Chapter 5

2187 Words
Ngunot-noong tumingin naman siya rito. "Si Beatrice. Hiningi niya lang ang tulong ko. Gusto niyang pagselosin si Lucas," paliwanag pa nito. Kita niya ang lungkot sa mga mata ng lalaki. "Mahal mo ba siya?" bigla ay tanong niya rito Matagal bago ito sumagot at tumango "Yes. So much that I am willing to do anything and everything for her maging masaya lang siya, kaya gusto kong makabawi at mapalapit sa kan'ya," Nakaramdam siya ng konting inggit sa babae. Dalawang lalake kasi ang tunay na nagmamahal dito. "Do you want to go with me?" pagkuwan ay tanong nito sa kan'ya. "Huh?" takang tanong niya rito. "Hayaan na muna natin silang makapagsolo," Bago pa siya makasagot ay hinila na siya nito sa isang braso. Dinala siya nito sa isang napaka gandang garden. "Wow! Ang ganda! Para akong nasa langit." At inamoy-amoy pa niya ang mga bulaklak  na naroroon. "You're so innocent---" Napatingin siya rito nang mapatigil ito sa pagsasalita. "Bakit?" nakangunot-noong tanong niya. "I just forget to ask your name," at tumawa ito ng malakas. Infairness, gwapo pala ito kapag nakangiti. Maganda rin ang katawan nito at parang matitigas. "Ako si Judith." Nakangiting sabi niya sabay lahad ng  isang palad. "I'm Kenneth, nice to meet you, Judith." At tinanggap nito ang isang palad niya. Nalaman niyang galing pala ito ng States at nagbabakasyon lang dito sa pilipinas. Hindi niya namalayang ilang oras na pala silang nagkwekwentuhan. "Oh paano ba iyan, mauuna na ako sa hotel. Baka kasi hinahanap na ako ni Lucas," Paalam niya rito kahit na ang totoo ay hindi siya sigurado kung talagang hinahanap pa siya ni Lucas dahil baka nagkaayos na ito at si Beatrice. "Ayaw mo ba munang mag-lunch?" alok pa nito sa kan'ya. "Ahh hindi na, nakakahiya naman. Atyaka baka walang kasabay kumain si Lucas" tanggi niya rito at pilit na ngumiti. "Hmmm, okay. Sige, sabay na lang tayong bumalik ng hotel. Tutal naman ay halos magkatabi lang naman ang mga hotel room natin," ngiti nito sa kan'ya. Tumango nalang siya rito tanda ng pagpayag. "Judith?" Napatingin siya rito habang naglalakad. Nagulat pa siya nang may tumusok sa may kabilang pisngi niya. Nakatutok pala ang isang daliri nito sa isang pisngi niya bago siya nito tawagin kaya hindi niya mapigilan ang mapahalaklak. "Ang pilyo mo pala, Kenneth!" At hinampas niya pa ito ng bahagya sa may isang balikat nito. Hindi niya namalayang nasa may harapan na pala nila si Lucas at matamang nakatingin sa kanilang dalawa. Huminto silang dalawa ni Kenneth mula sa paglalakad. Mukhang wala sa mood si Lucas base na rin sa timpla ng mukha nito. "Where have you been?!" galit na sita nito sa kan'ya. "Ahmmm-- naglakad-lakad lang ako sa paligid ng hotel," kinakabahang paliwanag niya, tila kasi binundol siya ng kaba kahit wala naman siyang ginawagang masama. "Alam mo bang nag-alala ako sa iyo?" inis na sabi pa nito. Yumuko na lang siya at hindi nakapagsalita. "I'm sorry, ako ang nagsama sa kan'ya," narinig niyang singit ni Kenneth sa usapan nila ni Lucas. "At bakit mo naman siya kailangang isama kung saan? You're with Beatrice, right? Bakit hindi nalang siya ang alalahanin mo?" matigas na tinig na sabi nito. "Wait-wait.. Wala akong planong masama. Sinama ko lang si Judith para may makasama siya, ayokong magmukha siyang kawawa kung babantayan niya lang kayong dalawa ni Beatrice," mariing sabi naman nito. "Next time bro, mind your own business" mariing sabi pa rin ni Lucas. "Yeah. Then mind your own too. Huwag mo na rin pakialaman si Beatrice," nanghahamong sabi nito. "Who do you think you are para sabihin iyan?!" inis na tanong ni Kenneth dito. "Don't sail on two boats, bro. Magpakalalaki ka. Kung mahal mo huwag mo nang patagalin. Kasi kung sasabihin mo lang ngayon na bibitawan mo na si Beatrice handang-handa akong saluhin siya!" mahabang sabi nito at diretsong nakatingin kay Lucas. Ramdam niya ang tensiyong namamayani sa dalawa. "Ahmm Lucas, ang mabuti pa ay pumasok na tayo sa loob." Sabi niya rito at mabilis na hinawakan ang isang braso nito para hilain papasok sa loob ng kwarto nila. Pero bago pa sila tuluyang makapasok ay nagsalita ito. "Huwag mong pakialaman si Beatrice. She's mine!" Nagulat naman siya nang pabalibag nitong isinara ang pintuan. "Damn that man!" "Lucas," mahinang tawag niya rito. "What?!" inis na sabi nito. "I'm sorry kung pinag-alala kita," nakayukong sabi niya. "You're supposed to be my girlfriend, right? Hindi ba dapat ay hindi ka sumasama sa ibang lalaki?!" inis na sabi pa nito. "Sorry, hindi ko naman sinasad'yang makilala si Kenneth. And I saw you with Beatrice hugging awhile ago kaya binigyan ko kayo ng oras para mapag-isa," "Not everything you see is true. Remember what I told you before? Learn not to trust anyone," seryosong sabi nito sa kan'ya. "Does that include you, sir? Hindi rin ba kita dapat pagkatiwalaan?" seryosong tanong niya rito. "That's defend on your perspective. I can be nice to you but I am not a Saint. I do wrong things. I can be bad sometimes," "Pero gusto kitang pagkatiwalaan sir, tinulungan mo ako nang mga panahong lugmok ako. Nagtiwala ka sa akin, kaya magtitiwala rin ako sa iyo. Thank you, sir" tt ngumiti siya rito. "You don't have to. Isa pa, humingi ako ng pabor sa iyo hindi ba? Kaya I think we are quits, mauna ka na sa may banyo," at ngumiti na rin ito sa kan'ya. Nang may biglang maalala, isa lang pala ang hotel room nila. At isa lang ang kama, ibig ba nitong sabihin ay magkatabi silang matutulog? Bigla naman siyang namula sa naisip. "Is there something wrong, Judith?" ngunot-noong tanong nito. "Ah..ehh wala po sir, sige po mauna na po ako sa banyo." At nagmamadaling pumasok ng banyo. Pagkatapos maglinis ng katawan ay isang manipis na pantulog lang ang nadala niya, hindi naman kasi niya alam na magkakasama pala sila sa iisang kwarto. Sabagay, nakita naman niya ako ng naka two piece ano pa ba ang dapat kong ikahiya? Wala naman akong mga peklat sa katawan. Pagpapalakas loob pa niya sa sarili. Nang lumabas siya ng banyo ay busy si Lucas sa laptop nito habang nakaupo sa may side table malapit sa kama. Nang bigla siyang matalisod sa kakaisip kung tabi ba silang matutulog. "Ay pusang gala!" gulat na sabi niya. Bigla naman napatingin si Lucas sa kan'ya at biglang napatayo. "Are you okay?" Akmang lalapit ito nang pigilan niya. "Ay sir, okay lang po ako hehe" At bigla siyang sumpa sa kama at dali-daling nagtalukbong nang dahil sa kahihiyan. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya, nagising siya nang mag-aalos otso na ng gabi. Nang magising siya ay wala na si Lucas sa may kwarto. Patayo na sana siya nang bumukas ang pinto. "Hey, you're awake. Nagtake-away nalang ako ng dinner natin." Sabay taas ng isang supot ng isang restaurant "Ayy sorry sir, nakatulog ako. Ako po ang dapat na gumagawa niyan. Pasensiya na." Hiyang sabi niya sabay kuha rito ng supot. Nilabas na niya ito at pinatong sa may lamesa. Inayos na rin niya ito at niyaya na itong kumain. "Uhmm," tikhim nito. Napaangat naman siya ng tingin dito. "About earlier, can you please promise me na hindi ka na sasama ulit sa lalaking iyon?" seryosong titig nito sa kan'ya. "Pero sir, bakit? Mabait naman si Kenneth--" "Dont trust anyone, remember?" putol nito sa sinasabi niya. "E kayo sir kumusta naman ang pag-uusap niyo ni Beatrice?" pag-iiba niya sa usapan. "Let's just continue eating," at kumain na ito at hindi na ulit nagsalita Wala ba siyang karapatang magtanong? Bakit parang nasaktan siya sa ginawa nito. Sabagay sino nga ba siya? Isang hamak na katulong at tagasunod lang. Pagkatapos kumain ay nag-ayos lang siya at nahiga na. Hinihintay niya itong tumabi sa kan'ya pero sa halip ay sa sofa lang ito nahiga. Malaki naman ang kama kahit magtabi sila ay hindi naman sila magdidikit. Pinatay na nito ang ilaw at tanging lampshade na lang ang nagbibigay liwanag sa loob ng kwarto. Hindi siya makatulog. Kitang-kita niyang hindi rin makatulog si Lucas dahil sa liit ng sofa. Lagpas na lagpas ang mahahabang mga binti nito. Damn! Narinig niyang mahina nitong mura. Nang hindi siya makatiis ay kabilis siyang tumayo at lumapit rito. "Ah sir, doon nalang po kayo sa kama riyan nalang po ako. Sanay na sanay naman po ako riyan," mahinang sabi niya rito. "No, bumalik ka na roon at matulog. I'm okay," sagot nito kahit nakatalikod ito mula sa kan'ya at hindi siya nililingon. "Pero sir, promise mas gusto ko po riyan sa may sofa," "Wag ka ng makulit Jud--" Nabitin ang pagsasalita nito nang humarap ito sa kan'ya. Nagkatitigan silang dalawa. May dumi ba siya sa mukha? Takang tanong niya sa sarili. "s**t!" dinig na naman niya ang mahihina nitong mga mura. "Sige na sir, ako na po--" hindi na niya natuloy ang sasabihin nang bigla itong tumayo at hilain siya papunta sa may kama. "Okay mapilit ka. We'll sleep together." At humiga na ito sa kabilang side ng kama. Siya naman ay nakatulala lang na nakatingin dito. "Doon nalang po ako sa may sofa," At akmang tatalikod siya nang magsalita ito. "Do it then you're fired," seryosong sabi nito "Pero sir--" "Mahiga ka na, It's late Judith, magpahinga na tayo please. No more buts, goodnight." at dinala nito ang isang braso sa mukha at pumikit. Wala siyang nagawa at napabuntong-hininga nalang. Nahiga siya sa kabilang side ng kama. Nagising siya kinabukasan na may mainit na hangin na tumatama sa may leeg niya at mabigat na bagay na nakapatong sa may bewang niya. Nang ganap na mamulat ang mga mata ay gulat siya. Mahigpit na nakayakap paharap sa kan'ya si Lucas habang nasa may leeg niya ang mukha nito. Hindi siya makakilos. Parang ang bilis ng t***k ng puso niya. Nang gumalaw ito ay dali-dali siyang pumikit at nagkunwaring tulog. Naramdaman niyang hinahaplos nito ang mukha niya. Pagkaraan ng ilang sandali ay tumayo na ito at narinig niyang bumukas ang pintuan ng banyo. Pagkasara ng pinto ay siya namang pagdilat niya. Mabilis naman siyang napahawak sa kan'yang dibdib, hindi pwede ito, hindi ako pwedeng ma-inlove sa amo ko. Puso mag-behave ka kung ayaw mong mawalan tayo ng trabaho! Pagkaraan ng ilang sandali ay tumayo na rin siya, nagbihis at nag-ayos. Sa baba ng hotel daw sila mag bi-breakfast. Isang white tube summer dress ang sinuot niya na may mahabang slit sa isang gilid habang inipit naman niya ang buhok na parang bun style. Nasa kalagitnaan na sila ng pagkain nang tumunog ang cellphone nito. Nag-excuse lang ito at sinagot ang tawag at lumabas. "Excuse me?" Nang mag-angat siya ng tingin ay napangunot-noo siya sa taong nasa may harapan niya. "It's Simoun, remember? Yesterday?" nakangiting sabi nito. "Ay opo. Kain po tayo, sir," nakangiting sagot din niya rito. "Thanks, I'm done. By the way where is Lucas? You're not with him?" "Ah may importante lang po siyang kausap sa phone," bahagyang ngiti niya rito. "Napaka-workaholic talaga ng taong iyan, hindi ka niya dapat iniiwang mag-isa. Baka biglang may makadampot sa iyo rito. Sa ganda mo ba namang iyan," at ngumiti ito sa kan'ya na siyang ikinapula at yuko niya. Nang biglang may tumabi sa kan'ya sa upuan at akbayan siya. "Hindi ko naman hahayaan na madampot siya ng iba right, baby?" Bahagya lang siyang ngumiti dahil nahihiya talaga siya. "But seriously pare, hindi mo dapat hinahayaan mag-isa itong girlfriend mo," seryoso pa rin na sabi ni Simoun dito. "Are you hitting on her?" madilim ang mukhang tanong ni Lucas dito. "No, no pare. I know my limits. Ewan ko na lang sa ibang mga lalaki rito na laway na laway na sa syota mo. Anyways, I gotta go." At tuluyan na itong umalis. Dahil sa nangyari ay hindi na siya hiniwalayan ng tingin ni Lucas at sobrang possessive nito sa kan'ya, kung hindi nakahawak sa may kamay ay naka hawak ito sa may bewang niya. Buong araw din nilang hindi nakita sina Beatrice at Kenneth. "Ahh Lucas, pwede ba akong magpahangin muna sa may labas?" palam niya rito nang nasa may hotel na sila. "I'll go with you," at akmang aakayin na siya nito nang biglang tumunog ang cellphone nito. Narinig niyang importante iyon kaya umupo ito sa may harapan ng laptop. Makalipas ang ilan pang minuto ay hindi pa rin ito tapos. Inilayo muna nito ang cellphone sa may bibig at tinakpan ang mouthpiece bago ito nagsalita at kinausap siya. "I'm sorry, something came up. This is urgent," apologetic na sabi nito. "Okay lang po iyon sir, sandali lang naman po ako gusto ko lang magpahangin," ngiti niya rito. "Are you sure?" paninigurado pa nito. "Yes," ngiting tango niya rito. "Okay, puntahan nalang kita after this. You take care," at mabilis na ulit itong bumalik sa kausap nito sa cellphone. Ngumiti siya rito at nagpaalam na nalalabas na. Gusto niya lang magmuni-muni sa may tabing dagat. Madilim na ang paligid pero may mumunting liwanag ng dahil sa sinag ng buwan. Marahan naman siyang umupo sa may buhanginan pagkatapos ay napangiti. "Ang ganda ng buwan hindi ba?" biglang sabi ng boses na siyang ikinagulat niya. "Ay palaka!" malakas na sabi pa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD