ng isang buwan yung unit. Pumunta na kayo dito para malinisan.” “Okay, sister, salamat.” Sagot ni Amanda. Masaya si Amanda dahil mukhang matutuloy pa rin ang plan niya na mapikot si Shane. Hindi naman na sumagot ang lalake at sa bahay na dumireto. Naabutan nila si Suzy na kausap si Aling Rosy na may-ari ng apartment. Nang bumaba si Amanda sa kotse ay nagkatinginan sila ni Suzy at parehong sinipat ang isat-isa mula ulo hanggang paa. Humanga si Amanda at nakaramdam kaagad ng insecurity dahil napakaganda at sexy pala ng hipag ni Shane. Hindi man ito katangkaran ay para itong si Snow white sa kaputian. Flawless kumabaga. Pero naisip niya na hind naman siguro ito papatulan ni Shane lalo na at asawa ito ng kakambal niya. Kaya napangiti na siya kay Suzy. Si Suzy naman ay nagulat dahil mas attractive pala si Amanda sa personal kumpara sa picture, ngunit alam niya sa sarili na mas maganda rito. Kaso nga lang ay mukha talagang close ang bayaw at ang babaeng ito. Tumango lang siya at pinakilala ang may-ari ng uupahan nito pansamantala, “Ninang, ito po yung kasamahan ni Shane. Kung maari sana ay gamitin sandal yung unit na inalisan nila Arlene habang wala pa talagang long term na uupa.” “Hello po, willing po ako na maghulog ng down payment agad ngayon.” Nakangiting sabi ni Amanda. Natutuwa ito dahil sariling bahay na pala nila Suzy ang tinitirhan ng mga ito. “Okay, walang problema. Kaso hindi ko na kaya pang maglinis kaya kayo na ang bahala. Maayos naman sila Arlene at nakita kong walang sira. Iyon nga lang syempre para mas komportable ka ay linisin muna.” Sagot ni Aling Rosy. “Walang pong problema.” Nakangiting saad ni Amanda. Itutuloy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD