WITH EYES shut, head falling back, and brows slightly furrowing, Alec moaned in pure satisfaction. Iminulat nito ang mga mata at tumingin kay Lucy saka ito lumunok. "This is the best shanghai I've ever tasted in my entire life." He leaned forward to peck a kiss on her lips. "Thank you, baby," ani Alec bago muling kumagat sa shanghai na kanyang hawak.
Natuwa naman si Lucy na nagustuhan nito ang shanghai. Maaga talaga siyang gumising kanina para magpaturo kina Marina at Renny kung papaano gumawa ng shanghai. Nagpresinta naman si Kiko na ibibili siya ng wrapper at kung ano pa ang kailangan niya na wala sa kusina.
Everyone helped her prepare for their picnic. Sobrang saya rin niyang hindi palpak ang kanyang pagluluto kahit na wala naman talaga siyang talento sa kusina. Sigurado siyang kung wala ang tulong ni Marina at Renny kanina, baka nasunog niya ang shanghai at naging maalat nang husto ang niluto niyang tinola. They were teasing her while they're preparing the foods. Blooming daw siyang lalo at halata raw sa kislap ng kanyang mga matang masaya ang naging gabi nila ni Alec. Nahiya naman siya sa mga ito lalo nang pumasok ng kusina si Alec at walang pakundangang yumakap sa kanya mula sa likod bago nagnakaw ng halik kahit naroroon ang dalawa. Impit na nagtilian ang mga ito saka makahulugang nagpaalam na lalabas ng kusina. It was embarrassing, but she felt like a teenager who just had her first crush notice her.
Nang matapos siyang maghanda ng pagkain ay tinulungan siya ni Alec na dalhin ang picnic basket at ang kumot na gagamitin nila. Doon sila may hilera ng puno ng mangga nagpicnic, kulang isandaang metro ang layo mula sa kulungan ng mga kabayo. Natutuwa siya sa swing na naroon at mula sa kanilang pwesto, tanaw nila ang kabundukan ng Sierra Madre. Everything she sees in Alec's ranch is just a masterpiece. Si Peppa naman ay napakasarap na ng tulog sa kumot, halatang napagod katatakbo sa damuhan habang suot ang flower crown at tutu skirt nito.
Napasandal siya sa balikat ni Alec habang pinagmamasdan ang asul na kalangitan. "I should have brought my brushes, my paints, and a few canvas."
Tumingin ito sa kanya at ngumisi habang makahulugang nakatikwas pataas ang isang kilay. "Why? You're gonna paint me, Mona Lisa? O baka gusto mo 'yong parang Rose and Jack? I'm willing basta ikaw lang naman makakakita."
She chuckled softly and pinched his nose. "Siraulo ka."
Alec grinned. Uminom ito ng juice at nang matapos ay giniya siyang kumandong rito paharap. He rubbed her sides and settled his hands on her ass while staring at her as if she holds the power of the universe in her eyes. "How could you be so damn beautiful in every second? Gustong-gusto talaga kitang ipagdamot."
His words brought a smile to her lips. Sinuklay niya ng kanyang mga daliri ang buhok ni Alec saka niya inilapat ang kanyang mga palad sa leeg nito, ang kanyang mga hinlalaki ay marahang humaplos sa nadepinang panga ng binata. "You're twenty seven, right?"
"Look who's stalking me before, hmm?" He moistened his lower lip. "Yeah, baby. Why?"
"How many ex-girlfriends did you have? Hindi mo naisipang mag-asawa noon?" She honestly don't know why she came up with such questions but truth be told, she's getting a little nervous with his answers.
"Hmm... I don't really consider them ex-girlfriends because there wasn't any official labels. Most of the girls from my past, we just shared beds and then that's it. That was our only business with each other."
Napakunot siya ng noo. "Bakit naman?"
Alec smiled slightly and drew small circles on her lower back, his olive eyes stared at her with so much admiration. "Because I only want the label when I'm already sure I will never look for someone else anymore. I want a girlfriend whom I know I'm gonna keep. Iyong ibabahay at kasamang bubuo ng pamilya. That's what I want, Lucy."
Hindi siya nakakibo, dahil sa totoo lang ay alam niyang wala naman silang label gaya ng mga babaeng dumaan sa buhay nito kaya pilit na lamang siyang ngumiti at pinuno ng hangin ang kanyang dibdib. Maybe it's better to just enjoy his company until it lasts. Wala naman siyang talo dahil gaya nga ng sinabi ni Alec, hindi dumaraan sa sakit ang isang tao para lamang sa wala She knew Alec would be a lesson she will treasure for life.
"What about you? Ilan ba ang itutumba ko?"
Napasimangot siya rito kahit sa totoo lang ay parang pinilipit ang kanyang sikmura dahil sa narinig. "Si Vince lang naman ang nakarelasyon ko."
"Yeah and that doesn't count for me." He squeezed her waist and smirked. "So we're each other's first then?"
Napakurap siya. "T--Tayo?"
"Yeah. Tayo. This would be our first official."
Wala naman yata siyang maalalang nagtanong ito kung gusto siyang maging girlfriend. Dumiretso nga ito ng third base at nag-homerun kaagad habang ito naman siyang marupok, hinayaan ito, kaya anong sinasabi nito ngayon?
"But... You didn't ask me yet."
Kumunot ang noo nito. "Hindi pa ba?"
"Hindi, eh kaya uhm, okay lang naman, Alec kahit na gaya rin ako ng mga ibang babaeng dumaan sa buhay mo. Malay mo naman magbago rin kaagad ang isip mo sa akin at--"
Natigil ang kanyang paglilitanya nang bigla nitong hawakan ang kanyang batok saka nito hinatak ang kanyang ulo upang mahagkan ang kanyang mga labi. He claimed her lips passionately until she's already breathless. Nang maghiwalay ang kanilang mga labi, tinaasan siya nito ng kilay saka nito piniga ang kanyang pang-upo. "You were saying?"
She gulped and looked away. "Baka... Baka kasi... Temporary lang ang... Nararamdaman mo. I mean, I am not someone you can proudly introduce to your family. I scarred Vince and Hailey's relationship at sa totoo lang, gusto kong lumuhod sa asawa ni Vince para ihingi ng tawad ang sakit na ako ang nagdulot." She smiled in a broken way, glanced at Alec, but when she saw his pools darkened, she looked away again and sighed. "Hindi ako pang-Mrs. De Vera, Alec.
He sighed and pushed a few strands of her hair towards the back of her ear. "Look at me, baby."
She bit her lower lip. Nang hindi siya tumingin kay Alec ay kinulong nito ang kanyang mukha sa magkabila nitong palad at inanggulo ang kanyang ulo upang magtama ang kanilang mga tingin. Lumamlam na ang mga mata nito, ngunit mayamaya ay ngumiti ito sa kanya.
"If you think you're not fit to be a De Vera then let me change back my surname to what you would be more comfortable having. Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari sa'kin, Lucy pero isa ang sigurado ko. I want you, not for two weeks, a couple months, or a few years. I'd like to see all your flaws and imperfections. I want to dive in to the waters that drowned and still drowning you. I want to be next to you once you're finally healed from all the pain that's caging your soul. I want... I want to be part of the rest of your life. The part where we can still turn into something beautiful..." His eyes twinkled with sincerity and it reached her heart, as if they're connected on a deeper level. "Gusto kong makilala ang ikaw noon, ang ngayon, at ang magiging ikaw sa mga susunod na bukas. I want to fall for you not just once but in every chance I could..."
Hindi maintindihan ni Lucy kung bakit ngunit uminit ang sulok ng kanyang mga mata dahil sa sinabi ni Alec. It warmed her heart so much that she can no longer hold back her tears while staring at his sincere eyes. Nang pumatak ang kanyang luha, kaagad na hinaplos ni Alec ang kanyang pisngi saka nito pinagdikit ang kanilang mga noo.
"Can you promise me something?" he asked.
"What is it?"
"Can you stay with me no matter how complicated things look for us right now?"
She found herself smiling at him. Humugot siya ng malalim na hininga saka siya nagsalita. "Pwede ka rin bang mangako sa akin?"
"Of course."
"Pwede bang huwag mong babasagin ang puso ko, Alec?"
Alec took her hand and kissed the back of her palm. "I never will, Lucy. I never will..."
"WHERE are you going?" tanong ni Alec nang makita siyang bumababa ng hagdanat bitbit ang paperbag na naglalaman ng regalo niya para kay Caren. Nabigay niya na kasi ang para sa mga tauhan at ang kay Caren na lamang ang hindi.
Nakapag-usap na rin kasi sila ni Alec na oras na matapos ang usapan nilang dalawang linggo, mananatili sila sa bagong condo na kinuha nito noong nakaraang araw. They will go back to Manila so she can get her stuff and to cut her connection with Vince before they live in together. Nakapagplano na rin si Lucy na pumasok sa art school sa Quezon City at napakiusapan din niya si Alec na dapat ay hindi lang ito ang gagastos para sa kanila. With Alec, she felt like she has a voice, and after so many years of being lost, Lucy found a way to get her life together.
Sinalubong siya nito sa hagdan at kaagad na inakbayan. Pinakita niya naman dito ang paperbag na kanyang bitbit. "Pupunta ako kay Caren, Alec. Ibibigay ko 'to tsaka gusto ko rin kunin ang number niya pati social media account niya nang makapag-usap pa rin kami kahit nasa Manila na tayo."
"Gano'n ba? Gusto mo bang samahan kita?"
Napangisi siya. "Alec, kapitbahay mo si Caren. Hindi ako sasakay ng barko para makarating sa bahay niya."
"Sorry." He grinned then pecked a kiss on her head. "Alright. Be careful. Sa mga kabayo lang ako kapag kailangan mo ko."
Tumango na lamang siya saka nagpaalam dito, ngunit nang akmang aalisin niya na ang braso nitong naka-angkla sa kanya, bigla na lamang siyang hinalikan sa mga labi na parang hindi ito nagsasawang humalik sa kanya. Kinailangan niya pa itong kurutin sa tagiliran saka siya humahagikgik na inipit nag tungki ng ilong nito. "Magsasawa ka kaagad sa akin niyan."
"Nah, I would never." He licked his lower lip. "Balik ka kaagad. I want to cuddle."
She giggled. "Oo na." Tinahak niya ang daan palabas ngunit nang nasa bungad na ng bahay, muli siyang tinawag ni Alec. Nilingon niya ito at hinintay ang sasabihin.
Alec smiled genuinely and stared at her for a couple seconds before he sighed. "I love you, Lucy Sta. Maria. All of you..."
Lucy doesn't know why, ngunit kasabay ng kakaibang ligayang nadama ng kanyang dibdib, may kung anong kumurot sa kanyang puso. Parang bigla siyang kinabahan sa hindi malamang dahilan na tila may hindi magandang mangyayari oras na tumapak siya sa bahay ng kaibigang si Caren.
At hindi siya nagkamali...