Kinabukasan ay awkward ang pakiramdam ni Suzy sa bayaw. Dahil tuluyan na bumaba ang libog sa katawan ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Hiyang hiya siya lumabas ng kwarto pero dahil kailangan nila kumain at linisan ang asawa ay napilitin siyang bumangon.
Ala-sais pa lang ng umaga at tulog pa si Sandro kaya naisip ni Suzy na magluto na amuna bago asikasuhin ang asawa. Nagulat pa siya ng maratnan si Shane sa sala na tulog at nanatiling nakahubad pa rin.
Normal sa lalake ang tigasan tuwing umaga. Kaya halos manlaki ang mga mata ni Suzy ng makita ang tayong-tayong t*ti ni Shane na para bang nakaflag ceremony. Napalunok ng matindi ang babae ang babae.
Hindi siya makagalaw sa pagkakatayo at para bang naistatwa.
Para naman may kung anong tumawag kay Shane at napadilat ito. Nagtama ang mga mata nila Suzy. Hindi sila pareho nakakibo at napaiwas ng tingin. Napatayo bigla ang lalake ng makitang hubad pa rin siya naman.
Tumalikod naman na si Suzy at nagpunta sa kusina habang nagbibihis si Shane.
Ilang sandali pa ay natapos ng magluto at nakahanda na ng almusal nila ang babae at kumuha na rin ito para sa asawa. Tutulong sana si Shane pero umiwas ang hipag.
“Kumain ka na, ako na ang bahala kay Sandro.” Saad nito saka mabilis na umalis papunta sa asawa.
Napahinga ng malalim si Shane at naupo na lang sa hapag kainan saka nagsimulang kumain.
Gising na si Sandro ng pumasok si Suzy. Tinulungan ito ng babae na maupo at nagsimula na silang kumain ng sabay.
“Nasaan si Shane?” tanong nito habang umiinop ng kape.
“Kumakain na sa ibaba.” Sagot ni Suzy.
Tumango lang ang lalake saka inubos na ang almusal. Inabutan ng mga gamot ni Suzy ang asawa saka ito ulit inihiga.
“Magpahinga ka muna, maghuhugas ako ng pinagkainan.” Nakangiting sabi ni Suzy. Medyo guilty pa rin siya sa nagawa pero sa likod ng isip niya ay ginusto niya ang lahat. Tumayo na ito at lumabas ng kwarto.
Patapos na kumain si Shane ng biglang tumunod ang cellphone nito at sa pagkabigla ay ang loudspeaker ang napindot matapos ito sagutin.
“Hello?”
“Shane!”
“Amanda? Bakit ka sumisigaw? Ano ang nangyari sa iyo?” kunot-noo na tanong ni Shane sa babae.
Bigla naman natawa ang dalaga at humahagikhik na sumagot, “Hulaan mo kung nasaan ako?”
“Hmm, morgue?” natatawa rin na sagot ni Shane. Alam niyang takot sa lugar na iyon ang babae.
Napasimangot at nawala agad ang ngiti ni Amanda, “Ano ka ba naman?! Ano naman ang gagawin ko roon? Alam mo naman takot ako. Nakakainis ka!”
“Nasaan ka ba?” nakangiti na sabi ni Shane.
“Well, narito ako ngayon sa Philippine airport. Nakauwi na ako dahil nakakuha ako ng leave ng mas maaga. Tumawag ako kasi imbes mag hotel sana ay baka pwedeng diyan muna ako kung nasa inyo ka ngayon. Pwede ba?” tanong ni Amanda.
Napakamot naman ng ulo si Shane at hindi inaasahan na darating na ang babae, “Ang aga naman. Wala ako sa amin narito ako sa bahay ng kapatid at hipag ko. Alam mo naman na naaksidente siya at nasabi ko na kaya ako umuwi para tulungan sila.”
Napakagat labi si Amanda. Hindi pwedeng masira ang plano niya na mapikot si Shane. Mayroon lang siyang dalawang linggo para makuha ito. Kung hindi magiging sila ay baka hindi na mabigyan ng pagkakataon na maging asawa niya ito. Lalo na at wala ng kasiguraduhan na babalik pa sa abroad si Shane.
“Shane, hindi ba ako pwedeng makituloy diyan kahit at least two weeks lang? Sandali lang naman ako ditto. Hindi naman ako magtatagal.” Desperadang sabi ni Amanda.
“Okay lang sa akin kaso hindi ko naman ito bahay. Nakakahiya naman kung ako mismo ang magsasabi na payag ako. Sasabihin ko muna sa kanila.” Seryosong sagot ni Shane.
“Sabihin mo magbibigay naman ako ng tulong at share sa pagkain at mga bills sa bahay. Narito na kasi ngayon sa airport. Saan ako ngayon pupunta?” Medyo inis ng sabi ni Amanda.
“Bakit hindi ka ba muna umuwi sa inyo? Hindi ba ang usapan naman noon natin ay pwede kang sa birthday ng mama ko? Parang hindi naman natin napag-usapan na kung uuwi ka ay sa akin ka tutuloy, hindi ba?” sagot ni Shane.
Medyo napahiya si Amanda sa sagot ng lalake. Tama nga naman ito. Bakit hindi siya umuwi sa kanila?
Napapapadyak ng paa si Amanda sa inis. Bakit nga ba hindi niya naisip na pwedeng humindi ang lalake sa gusto niya lalo na at wala naman sila relasyon dalawa nito.
“Shane… Hindi kasi alam sa amin na umuwi ako. G-Gusto ko sana na isorpresa sila. Kaya sana pwede mo akong pagbiyan. Please?” naiiyak na sabi ni Amanda.
Napabuntong hininga si Shane ay napatingin sa taas. Hindi niya inaakala na naroon si Suzy habang hawak ang tray na pinagkainan ng mga ito. Sa malamang ay naring nito ang usapan nila ni Amanda.
Bakas ang galit at inis sa mukha ng hipag kaya inakala ni Shane na ayaw nito ang narinig. Ngunit ang totoo ay nagselos si Suzy.
Hindi niya alam kung sino ang Amanda na tinutukoy ng lalake. Kung ano ang relasyon niya rito. Imposiblema kasi na hindi ito malapit sa bayaw lalo na at nagpupumilit ito na tumura kasama nito at parang nagpapasundo pa sa airport.
“Amanda, tatawag ako ulit. Kakausapin ko lang ang hipag ko.” Saad ni Shane sabay off ng line.
“Ha? Shane? What? Wait!” napaupos sa gilid si Amanda at napatingin nalang sa cellphone.
“Suzy…”
“Sino ‘yun?” tanong ni Suzy habang nilalapag sa lababo ang mga pinggan na kinainan nila. Inis na inis siya at talaga naman hindi maipinta ang mukha.
“Si Amanda, kasamahan ko sa work. Umuwi ng biglaan tapos gusto makituloy ditto dahil hindi alam ng magulang na nagbakasyon siya.” Sagot ni Shane. Ewan ba niya pero parang kinakabahan siya at parang guilty ang pakiramdam kahit wala naman siyang kasalanan na ginawa.
Parang nagpapaliwanag siya sa asawa o girlfriend kung sino ang ibang babaeng kausap niya ng mga sandaling iyon. Ramdam niya ang inis ng hipag dahil habang naghuhugas ito ay padabog at halos mabasag ang mga baso.
Itutuloy