Chapter 25

1045 Words
Napahinga ng malalim si Suzy at hininto muna ang ginagawa saka hinarap ang bayaw. Nakita niya sa mga mata nito ang pag-aalala dahil nagagalit siya kaya medyo humupa ang nararamdaman niyang emosyon. “Suzy…” “Akin na ang pinagkainan mo para maisabay sa hugasan.” Saad ng babae. Inalapag naman ni Shane ang mga pinagkainan sa lababo. “Ako na lang ang maghuhugas ng mga pinagkainan ko.” Sagot ni Shane saka mabilis na hinila si Suzy sa dining table. Pinaupo niya ito ng pilit at naupo rin sa tapat ng hipag. “Pwede bang making ka muna sana sa akin? Ang kausap ko kanina ay si Amanda. Kasamahan ko siya sa trabaho at isa rin sa aking matalik na kaibigan dahil alam mo naman mga kapwa pinoy pa rin natin ang mga madalas natin kasama kesa sa mga ibang lahi pero wala kaming anuman relasyon bukod roon. Noon nasa abroad pa kasi ako ay nasabi ko na sa kanya na pwede siyang pumunta sa amin, lalo na at malapit na ang birthday ni mama, kaya naman welcome siya na dumalaw at makisali sa atin sa pagdiriwang kaso hindi ko naman akalain na biglaan ang leave niya. Ang alam ko ay sa mga susunod na buwan pa. Mas lalong hindi ko alam na narito na siya ngayon sa airport. Gusto raw niya isurpresa ang pamilya niya kaya hindi nagpasabi at saakin lamang.” Mahabang paliwanag ni Shane. “Okay, pero wala ba siyang pera? Ibig ko sabihin ay bakit gusto pa niya kung nasaan ka ay doon rin siya tutuloy? Meron naman mga available na hotel. Kung namamahalan siya ay mga mga motel naman na mas mura pero okay pa rin naman ang itsura at malinis.” Sagot ni Suzy na nakasimangot pa rin. Para naman biglang may naalala si Shane, “Teka, hindi ba sa motel ka nagtatrabaho? Baka pwedeng doon muna siya at mabigyang ng discount, ang sabi niya ay mga two weeks lang naman siya dito. May pera naman iyon. Matipid nga ‘yun kaya siguro ayaw na mag hotel.” “Sa two weeks na pag stay niya rito ba ay hindi niya ipapaalam sa mga magulang hanggang sa makabalik siya sa aborad? Okay na siguro isa o dalawang araw siya sa motel. Ang rate namin for 24 hours stay ay 2,500 lang. So, 5,000 pesos lang. Kaya niya iyon bayaran. Saka siya umuwi sa kanila. Sa discount naman ay hindi ko siya kamag-anak kaya hindi ko siya mabibigyan ng employee’s discount. Hindi ako pwedeng magpatuloy ng kung sino lang dito sa bahay. Alam mo naman na hindi maganda ang lagay pa ni Sandro.” Sagot ni Suzy. “Naiintindihan kita. Kahit sino naman ay ayaw na may ibang tao na kasama sa sariling bahay. Huwag kang mag-alala at hindi niya naman pwede ipagpilitan ang gusto niya. Aalis na muna ako sandal para ihatid siya sa motel o sa kung saan niya gusto.” Tumatangong sabi ni Shane. “Okay.” Tumango rin si Suzy at muling binalikan ang paghuhugas ng mga piangkainan. Napailing naman si Shane. Kinuha niya ang gamit at susi ng sasakyan niya saka umalis. Lalong nainis si Suzy ng makaalis si Shane, “Ang arte naman ng babae na ‘yun! Gusto pa ay sunduin siya!” Kinuha niya ang cellphone at binuksan ang f*******: saka hinanap ang profile ng bayaw. Gusto niyang makita kung ano ang itsura ng babae. Mas sumimangot ang babae ng makita ang facbook ni Amanda. Maganda ito, maputi, mahaba ang buhok, medyo matangkad ito kung ikukumpara silang dalawa at higit sa lahat ay sexy ito. Medyo nakaramdam sya ng insikyuridad dahil bukod sa maganda ang pisikal nitong anyo ay maganda rin ang trabaho ng babae sa abroad. Tiyak niyang triple ang sahod nito kesa sa kinikita niya bilang receptionist sa motel. Tinignan pa niya ang mga album ng babae. Halos lahat ay kasama ang bayaw. Nakita niyang mukhang madalas mamasyal ang mga ito tuwing walang duty ang dalawa. Naramdam ng selos si Suzy dahil bagay ang dalawa. “Nagsex na rin kaya sila?” naitanong ni Suzy sa sarili. May mga larawan kasi ang mga ito na magkaakbay pa at nagtatawanan. Pero naniniwala naman siya sa bayaw na kaibigan lang niya ang babae dahil hindi naman ito siguro magpapaliwanag sa kanya kung may relasyon talaga ang mga ito. Ayaw niya talaga makasama si Amanda sa bahay nila kaso naisip niya na hindi kaya laging umalis ang bayaw upang makasama itong mamasyal o ayain nito si Shane na samahan ito sa motel? Pakiramdam niya kasi na si Amanda ang may gusto kay Shane kaya nga gusto nito na imbes sa sariling pamilya umuwi ay nagpipilit ito na sa bayaw makituloy. “Sana ay hindi ko pala pinayagan si Shane na umalis kanina.” Iritang sabi ni Suzy. Nabuhayan ng pag-asa si Amanda ng matanggap ang tawag ni Shane na papunta ito sa airport ngayon upang sunduin siya. Napangiti ng Malaki ang babae at agad tumakbo sa restroom upang mag-ayos ng sarili. Nagpalit pa siya ng damit at talagang nagpabango ng todo. Hindi naman kasi siya pwede maligo dahil hindi kumpleto ang banyo sa airport. Wala itong shower kaya dinaan na lang niya sa pagpapabango. Masaya siya na susunduin pa siya mismo ni Shane at hindi ang basta ibinigay nalang ang address nito. Wala pang isang oras ay tumawag na muli si Shane at nagsabi na nasa parking na siya. Lumabas naman na si Amanda sa airport at siya na mismo ang naghanap sa lalake. Kasalukuyang nakatalikod si Shane at may inaayos sa kotse ng biglang may mga kamay na yumakap sa likod niya. Napalingon siya at nakita si Amanda. Nagulat pa siya sa ayos nito dahil isang maikling cocktail dress lang suot pero meron naman itong shawl sa leeg. “Namiss mo ba ako?” natatawang tanong ni Amanda. “Hindi.” Nakangiting rin na sagot ni Shane. Nawala ang mga ngiti sa labi ni Amanda pero agad siyang binatukan ng mahina ng lalake, “Wala ako rito kung hindi. Halika na.” Bumalik ang mga ngiti ni Amanda at sumakay na sa sasakyan. “Saan tayo ngayon?” aniya. “Sa Motel.” Matipid na sagot ni Shane. Namula ang mga pisngi ni Amanda sa narinig at napatingin sa lalake. Itutuloy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD