Chapter 14

1046 Words
Napatingin si Myra sa asawa at sumunod ay sa anak na wala pa rin malay. Nagkaroon siya ng pangamba na baka hindi matanggap ni Suzy ang posibilidad na mawalan ng kakayahan si Sandro upang mapaligaya ang asawa nito sa kama. Halos wala pang isang taon ang mga ito mula ng maikasal kaya naman alam niya na nasa mainit at intimate pang mga oras ang mga ito. Paano kung gumaling nga si Sandro at makalakad muli pero mayroon naman erectile dysfunction? Bukod sa maaapektuhan ang sexlife ng mag-asawa, pati pagsasama ng mga ito at pagkakaroon ng anak ay maaapektuhan. Nakaramdam ng awa si Myra para sa anak. Pumasok naman na si Suzy sa kwarto at tumingin sa mga manugang. “Ma, pa… Narinig ko po ang sinabi ni Dra. Rodriguez, huwag po kayong mag-alala. Mangyari man iyon kay Sandro ay hindi magbabago ang pagmamahal ko sa kanya. Magiging mahirap pero po pinakasalan ko ang asawa ko at nangako na magsasama sa hirap at ginahawa. Kung sa hirap ay iiwan ko po siya at tanging sarap lang ang hangad hindi po yata iyon pagmamahal. Kaya po dapat ay mas matutukan natin siya dahil sigurado na mas magiging down lalo ang self-condident siya at ego. Mas okay po siguro kung hindi muna din natin iyon sabihin sa kanya kapag nagising siya dahil baka tumagal ang recovery niya lalo.” Saad ni Suzy. Niyakap ni Myra ang manugang habang tumatango, “Salamat, Suzy at inuunawa mo ang kalagayan ng anak ko. Tama ka, huwag muna natin sabihin dahil baka umayaw na siya sa mga gamot o theraphy.” Sumang-ayon din si Brando at tumingin sa doctor, “Doktora, maaari bang huwag natin sabihin kay Sandro ang posibilidad na magkaroon siya ng erectile dysfunction? Hayaan muna natin siya gumaling.” Tumango naman si Dra. Rodriguez, “Sure, no problem. Sasabihan ko din ang mga nurse at ibang doctor dahil baka maisip niya ang bagay na iyon sa oras na magising siya. May naging case na rin kasi ng tulad ng kay Sandro. Isa sa katanungan agad ay kung kaya pa nila makipagtalik sa asawa o partner nila. Ang totoo ay pwede naman itry kung kaya ng mga supplement tulad ng Sildenafil o kaya ay ang iba at gumagamit ng mga steroid pero sa ngayon tama kayo mas mabuti na maging maayos muna ang lagay niya bago isipin ang mga ganung bagay.” Napatingin ito kay Suzy at muling nagsalita, “Misis, ang payo ko lang ay tatagan mo ang iyong loob. Bilang doctor ay maipapayo ko na kumunsulta rin kayo sa psychologist o psychiatrist para mas malinawan ang inyong mga isip dahil alam naman natin na bilang mag-asawa ang s*x ay malaking factor ng pagsasama. Ngunit, isipin rin natin na hind lang naman actual penetration ang pwedeng magbigay ng satisfaction sa isang couple. Ang dila, daliri at mga adult toys ay makakatulong upang magkaroon ng orgasm ang isang babae.” Namula si Suzy sa mga naririnig pero tama naman ang doktora sa mga sinasabi nito. “Pwede pa rin naman kayo makabuo ng mga anak kahit hindi na tumigas ang ari ni Sandro dahil may lalabas pa rin dito sa semen kapag nakaramdam siya ng stimulation. Pwedeng ipasok o ishoot sa ari mo ang mga iyon pero pwede rin thru insemination. Marami pa rin paraan para magkaanak kaya huwag mawalan ng pag-asa.” Saad pa ng doktora. “Tama po kayo doktora, maraming paraan kaya hindi dapat malungkot at mawalan ng pag-asa. Sa totoo po ay ang magiging gastusin ditto sa hospital ang mas iniisip ko ngayon, kaya mas gusto ko po sana na unahin ang mga mas importanteng bagay kesa sa magiging sexlife name ng asawa ko.” Wika ni Suzy. “Pwede kayong humingi ng tulong sa mga charity.” Suhestiyon ni Dra. Rodriguez. “Suzy, sinabi naman namin na huwag mo na iyon intindihin.” Saad ni Myra. “Oo nga, isa pa ay sabi ni Leon ay lilikom sila ng maitutulong na halaga bukod sa 50,000 pesos na prize ni Sandro.” Dagdag ni Brando. Muling napasimangot si Suzy ng marinig ng pangalan ni Leon. Para sa kanya kasi ay ito ang puno’t dulo ng lahat ng problema, sympre may kasalanan din si Sandro pero kung hindi naman naaya ito ni Leon ay hindi naman ito sasali at mahihikayat na sumubok sa motor racing. “Pa, tama lang na gumawa ng paraan si Leon para tumulong dahil siya ang nag udyok sa asawa ko na magsinungaling sa akin at sumali sa karera na iyon! Kung tutuusin siya nga dapat ang magbayad ng mga ito pero may mali rin naman ang asawa ko dahil masyado siyang nagpauto sa premyo at mga kantiyaw. Kilala ko po si Sandro. Mahiyain na tumanggi sa mga pag-aya ng mga kaibigan. Kung pera naman po ang dahilan ay hindi ko siya hinihingan dahil may trabaho ako at sapat naman ang mga kita namin dalawa para matustusan ang mga bills at pagkain sa araw-araw. Kaya ewan ko ba kung ano ang pumasok sa kukote ng mister ko at talagang inilihim pa niya sa akin na sasali siya. Hindi naman po siya sanay na magpatakbo ng mabilis kaya kahit sino ang tanungin ay masasabing hindi siya experto sa mga ganun. Kaya yung Leon na pilandot na iyon ang may pasimuno ng lahat!” inis na sabi ni Suzy. Napailing naman si Brando dahil ramdam ang pagkainis ng manugang pero kahit naman sila ni Myra ay nakaramdam ng galit at inis kay Leon ng malaman na ito ang nagsali sa anak sa ganung karera. “Suzy, alam ko ang nararamdamam mo pero siguro mas mabuti na ipagpasa diyos nalang natin ang lahat, siguro ay hindi naman din intension ni Leon na may mangyari na masama kay Sandro dahil magkaibigan silang dalawa. Ang aksidente ay talagang kalakip na ng ganung laro kaya walang dapat sisihin. Kahit naman ayain niya ang asawa mo kung ayaw talaga niya ay wala rin magagawa si Leon, hindi ba? Isa pa ay gumagawa naman na din siya ng hakbang upang makabawi sa kaibigan niya. Patawarin na lang natin. Narinig ko rin na sabi ng ibang nakalaban ni Sandro ay inaawat nila ito na magpatakbo ng mabilis dahil sure win naman na kaya may mali rin ang anak ko sa nangyari.” Itutuloy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD