Nang lumingon siya sa may likuran niya ay nakita niya si Kenneth na tawa nang tawa. Inismiran naman niya ito. Umupo naman ito sa tabi niya. Ngayon niya lang napansin na may hawak pala itong bote ng tequila. "Bakit ka ba nanggugulat?" inis na tanong niya rito. "Eh bakit ka kasi nagugulat?" ngisi pa nito sa kan'ya. "May problema ka ba?" Sabay turo ng hawak nitong bote. "This? Let's just say na gusto ko lang makalimot? Probably?" ngiti nito sa kan'ya. "Tungkol ba ito kay Beatrice?" seryosong tanong niya rito. "Yes," diretsong sagot nito at ngumiti ng mapait. "Curious lang ako, ano ba ang meron sa kan'ya at ang dami-daming nagkakagusto sa kan'ya bukod sa maganda siya?" kunot-noong tanong niya rito. "Well, gusto kong makabawi sa at-- I mean, kay Beatrice. Mabait naman ito, sadyang may

