Chapter 4

2274 Words
"Sino ka?" nakangunot-noong tanong niya. Nakapikit pa siya at parang ayaw imulat ang mga mata. "Shhhh.. just go back to sleep. I'm sorry" malamyos na tinig na sagot nito. Iyon lamang ang narinig niya at tuluyan ng napapikit. Kinabukasan nang magising at biglang nagmulat ng mga mata ay bigla siyang napabalikwas. Pagtingin niya sa buong paligid ay nasa may kwarto na siya. Paano ako nakapasok dito? Nagtatakang tanong niya sa sarili. Naligo muna siya bago tuluyang lumabas. Nang tignan niya ang orasan ay alas siyete na ng umaga. Mabuti na lamang at sabado ngayon at wala siyang pasok sa may opisina. Pagdating sa may kusina ay nagluto na siya kaagad ng almusal. "Judith.." kaagad siyang napalingon sa biglang nagsalita. Si Lucas nang mga oras na iyon ay bagong ligo rin at nakapambahay lang. "Judith, can we talk?" sabi pa nito. Bakas ang lungkot sa gwapong mukha nito. "Hindi ka ba kakain muna?" kunot-noong tanong niya rito. "Later. Sige, just eat first and I'll wait for you upstairs." At mabilis na itong tumalikod at naglakad paakyat ng library. Mukhang malaki ang problema nito kaya kaagad naman niya itong sinundan. Nakaupo ito sa may sofa na naroroon nang abutan niya. "Judith, I'll help you without asking anything in return, right? But I'll need your help this time, please." Seryosong sabi nito at kinuha ang dalawang mga kamay niya na nasa may kandungan niya. Naguguluhan na naman siya kaya hindi siya kaagad nakapagsalita. "Hindi ba tinatanong mo kung paano ka makakabawi sa akin?" seryosong sabi nito habang nakatitig sa mga mata niya. Dahan-dahan naman siyang tumango. "Then, pretend to be my girlfriend" At pinisil nito ang dalawang mga kamay niya na hawak nito. Halos manlaki maman ang dalawang mga mata niya dahil sa narinig. "T-teka sir, hindi ko maintindihan. B-Bakit? Bakit ako?" "I'm comfortable with you. And I know na hindi ka ma-iinlove sa akin" seryosong sabi nito. Seryoso ba ito? Paano ito nakakasiguro na hindi siya maiinlove rito? "Paano naman kung ikaw ang ma-inlove sa akin?" biglang tanong niya rito, huli na para mabawi ang biglaang tanong. Bahagya naman itong napangiti. "That will never happened, may mahal na ako. She is the one and only woman in my life" Parang bigla naman siyang nasaktan sa sinabi nito. Imposible ba niya akong magustuhan? "Please, Judith. I just want her back. Promise, pagkatapos nito ay kahit anong hilingin mo ay ibibigay ko," pangungumbinse pa rin nito sa kan'ya. Napapikit siya. Anong gagawin niya? Kung hindi dahil sa kabaitan ni Lucas ay hindi siya mapapadpad dito sa Maynila. Oras naman na siguro para ibalik niya ang kabaitan nito. "Sige. Pumapayag na ako," matapang na sabi niya. "Thank you, Judith!" At bigla siya nitong niyakap na siyang ikinagulat niya. Para siyang nakuryente nang magdikit ang mga balat nilang dalawa. Agad naman siyang humiwalay mula rito. "S-Sorry," pagkuwan ay sabi nito. "Wala po iyon, sir. Nagulat lang ako" "Simula ngayon, dapat ay masanay ka na. And please, stop calling me sir, okay? Just call me Lucas or baby if you want," asar pa nito sa kan'ya na siyang ikinapula ng mukha niya. Pero pinilit niyang maging casual at sinakyan ang biro nito "Edi kung ganoon. Tara na at mag-breakfast na tayo, baby," Habang kumakain ay nagsalita ito. "Pack your things, may pupuntahan tayo. Magdala ka na rin ng mga damit pampaligo mo," Tumango na lamang siya rito at hindi na nag-usisa kung saan sila pupunta. Halos mamatay naman siya sa pagkalula. Sumakay sila sa isang private chopper. Ito talaga ang kinakatakutan niya noon pa man. Nalampasan nga niya ang kalbaryo nang unang dating niya sa Maynila pero eto na naman siya ngayon. "Judith, just relax okay? I'm here, I will never let you fall." Sabi ni Lucas at hinawakan siya sa isang kamay na nasa may tabi nito. Hindi niya maiwasang kiligin at malungkot sa mga ginagawa nito. Maghunos-dili ka, Judith! Hindi ka pwedeng ma-inlove sa kan'ya. Kastigo niya sa sarili. Ilang minuto lang ay nag-landing na ang chopper sa lugar na pupuntahan nila. Sa isang isla sila nagpunta. Mangilan-ngilan lang ang mga tao roon at puro may mga sinasabi sa lipunan base na rin sa mga itsura nito. "Bakit tayo nandito, Lucas?" "You'll know." At hinila na siya nito. Isang lalaki ang sumalubong sa kanila at kinuha ang mga bagahe nila. Pumasok sila sa isang malaki at puting-puting kwarto. "Wow!" hindi mapigilang bulalas niya. May balcony pa roon at kitang-kita ang dagat mula sa veranda ng kwarto na kinaroroonan nila. "Is it beautiful?" Tanong nito na nakalapit na pala sa kan'ya. Agad naman siyang tumango. "Sobra, parang bumalik ako sa Amanpulo!" ngiting sabi niya at biglang na-miss ang pamilya. "Get some rest. I'll see you later. I just need to do something," tumango lamang siya rito at mabilis na itong umalis. Nang mahiga naman siya sa napakalambot na kama ay hindi niya namalayang nakatulog na pala siya. It was already 11:30 am nang magising siya ayon na rin sa orasang naroroon. Agad siyang naghanda. Isang red two piece ang sinuot niya at silky white cover up. Sana'y naman siyang magsuot ng mga ganoon noon sa may Palawan. Hindi man siya kaputian ay makinis at mahubog naman ang kan'yang katawan, dagdagan pa ng nagmamalaking mga dibdib niya. Nang lumabas siya ay may mga iilan na pinagtitinginan siya. Ang iba naman sa mga ito ay nagsisipulan pa. Nakita niya si Lucas sa may lobby at may kausap itong isang lalaki. Nang mapatingin naman ito sa may gawi niya ay kaagad itong ngumiti. Bahagya namang natulala ang lalaking kausap nito nang makita siya. Agad siyang hinapit sa bewang ni Lucas at hinalikan sa may noo nang ganap na makalapit. "How's your sleep, baby?" Naiilang man ay ngumiti siya rito. "Ayos naman," "By the way Simoun, this is Judith, my girlfriend. And Judith, this is Simoun, a very long time friend of mine," pakilala nito sa kanila. Agad naman niyang tinanggap ang isang kamay na iniabot nito. Halos mapapitlag pa siya nang bahagya nitong pisilin ang kamay niya. "Nice to meet you, Judith," Namumula siya nang bawiin niya ang kamay niya. "Nice to meet you, too," "Oh paano ba 'yan, bro. I don't want to disturb you anymore. I hope you'll enjoy your stay here. Welcome to Isla Bianca!" Matapos makapagpasalamat ay umalis na rin ito. They spent the whole day walking sa may dalampasigan. Surfing, sun bathing, jetskie. Tuwang-tuwa siya at sobrang nag-enjoy. She just wondered kung bakit nagawang iwan ni Beatrice ang ganitong klase ng lalaki. Napakaperpekto nito sa paningin niya. Naputol ang pagtawa nila ni Lucas nang mapadako ang pansin nila sa dalawang taong naglalampungan sa may ilalim ng puno. Ramdam niya ang pagbabaga ng katawan ng katabi niya. "Let's go!" At hinawakan siya nito sa isang kamay pero pinigilan niya ito. "No. Nandito tayo para makuha mo ulit siya hindi ba? Hayaan mong makita niya tayo at isiping kaya mong mabuhay ng wala siya," mariing sabi niya rito. Sandali itong natigilan bago napabuntong-hininga. "You're right." At ngumiti sa kan'ya. Bigla siya nitong binuhat at inihagis sa may tubig. Nagtitili siya kaya nakaagaw sila ng atensiyon sa iilang mga taong naroroon. Isa na rito sina Beatrice at ang lalaking kasama nito. Kita niya pa ang pagkagulat sa mga mata nito. "Effective!" sabi niya rito at ngumiti. "Tignan mo, kulang nalang ay patayin niya ako sa mga tingin niya," Pero sa totoo lang ay bahagya siyang nadismaya. Dinala lang pala siya rito ni Lucas dahil naroroon din si Beatrice. Pero kaagad din niyang iwinaglit ang nasa isipan lalo na nang yakapin siya ni Lucas at biglang halikan ng mariin sa may labi. Napatitig siya rito nang ihiwalay nito ang labi sa may labi niya. Nang tignan niya ang kinaroroon nila Beatrice ay nakatingin ang mga ito sa kanila. "Sorry, are you mad?" nag-aalalang tanong nito. Hindi siya kaagad nakapagsalita at bigla nalang umahon sa may tubig. Hindi niya alam kung bakit parang nasasaktan siyang isipin na kaya siya nito hinalikan ay dahil nakatingin sina Beatrice sa kanila. "Judith!" At hinila siya nito isang braso at biglang niyakap. "I'm sorry, baby." At hinalikan siya sa may noo. Pagkatapos ay inaya na siya nitong bumalik sa may hotel. Hindi siya umiimik nang makabalik sa may kwarto nila. Nag-shower lang siya at nagpalit ng maong tattered short shorts at white top. "Judith." Tawag sa kan'ya ni Lucas at hinawakan siya sa magkabilang mga balikat "Look at me, please." At itinaas ang baba niya nang yumuko siya. "I didn't kiss you just because Beatrice is looking on us. I kiss you because I want to," ang mga mata nito ay parang batang nag-so-sorry. "O-okay, hindi ako galit," "Thank you, baby!" At niyakap siya nito nang mabilis. Parang nabitin pa nga siya sa pagkakayakap nito na iyon. "Let's go. Let's eat dinner." At bumaba na sila sa may restaurant sa loob ng hotel. "What do you want to eat?" nakangiting tanong nito sa kan'ya. Nakoooo, Lucas! Huwag kang masyadong ngumiti sa akin at baka ma-inlove na ako sa iyo ng tuluyan! Pero kaagad din niyang iwinaglit ang nasa isip. Hindi maaari ang nararamdaman niya, lalo na at bigla niyang naisip ang pamilya niya. "Judith baby, are you okay?" nakakunot na noong tanong nito. Kanina pa pala siya nito tinatanong pero hindi siya nagsasalita. "Ahh oo, ang sabi ko ay bahala ka na, hindi ko naman kasi alam kung alin dito ang masarap" "Alright." At tinawag na nito ang waiter. Habang umoorder ito ay napansin niya ang pagpasok nina Beatrice at ang lalaking kasama nito. Umupo pa ito sa may mesang malapit sa kanila. Kita naman niya ang inis sa mukha ni Beatrice nang makita sila. Hindi niya ito pinansin at nag-focus nalang kay Lucas, nang dumating naman ang pagkain ay magana si Lucas na kumain. "Lucas, dahan-dahan," natatawang sita naman niya rito. "You know what? You're really like an appetizer to me. Ginaganahan akong kumain kapag nandiyan ka," at kumindat pa ito sa kan'ya bago ito muling sumubo. Ano ba Lucas! Huwag mo akong pakiligin! Kaagad naman siyang namula dahil sa sinabi nito, lalo na nang subuan pa siya nito. "Come on try this." At itinutok pa sa may bibig niya ang kutsara na hawak-hawak nito. "Naku Lucas, huwag na nakakahiya," iling niya rito. "Nah! Come on baby, I insist, please?" at para itong isang batang nakiki-usap. Wala siyang nagawa kung hindi kainin ito. Este, kainin ang pagkaing nasa may kutsara. "Sina Beatrice," mahinang sabi niya rito pagkatapos lunukin ang pagkain. "Why?" takang tanong naman nito. "Nandito sila," "I know," parang walang pakialam na sabi nito. Kaya ba sweet na naman ito sa kan'ya dahil alam nitong nandoon din ang babae? Bakit ba hindi niya naisip iyon? Judith! He's just acting! And he's just doing this para bumalik ito sa kan'ya hindi ba? Palabas lang ito kaya huwag kang masaktan! "Lucas, punta lang muna ako sa may powder room," paalam niya rito. "Samahan na kita." At akmang tatayo na rin ito nang pigilan niya. "Ahh huwag na, kaya ko na. Thank you." At mabilis na siyang tumayo at naglakad. Pagkapasok sa loob ay huminga siya ng malalim. "So trabaho na rin pala ng isang cheap na secretary ngayon ang landiin ang amo niya?" dinig niya sa maarteng boses. Mabilis naman siyang napatingin sa nagsalita at napatigil. Mabuti na lang at silang dalawa lang ang nandito. Nang hindi siya magsalita ay nagsalita na naman ito. "Remember this, slut. Kahit na anong pang gawin mo, Lucas will still be mine until the end of the day. Babalik at babalik pa rin ito sa akin. So If I were you, ititigil ko na itong paglalandi sa amo ko," matigas pa na sabi nito. "Talaga? Edi tignan nalang natin." At nakangiti niya itong iniwanan. Paglabas ay napatigil siya at napahinga nang mas malalim. I know, Beatrice. Because we are just doing this for you. "Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Lucas sa kan'ya pagbalik niya. "Oo naman, biglang sumama lang ng konti ang pakiramdam ko" matamlay na sabi niya. Agad naman itong lumapit sa kan'ya at inalalayan siya. "Let's go, bumalik na tayo sa itaas. You need to rest, baka masyado na kitang napapagod," Napangiti siya rito. Kung hindi lang talaga sa pagpapanggap nila ay aasa siya sa pinapakita nitong kabaitan at pag-aalala sa kan'ya. Nang makarating sa kwarto ay kaagad siya nitong pinahiga. Ibinili din siya nito ng gamot. "I'll be back, rest well baby." At hinalikan siya sa noo. Nakatulog siya nang hindi namamalayan. Pagbukas niya ng mga mata ay nakaupo ito at tulog sa may tabi niya. Binantayan ba siya nito? Hindi naman ganoon kalala ang nararamdaman niya pero grabe ito kung makapag-alala sa kan'ya. Kinabukasan ay magaan na ang pakiramdam niya. Nagising siyang wala si Lucas sa may kwarto. Kaagad naman siyang naligo at nagbihis pagkatapos ay lumabas. Naglakad-lakad siya upang hanapin si Lucas. Malayo palang ay tanaw na niya ito. Lalapitan na sana niya ito nang mamataan niyang papalapit si Beatrice rito at kaagad niyakap si Lucas. Hindi na niya pinatagal pa at paatras nang umalis. Hindi niya maintindihan kung bakit parang naninikip ang dibdib niya sa nasaksihan. Hindi ba iyon naman talaga ang goal nila ni Lucas? Ang mabawi si Beatrice? Sa kakalakad ay hindi niya namalayang nabangga niya ang isang lalaki. "Sorry, sorry," nakayukong sabi niya. "It's okay," seryosong sagot naman nito. Nang mag angat siya ng tingin ay nagulat siya. "Ikaw?" gulat na sabi niya at nagpalipat-lipat nang tingin kina Lucas at Beatrice na magkasama sa mula sa malayo "Ikaw iyong kasama ni Lucas, right?" Tumango siya ng bahagya. "Hindi ko alam kung bakit sila nagtitikisan ng gan'yan. I know very well how they love each other," habang malungkot na nakatingin sa dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD