Kabanata 22

2233 Words
MASAYANG nag-doorbell si Lucy sa bahay ni Caren. Halos kasing laki ito ng bahay ni Alec na dalawang palapag ngunit naghuhumiyaw ang pagka-violet ng bahay ng sa dalaga. Kikay na kikay din ang mga dekorasyon sa harap at may pink flamingos na malapit sa water fountain nitong nasa harap. Caren opened the door for her and she immediately hugged her new found friend, ngunit ganoon ang kanyang gulat nang kumalas si Caren sa yakap saka siya hinatak papasok bago luminga-linga sa paligid na animo'y tinitignan kung mag-isa lamang niya. Nang walang makitang ibang tao ay kaagad nitong isinara ang pinto saka siya hinatak na maupo sa violet na leather couch. Most of her stuff has violet accent and uber-girly which Lucy finds cute. Nang makaupo sila, napansin niyang seryoso masyado ang masiyahing si Caren kaya ang kanyang ngiti ay unti-unting naglaho. "Uhm, Caren para sayo oh. Sana magustuhan mo." She gave the paper bag to Caren. Tinanggap naman nito ang regalo niya saka ito pilit na ngumiti. "Salamat, friend." Caren put the paper bag on the glass coffee table then held both of her hands. "Kumusta ka na? May masakit ba sayo? Nahihilo ka ba?" Napakunot siya ng noo, bahagyang nagtaka kung bakit ganoon ang mga tanong nito sa kanya. "Ayos lang ako, Caren. Bakit mo naman natanong?" Caren's eyes soften. Marahan nitong piniga ang kanyang mga kamay saka ito humugot ng malalim na hininga. "Friend, alam mo hindi ako tsismosa at lalong hindi ako gagawa ng kwento na makasisira ng kapwa ko, pero noong huling pumunta ako sa bahay ni Alec, may narinig ako. Kinompronta ko si Kiko at..." Caren sighed. "Lucy, ang ganda-ganda mo pero bakit, friend?" Biglang kinabahan si Lucy. Namutla ang kanyang mukha at labis na nagwala ang kanyang dibdib. Tumikhim siya at iniwas ang kanyang tingin. "A--Anong ibig mong sabihin?" "Totoo ba, Lucy? Kabit ka ba ng Presidente?" Her eyes widened. "Pa--Papa'no mo nalaman?" Caren shut her eyes. Nahilamos nito ang palad sa mukha saka ito bumuntong hininga. "Lucy, anong sinabi ni Alec sayo? Bakit ka nandirito?" Napalunok siya, labis nang kinakabahan sa nagiging takbo ng kanilang usapan. "Sa--Sabi niya... Sabi niya kung makakalimutan ko si Vince ng dalawang linggo ay..." "Hihiwalayan mo si Vince oras na makuha ni Alec ang puso mo? Iyon ba, Lucy?" Mahina siyang tumango, nahihiya. "Pero nakapag-usap na kami ni Alec at naging maayos ang plano--" "Plano? Friend! Diyos ko pinaglalaruan ka nilang lahat! Kaya nga hindi na ako nagpupunta roon dahil hindi ko matanggap na nagagawa nila 'to sayo." She blinked, her brows can't help but furrow. "A--Anong sinasabi mo, Caren?" Labis na nalungkot ang mukha ni Caren. Sandali itong hindi nakasagot na tila kinakapa ang lakas ng loob upang sabihin sa kanya ang mga nalaman nito. "Noong nagpunta ako sa bahay ni Alec kinabukasan pagkatapos ng birthday ni Tatang Abner para balikan ang cellphone kong naiwan ko sa kalasingan, narinig ko si Alec. Kausap niya ang asawa ng Presidente at sinabi niyang siya na ang bahala sayo. Hindi ko alam kung anong sinabi ni Dr. Hailey sa kanya para sabihin 'yon ni Alec pero may narinig akong tungkol sa plano nila. Hindi ako mapakali kasi malakas ang pakiramdam kong may hindi magandang nangyayari, Lucy. Kinausap ko si Kiko. Noong una ayaw niyang aminin sa akin ang totoo pero sa huli, sinabi niya na kabit ka ng Presidente. Alam ng lahat ng tauhan sa rancho, Lucy at inutusan din sila ni doktora na kung hindi magagawa ni Alec mag-isa ang plano, sila ang tatrabaho. Lalasunin ka raw nila. Basta pagtatangkaan nila ang buhay mo. Ito namang si Alec, ang sabi ni Kiko, paiibigin ka ng husto hanggang sa hiwalayan mo ang presidente saka ka niya iiwan sa ere nang maramdaman mo ang nararamdaman ni doktora. Lucy, nag-aalala ako sayo dahil alam ko kung gaano kamahal ni Alec ang nanay-nanayan niya. Gagawin niya lahat huwag lang masaktan si doktora." Pakiramdam ni Lucy ay tumigil ang kanyang mundo. Namanhid ang kanyang dibdib at halos mawalan siya ng lakas dahil sa mga narinig. Totoo ba? Kaya ba ganoon kabilis na nahulog si Alec sa kanya kahit na kung tutuusin ay dapat galit ito sa kanya dahil kabit siya ni Vince? Did he fake everything for the sake of revenge? Para maramdaman niya ang lahat ng naramdaman ng Unang Ginang? At ang mga tao sa rancho na akala niya ay tanggap siya at naging mabuti sa kanya dahil bukas-palad siyang tinanggap, are they all faking it this whole time? Nahagod niya ang kanyang dibdib na biglang sumikip. Uminit ang sulok ng kanyang mga mata at ang utak niya ay tila biglang napuno ng mga negatibong ideya at salita. Her anxiety kicked in and no matter how bad she wanted to trust Alec, her mind didn't let her give him the benefit of the doubt. "Ni... Niloko nila akong lahat? Hindi totoo ang lahat ng pinakita nila? Gano'n ba, Caren?" Her tears fell heavily and her sobs broke Caren's heart. "Naniwala ako na sa unang pagkakataon, may mga taong tumanggap sa akin nang buong-buo pero lahat... Lahat 'to palabas lang nila?" "Friend..." Namuo ang luha ni Caren sa awa sa kanya. "Bakla, huwag ka namang umiyak naiiyak na rin ako." Caren pulled her for a comforting hug. Humagulgol siya nang husto sa balikat nito dahil hindi niya yata kaya lahat ng nalaman niya. Ang sakit-sakit. Bakit kung kailan napamahal na siya sa mga tao sa rancho lalong-lalo na kay Alec saka pa ito mangyayari? Bakit paulit-ulit siyang dinudurog ng mundo? Wala ba talaga siyang karapatang maging masaya at mahalin nang totoo? Iyong walang bahid ng kahit anong masamang balak? "Caren, naging mabuti naman akong tao. Noong bata pa ako, ginawa ko lahat para mapasaya ang mga umampon sa akin pero tinarantado pa rin nila ako. Si Vince, I thought he loved me pero minanipula lang niya ako. Ginamit niya ang kalagayan ko para matali ako sa kanya tapos ngayon, ito, si Alec, ang mga tao sa ranchong natutunan ko nang mahalin." She broke down. "Caren, bakit ginaganito ako ng mundo? Ano bang kasalanang nagawa ko para paulit-ulit akong gaguhin?" Caren rubbed her back while sniffing. "Lucy naman eh pati ako naiyak na sayo. Walang mali sayo, okay? Mali na naging kabit ka pero naniniwala akong may dahilan ang naging maling desisyon mo pero sana maitama mo 'yan kaagad. Iyong kina Alec, hindi ko rin matanggap dahil kaibigan ko siya, silang lahat sa rancho, pero hindi sapat iyong mas matagal ko silang naging kaibigan para ipikit ko ang mga mata ko sa bagay na hindi makatarungan. Hindi mo 'to deserve, Lucy kaya sinasabi ko sayo. Nasasaktan ako kasi, friend naman bakit kasi sobrang pure ng puso mo? Bakit ang bilis-bilis mong nagtiwala?" Marahas na nagtaas-baba ang kanyang mga balikat. "Kasalanan ko rin. Inakala kong totoo ang mga sinabi at pinaramdam ni Alec pati ang mga tao sa rancho pero ngayong alam ko na, tapos na ang palabas." Tumayo siya at basag na ngumiti. "Maraming salamat, Caren. Kung may maganda mang naidulot ang pagkakapadpad ko rito, 'yon ang nakilala kita. I never had friends when I was growing up pero dahil sayo, may isa na ako..." Pumatak ang mga luha ni Caren. "Anong balak mo ngayon? Kung kailangan mo ng tulong ko, magsabi ka sa akin." She wiped her tears and breathed in deeply to calm herself. "Ngayon mismo, aalis na ako sa rancho." "Saan ka tutuloy? Anong sasakyan mo?" "Hindi ko pa alam basta... basta makaalis lang ako ngayon, Caren." Caren sighed. "Ganito na lang. May bahay ako sa Pampanga na pinapaupahan pero umalis na ang tenant ko. Pwede ka roon. Ipapahatid kita sa driver, ha? Huwag ka nang umiyak. Sasamahan kita ro'n para kunin ang mga gamit mo." She sobbed and nodded while biting her lower lip. "T--Thank you. Thank you, Caren. Baka hindi ko kayanin kung pati ikaw... Kasali sa plano ni Alec." "Wala akong jowa pero may prinsipyo ako, Lucy. Kakampi mo ako kaya pabayaan mo 'yong si Dra. Hailey. Kakarmahin din ang bruhang iyon. Hindi ko lang talaga matanggap itong ginawa nila sayo." Hindi na kumibo pa si Lucy. Kasama si Caren, bumalik siya sa rancho at pumanhik ng silid. She grabbed her stuff and put it on her suitcase. Ni hindi niya matignan ang kamang pinagsaluhan nila ni Alec kaya kahit sobrang bigat ng dibdib niya, kinuha niya si Peppa at kinaladkad ang kanyang suitcase palabas. Peppa looked at her as if asking why she's crying. Humikbi siya at dinampian ng halik ang ulo nito. "Aalis na tayo rito, Peppa. Hindi pala tayo para rito." Her own words scarred her heart so much. Kaya habang may lakas pa siya upang umalis, bumaba na siya ng hagdan kung saan nag-aalalang nakatingin sina Marina at Renny. "Ma'am Lucy ano hong nangyayari?" Napaiyak siya sa tanong ni Renny, at kahit na alam niyang naging peke ang mga ito sa kanya, pilit niya pa rin itong nginitian. "Ingat po kayo palagi." She sniffed and let Caren hold Peppa for her. Nataranta naman ang dalawang kasambahay dahil kahit anong tawag nila ay hindi na siya lumingon pa. "Kiko! Kiko tawagin mo si Ser Alec bilis! Aalis si Ma'am Lucy!" She wiped her tears and didn't mind the manymore. Kasama si Caren at Peppa, nagmartsa sila paalis. Ngunit nang makalabas sila ng gate ng rancho, tumatakbo siyang hinabol ni Alec, puno ng takot at pag-aalala ang mukha habang malalim ang paghinga. "Lucy, what the hell is going on?" Hindi niya ito pinansin at bumaling siya kay Caren. "Caren tawagin mo na lang siguro iyong driver." Tumango naman ito at akmang aalis na ngunit hinawakan ni Alec sa braso. "Teka nga! Tangina ano bang nangyayari?" Matalim na tinignan ni Caren si Alec saka nito hinawi ang kamay ni Alec na nakahawak sa braso nito. "Tanungin mo 'yang sarili mo at mga kasabwat mo. Hindi na kayo naawa kay Lucy!" Parang namutla si Alec. Napaiwas ito ng tingin at napalunok kaya inis na ngumisi si Caren "Ayan. 'Yan tayo eh. Kapag nabubuko walang masabi." Alec breathed in and held Lucy's arm. "L—Lucy, pag-usapan muna natin. Magpapaliwanag ako, please." Parang lalo lang nadurog ang puso ni Lucy. So that's the confirmation she's waiting? Totoo nga? Pumatak ang kanyang luha at hinarap niya si Alec saka niya ito sinampal. "Sana masaya ka na! Sana masaya na kayo! Huwag kang mag-alala dahil hindi ko na babalikan pa ang tatay mo. Magpapakalayo-layo ako mula sa inyong lahat!" His eyes became worried and scared. "Lucy, please mag-usap muna—" "Wala na tayong ddapat pag-usapan, Alec Okay na at naintindihan ko naman. Naging masunurin ka at tumanaw ka lang din ng utang na loob kaya pwede ka nang tumigil sa pag-arte na... na mahal mo ako at tanggap mo ako." She turned around and was about to walk again despite her shaking limbs because God knows how much it pains her to turn her back on Alec. Ngunit nakakailang hakbang pa lamang siya ay niyakap na siya nito mula sa likod, mahigpit at tila walang balak na pakawalan siya. "Lucy, I love you. Hindi ako nagpapanggap. What I showed you was real so please, please baby listen to me. Huwag mo kong iwan, please..." She can feel his voice trembling as if he's so scared and about to burst into tears, ngunit natalo na ng kanyang isip ang kanyang pusong nasasaktan nang husto dahil sa mga nalaman. She sobbed, but she still tried to take his arms off her. "Bitiwan mo ako, Alec maawa ka naman sa akin. Nagawa mo na ang gusto mo kaya please tama na kasi isang sakit pa... Alec isa na lang... Baka hindi ko na kayanin..." Pinaharap siya nito saka ito lumuhod sa kanyang harap at yumakap sa kanyang baywang, ang mga mata nito ay namumula na habang ang ekspresyon ay halos hindi na maipinta. "Babawi ako. Babawi ako pangako just please..." His tears fell. "Tangina hindi ko kaya 'yang gusto mo. Dito ka lang, mag-usap tayo..." Lucy heard the car approaching them. Nang huminto ang tinawag na sasakyan ni Caren, kaagad nitong isinakay si Peppa sa backseat. Lalong nataranta si Alec. Tumayo ito at nilapitan ang sasakyan upang kunin si Peppa. He hugged Peppa and stopped Caren from taking it before he went back to her and hugged her. "Dito lang sila! Tangina, dito lang sila!" Naisara ni Lucy ang kanyang mga mata. Pilit niyang kinuha si Peppa mula kay Alec bago niya ito tinulak nang malakas. He stumbled on the rock and fell. Tumakbo naman kaagad si Lucy sa sasakyan at bago siya mahabol ni Alec, nai-lock na niya ang pinto. Mabilis namang minaneobra ng driver ang sasakyan upang umalis. Alec banged the window and shouted while she's inside, hugging Peppa tightly while she's crying her heart out. "Lucy! Please!" The car started driving away but Alec chased them. He kept running and banging the window, begging her to stay, but her heart is already broken and if she wouldn't leave now, baka hindi na niya magawa pang iligtas ang sarili niya. Peppa made a sound as if even her piggy was hurting. It rubbed its nose on her wet cheek, tila sinasabing tumahan na siya. "Lucy! Peppa! Please, don't do this! Lucy! Mahal kita!" Peppa and her looked at the window, and as exhaustion hit Alec, she found herself telling the same last words to him in her head. Mahal din kita, pero sobrang sakit na...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD