Kabanata 23

1704 Words
NAGMAMADALING bumalik si Alec sa rancho at kinuha ang kanyang kotse upang habulin sina Lucy kahit na para nang sasabog ang dibdib niya. He's not ready to just let her leave. f**k, he's not ready to lose her. Not now that he's already fallen so hardly in love with her. "Sir Alec—" "Not now, Kiko." He opened the door of his car and hopped inside. Halos hindi niya pa naisasara ang pinto ay binarurot na niya ang sasakyan. Binuksan naman ng mga tauhan ang gate, at nang makalabas, halos kulang na lang ay paliparin niya ang kotse. He drove as fast as he can but when he reached the crossroad, one leading to another town while the other to their town proper, he slammed the stirring wheel with his hand. "Tangina!" Nagpuyos ang kanyang dibdib. Mariin niyang nilapat ang kanyang mga labi sa isa't-isa habang nakaigting ang kanyang panga. No, no, this is not happening. He can't lose Lucy. Hindi niya kaya lalo na ngayong hulog na hulog na siya rito. Napamura na lamang siya at tuluyang tinahak ang daan sa kanan, nagbabaka-sakaling doon nagtungo ang kotseng ginamit ni Lucy at Caren. Kailangan niya itong makausap. Kailangan niyang maipaliwanag ang lahat. Kailangan niyang makahingi ng tawad at mapatunayang totoo ang nararamdaman niya. Ngunit nang hindi niya talaga makita ang sasakyan, halos hampasin niya ang manibela saka niya sinandal ang kanyang ulo sa backrest ng upuan. His eyes shut as pain and fear clawed his heart. Tinakip niya ang kanyang braso sa mga mata niyang hindi niya mapigil sa pamumula habang hindi niya naman maiwasan ang panginginig ng ibaba niyang labi dala ng matinding emosyong lumulukob sa kanyang puso. No, this can't be happening. Nakapagplano na sila. Kakalas siya sa mga De Vera kung kinakailangan. Magsasama sila at magkasama nilang haharapin ang bukas. Why does their beautiful plans have to be ruined in just a blink of an eye? Lucy... Nasaan ka na? Bumalik ka sa'kin, please. I can't take this. I can't take this... He rubbed his palm on his face then sniffed. Pinagpatuloy niya ang paghahanap habang tinatawagan ang numero ni Caren pero pinapatay talaga nito ang kanyang tawag hanggang sa maging out of reach na ang numero. Napamura nang malutong si Alec. Alam niyang kasalanan niya dahil hindi niya ipinaliwanag kay Lucy noong may pagkakataon pa siya, pero handa niya namang harapin ang galit nito huwag lang siya basta na lang iwan dahil sa klase ng sakit na dumudurog sa kanya ngayon, alam niyang hindi niya kakayanin oras na hindi na niya muli pang nakasama si Lucy. The plan was to seduce her and win her heart, yet here he is, looking everywhere for her, about to lose his mind. Ni hindi niya na alam saan pa maghahanap at kahit nalibot niya na ang lugar, wala talaga kaya lalong naninikip ang dibdib niya. Halos inabot na siya ng madaling araw sa kalsada ngunit wala pa ring senyales ni Lucy. Gusto nang manlumo ni Alec dahil alam niyang imposible na ring magbalik sa Maynila ang dalaga. Mas mahihirapan pa siyang maghanap kung ganoon. Nagpunta na rin siya ng mga terminal, nagtanong kung may sumakay ba sa kahit anong bus na babaeng kamukha ng wallpaper ng kanyang phone. Pero sa tuwing umiiling ang mga napagtatanungan niya, lalo lang siyang nanlalambot. He went back in his car and shut the door. Napatitig siya sa litrato nila ni Lucy na nakunan niya noong magpicnic sila. She was smiling ear to ear while the tip of his nose was pressing on her cheek. Biglang uminit ang sulok ng kanyang mga mata. Naibato niya ang cellphone niya sa shotgun seat saka niya sinandal ang ulo niya sa manibela. The pain is getting worse every minute and he doesn't know where to look anymore. Sa huli ay bigo siyang umuwi, nagbabaka-sakaling oras na bumalik si Caren at ang driver ay mapakiusapan niya itong sabihin kung saan nagtungo si Lucy. Hindi niya ito susukuan. Murahin man siya ni Dr. Hailey mula ulo hanggang paa o malaman man ng Presidenteng kasama niya ito ng dalawang linggo, wala na siyang pakialam. He's going to make it up to her and win her trust again because if she won't come back, he doesn't know what he's going to do anymore. Ngayong umalis na ito at pinaramdam sa kanyang kaya siyang iwan dahil sa nagawa niya, mas naintindihan niya kung gaano na kalalim ang nararamdaman niya para rito. At lunod na lunod na siya... When he got back to the ranch, all his workers are already waiting for him. Wala sana siyang balak makipag-usap kahit kanino, ngunit nang marinig niya si Kiko, napabaling dito ang kanyang atensyon. "What did you say?" Kiko gulped. "Ka—Kasalanan ko ho kung bakit umalis si Ma'am Lucy." Parang nagpanting ang tainga ni Alec. Nagdilim ang kanyang paningin at nakwelyuhan niya si Kiko, muntik nang maambahan ng suntok kung hindi lamang siya inawat ng iba pang tauhan. "What the f**k did you do?!" "Pasensya na ho, Ser. Nasabi ko kay Caren kung sino talaga si Ma'am Lucy kasi narinig niya raw kayong kausap si Doktora." He felt his body numbed. Napakurap siya at ang kanyang noo ay unti-unting nalukot. "You knew... Who Lucy is?" Pumagitna si Renny, namumula na ang mga mata. "Ser, huwag... Huwag ho kayong magalit kay Kiko dahil ang totoo, ako lang dapat ang nakakaalam. Bago ho kasi kayo dumating dito ay tinawagan na ako ni Doktora. Ang sabi ay dadalhin ninyo rito ang kabit ni Sir Vince. Sinabihan niya akong lasunin si Ma'am Lucy. Hindi ho ako pumayag, Ser dahil natakot ako pero binantaan ako ni Doktora na may mangyayaring masama sa mga anak ko." Tuluyan itong naiyak at humikbi. "Ser, patawarin ninyo ako. Sinabi ko lang sa mga kasamahan ko dahil hindi ko na ho alam ang gagawin ko eh. Kaya lang hindi ko rin naman ho naituloy dahil nang makilala ko si Ma'am Lucy, nakunsensya ako nang husto. Mabait ho si Ma'am Lucy sa amin at alam kong mahal na ninyo kaya Ser, patawarin niyo ho kami." Marina sniffed and bowed her head. "Ako po ang... Kumuha ng gamot ni Ma'am Lucy. Nagagalit na po kasi si Ma'am Hailey kay ate Renny kasi bakit daw buhay pa si Ma'am Lucy. Sorry po talaga, Sir Alec. Hindi namin akalaing aabot sa ganito." Halos manghina ang kanyang mga tuhod. Napaupo siya sa hagdan at hindi alam kung papaano magre-react sa nalaman. "You knew... All of you... But you chose to treat her as if you know nothing." "Mabait po kasi si Ma'am Lucy, Ser tsaka nakita namin na biktima lang din siya rito kaya patawad ho talaga. Patawarin niyo po kami kung hindi namin inamin ang sinabi ni Doktora," umiiyak na ani ni Renny. Naisangkal ni Alec ang kanyang mga siko sa kanyang magkabilang tuhod saka niya sinabunot sa kanyang buhok ang kanyang mga kamay. He shut his eyes and breathed in deeply. "I have to find her. I can't... I can't lose her..." he uttered, his chest felt like it's going to explode already. "Tutulong ho kami. Pambawi man lang, Ser pero sana kung makita ninyo na si Ma'am, pakisabi rin ho na hindi namin siya niloko. Naging totoo ho kami sa kanya mula nang makita namin kung gaano siya kabuti." Alec flashed a broken smile at Renny. "I will, if she will listen to me." He breathed in deeply to ease the suffocating pain inside his chest. "Kailangan ko siyang makita ulit. I've never felt this way before. Baka... Baka mabaliw ako kung mawawala siya sa'kin ng gano'n na lang." "Pangako, Sir Alec kakausapin ko si Caren para sabihin kung saan sila nagpunta." Piniga ni Kiko ang kanyang balikat. "Pahinga na ho muna kayo hayaan ninyo at gagawa kami ng paraan para matulungan kayo. Nag-aalala rin kaming lahat ngayon dahil kung wala na sa poder natin si Ma'am Lucy, baka mag-utos na ng iba si Ma'am Hailey para ipapatay siya. Ser, sana huwag nang makaalam kay Ma'am Hailey na alam niyo na hong inutusan niya si ate Renny. Naniwala na siya sa alibi ni ate Renny kaya kahit paano nakahinga na kami nang maluwag para sa mga anak niya, pero kung malaman ni Doktora na alam niyo na ang inutos niya, baka magkaproblema si ate Renny." Alec swallowed the lump forming in his throat. "Huwag kayong mag-alala. She will not hear anything from me but I hope next time, you will tell me things as early as possible nang alam ko ang gagawin ko. Paano kung natuloy ang paglason kay Lucy? I would have sued you, Renny." Yumuko ito. "Pasensya na ho talaga, Ser." Tumayo siya at pinasadahan ng tingin ang mg tauhan. "All I ask is your loyalty to me, dahil makikipagpatayan ako para sa inyo alam ninyo 'yan. Sana hindi na maulit 'to." "Opo, Sir..." Hindi na kumibo pa si Alec dahil wala na rin siyang lakas makipag-usap pa. Sinabihan niya na lamang si Kiko na tawagan si Caren at kung dumating ang sasakyang ginamit nito ay katukin siya kaagad sa kwarto. Nahiga siya nang padapa sa kama at niyakap ang unang ginagamit ni Lucy. Sumara ang kanyang mga mata at mahigpit na umigting ang kanyang panga nang malanghap ang naiwang amoy ng dalaga sa unan. The pain of losing her struck his heart once again. Naibaon niya ang mukha sa unan at tuluyang naluha sa sama ng loob sa sarili at pangungulila. Lucy... Bumalik ka sa'kin, please... He sniffed and hugged the pillow. Mayamaya ay umalingawngaw ang kanyang phone. Dinukot niya ito sa pagbabaka-sakaling si Caren na ang tumatawag, ngunit nang makita ang numero ng imbestigador, bumagsak ang kanyang pag-asa. He sniffed back his tears and cleared his throat before he answered the call. "Mr. De Vera?" "Yeah. May balita na ba?" "I don't know if destiny is playing with us but I think you've already found Andrea Saturnino." Napakunot ng noo si Alec at biglang napabangon. "What do you mean I already found her?" The investigator was silent for a moment, at nang klaruhin nito ang sinasabi, halos mabitiwan ni Alec ang kanyang cellphone. "Mr. De Vera, the adoptive sister you are looking for all these years was re-registered with a fake age as...Lucy Sta. Maria..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD